Habang nakaupo si Faye sa gilid ng kama ng bigla siyang mapalingon. Ang Tito Lucio. "Mamaya lang darating ang mga Agent na kinuha ko mula sa mga Hamish." Napatitig ako rito ng bumuntong-hininga ito. "Nakakalungkot lang na nasa mission pala ang anak ni Mr. Hamish na si Marco. Siya sana ang higit na inaasahan kong makakapag-protekta sa iyo." Wala naman akong naisip na sabihin. Nang tumunog ang cellphone nito. Sandali naman itong nagpaalam sa akin. Bigla naman akong napabuntong-hininha. Ang totoo, ng mga oras na iyon, ang nobyo ang nasa isip ko. Gusto ko itong makausap. Labis akong nababahala sa isiping nag-aalala na ito ng labis sa akin. Gusto ko lang naman sabihin dito na maayos ang kalagayan ko. Pero pinagbawalan ako ng tito na gumamit ng cellphone at baka raw ma-trace pa ako ng

