Chapter 4 (Marco)

1449 Words
Pagkarating sa condominium na pag-aari ko, kaagad akong napahiga sa sobrang pagod. Ipinikit ang mga mata. Ngunit ang babaing iyon na lang ang palaging nagpapakita sa aking isipan. Simula yata ng lumipad ako patungong Milan Italy, hindi na ito nawala sa isipan ko. Pati trabaho ko, nagagambala nito kahit wala naman itong ginagawa. Minadali ko pang tapusin ang mission ko sa Milan, upang mapuntahan ang babaing iyon. May utang pa yata siya sa akin? Sumilay ang ngisi sa labi ko. Lalo na nang maalala ang huling pag-uusap namin ng dalaga. Mabilis akong naligo. Pagkahimpil ng sasakyan, 'agad akong pumasok sa paaralan kung saan ito nagtuturo. Napahinto ako sa paglalakad ng makita itong naglalakad pasalubong sa akin. Hindi ako nito pansin at nakayuko ito at mukhang malalim ang iniisip. Nang maka-isip ako ng paraan. Sinadya kong salubungin ito na naging dahilan ng pagkakabunggo nito sa katawan ko. Mabilis kong hinawakan ang maliit nitong baywang. Lihim pa nga akong napalunok ng maamoy ang kabanguhan nito. Lalo na nang mayakap ang balingkinitan nito. Ngunit 'agad din itong lumayo sa akin at walang salitang nilagpasan ako. Mas lalo tuloy akong humahanga sa pagiging mailap nito. Sinabayan ko ito sa paglakad at siniguradong astig akong tingnan. Lihim akong natawa ng tumaas ang kilay nito dahil sa tanong ko. Hindi ko napigilan ang ngumiti rito ng simpatiko. Ewan ko nga kung bakit nagpapa-pogi ako sa babaing ito. Never ko pa itong ginawa sa ibang babae. Mas lalong wala pa akong inaksayang oras ng dahil lang sa babae. Siya lang talaga. At hindi ko pa alam kung bakit. Basta ang alam ko. Gusto ko itong nakikita. Natutuwa akong naasar ito sa akin. She's so freaking cute. Lalo akong ginanahan ng hindi nito tanggapin ang pakikipag-kamay ko. Gumawa pa ako ng ibang pangalan. 'Di ko puwedeng sabihin dito ang totoong pangalan ko. Ang pagkatao ko. Masyadong mailap ang dalaga. Masungit din. Pero gusto ko ang kasungitan nito. Lalo akong nagkakaroon ng interesadong alamin ang buhay nito. Gusto kong matawa ng manlaki ang mga mata nito ng sabihin kong kumain kami sa labas. Hindi iyon pakiusap kun'di utos. Kitang-kita ko ang pagkainis nito. Pero lalo lang itong nagiging maganda sa paningin ko. Hindi rin nakalagpas sa akin ang madalas nitong pag-iwas sa mga titig ko. Alam ko naman kung gaano kalakas ang appeal ko sa mga babae. At nasisigurado kong may paghanga rin itong nararamdaman sa akin. Pilit lang nitong itinatago at ipinapakita sa pamamagitan ng pagsusungit nito. Pero titiyakin kong makukuha ko ang loob nito. Ang kiliti ng babaing ito. Napapansin kong masyado itong seryoso sa buhay. At gusto kong malaman kung bakit mag-isa ito sa buhay kong mayaman naman ang pamilya nito? Lalo na't may mga tauhan ang ama nito? Lihim na nagbunyi ang kalooban ko ng pumayag itong kumain sa labas. Kahit na may pagkasakit itong magsalita. Hindi pa rin nakabawas sa paghanga ko rito. Simpleng babae. Iyon ang maide-describe ko rito. Pero kahit na nakasuot itong uniform ng sa guro, hindi maitatangging sexy ang pangangatawan nito. Wala rin itong kakolo-kolorete sa mukha. Tanging pulbos lang at manipis na lip gloss ang gamit nito. Hindi nakalampas sa akin ang pag-aalinlangan nitong sumakay sa loob ng sasakyan ko. Kaya naman para magtiwala ito, inalok ko itong sumakay ng taxi. Nagawa ko pang magbiro rito ng bigla itong mapatitig sa akin. Ngunit isang matalim na irap ang ibinigay nito sabay talikod sa akin. Hindi ko naiwasan ang matawa ng mahina. Ibinulong ko pa na maganda ito kahit na masungit. At alam kong narinig nito iyon. Sa isang mamahaling restaurant ko ito dinala. Nanatili lang itong tahimik. Inalalayan ko itong makaupo. "Nakapili ka na ba?" tanong ko. Hindi ko mai-alis alis ang pagkakatitig ko sa mukha nito. Tumango lang ito at itinuro sa waiter ang gusto nitong kainin. "Here's my order," wika ko rin sa waiter. Pagka-alis ng waiter saka ko hinarap ang babaing kanina pa walang kibo. Halatang napilitan lang sumama. Minsan tuloy naisip kong hindi ba ako kaguwapuhan at hindi man lang ito kiligin o makitaan ng proud na guwapo at hot ang kasama nito? Kanina pa kasi panay tingin ng mga kababaihan sa direksyon namin. Pero ito para bang hangin lang ako sa paningin nito. Ni hindi tumitingin sa akin. Hindi nito alam na lalo ako nitong binibigyan ng challenge para makuha ko ang loob nito. Lalo akong ginaganahan sa ginagawa nito. Curios talaga ako sa babaing ito. Ramdam kong kakaiba ito