Chapter 3

1372 Words
Bigla akong nagulat ng sundutin ako sa tagiliran ng kaibigan ko. Isang guro din. Tawang-tawa naman ang lukarit. Binigyan ko ito ng matalim na tingin. "Ang lalim naman kasi ng iniisip mo. Sino ba iyang nagpapagulo sa puso mo ah?" Panunukso nito. Napabuntong-hininga naman ako. "Iyon bang lalaking panay punta sa iyo?" Ngiting-ngiti pa ito. "Tsk. Iyong gag* na iyon--" Hindi pa ako nakakatapos magsalita ng humalakhak na ito. "Grabi ka naman maka-gago. May itsura naman ah. Bakit ba galit na galit ka doon? Parang kulang na lang isumpa mo e! Mukhang mabait naman ah!" daldal nito. Mapait akong napangisi. Kung alam lang nito. Paano magiging mabait ang isang sindikato at mamamatay tao? Wala kasi itong alam kung sino ang lalaking nagpupunta sa akin. Ang kanang-kamay lang naman ni daddy. Wala rin itong alam sa tunay kong pagkatao. Initago nga ako ng ama ko. At 'di ko nanaisin ipagtapat kung sino talaga ako at sino ang mga magulang ko. Nakakahiya man aminin na ikinahihiya ko ang ama ko. Pero iyon ang totoo. Ikinakahiya ko ito dahil sa trabaho nitong marumi at nakakatakot. Ang alam lang nito ay admirer ko ang lalaking iyon. Hindi nito alam na isa itong mamamatay tao! Isang sindikato at hindi mapagkakatiwalaan. Kahit