sa lahat ng babaing nakilala ko. Tumikhim ako. Doon naman ito tumingin sa akin. Gusto kong mapangiti ng bahagya pang nakataas ang kilay nito at para bang sinasabi ng mga mata nito ng "what" Ang sungit talaga.. "Salamat sa pagtitiwala," wika ko. "Hindi porket sumama ako e, may tiwala na ako sa iyo. Gusto ko lang mabayaran ang utang ko sa iyo," pangbabara nito. Lalo akong napatitig dito. Bakit ba pakiramdam ko may galit itong kinikimkim? Hindi ba ito masaya sa buhay niya? Gumalaw ang panga ko sa isiping may itinatagong lungkot ang babae. At hindi iyon maitatanggi ng mga mata nito. Doon ko lang napagtanto. Kakaiba ang pananalita nito. Mapait, walang kagana-gana. Walang kainte-interesado. Ang mga mata nitong kakakitaan ng walang kulay. Dumadaan iyon sa mga mata nito paminsan-minsan. Katulad ngayon. Hindi ako nakapagsalita ng dumating ang order namin. Kita ko ang pag-awang ng bibig nito. Akala ko tatanungin ako nito kung bakit ang dami kong in-order. Pero nanatiling tikom ang bibig nito. Pakiramdam ko nga, gusto man nitong magtanong pero mas piniling manahimik at dahil siguro ayaw nitong makipaglapit sa akin. Tipong pagkatapos ng araw na ito. Wala na rin dahilan upang magkita kami o mag-usap. Pero iyon ang hindi ko papayagang mangyari. Lalo akong magiging makulit sa ipinapakita nito. "Anong ginagawa mo?" tanong nito. Inilagay ko lang naman ang hiniwa kong beef steak sa plate nito. Nilagyan ko rin ng ibang pagkain na in-order ko. "Ang kunti ng in-order mo. Kaya ang payat mo," pagbibiro ko. Ngunit nanatili akong seryoso kunwari. Akmang aalisin nito ng bigla akong magsalita. "Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo iyan kinakain." Nanlaki ang butas ng ilong nito. Namula na naman ang mukha nito dahil sa inis. Binigyan ko ito ng ngiti at saka sumubo na. "Kumain ka na. Isipin mo na lang na matalik mo akong kaibigan. Kung naiinis ka sa akin, mamaya mo na lang ipakita. Huwag lang ngayon. Baka magtampo ang pagkain sa atin." At binigyan ito ng friendly smile. Bigla itong napairap at saka umiwas ng tingin. Gusto kong matawa ng makitang gigil nitong kinagat ang beef steak. Ilang minuto ang lumipas. "May asawa ka na ba, Faye?" Nang bigla na lang sumama ang timpla ng mukha nito. "Sa tingin mo, sasama ako sa iyo kung may asawa na ako?" Nagpipigil naman akong mapangiti. "Relax, tatanong lang e. Highblood ka na 'agad." Inirapan na naman ako nito. "How about boyfriend?" Sandali itong natahimik. Tumikhim ako. "Mayroon." Bigla akong napahinto sa pagnguya. Pakiramdam ko may dumaang kirot sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang. "Hindi nga?" parang tangang paninigurado ko. Hindi kasi ito tumitingin sa akin. Nang bigla itong mapa-angat ng tingin sa akin. "Wala akong magagawa kung hindi mo ako paniniwalaan." Nang bigla itong tumayo. "Tapos na ako. Nakabayad na ako sa iyo. Maiwan na kita." Nang bigla kong hawakan ang braso nito. "Talagang iiwan mo ako? Hindi pa ako tapos oh?" Napatingin ito sa plato ko. "Mahuhuli ako sa klase kung hindi pa ako babalik." Bigla akong napatayo. Nagtatanong ang mga mata nito. "Busog na rin naman ako. Tara na, ihahatid na kita." Hindi makapaniwalang napa-awang ang labi nito. Ngunit nanatili itong tahimik hanggang sa makalabas kami ng restaurant. "Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko ng mag-isa." At saka ito pumara ng taxi. Nanlaki ang mga mata nito ng bigla akong sumakay katabi nito. "Anong ginagawa mo?" "Doon din ang punta ko. Remember, iniwan ko ang sasakyan ko roon." Pansin ko ang pagpakawala nito ng buntong hininga. Hanggang sa tumingin ito sa bintana ng sasakyan. Bigla rin akong natahimik. Iniisip ko ang sinabi nitong may nobyo na ito. Hindi naman kataka-taka kung sakaling totoo ang sinabi nito. Kung ako nga, kaagad humanga sa ganda nito. May katangian ito na kahit napaka-sungit hindi mo basta-basta mabibitiwan kun'di lalo mo pang kababaliwan at bibigyan ng atensyon. Pakiramdam ko, napaka-misteryosa ng dalagang ito. "SA muling pagkikita!" nakangiting wika ko sa dalagang nagmamadaling maka-alis. Ngunit bigla itong napahinto. Lumingon sa akin. "Excuse me, Mr. Wala nang dahilan para magkita pa tayo. Goodbye!" Lihim naman na umarko ang gilid ng labi ko. Seryosong nakapamulsa habang tinatanaw ang papalayong dalaga. Hindi ako makakapayag na hanggang dito na lang ang lahat Miss Faye. Lalo na ikaw pa lang ang kaisa-isahang babae na humindi sa ka-guwapuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD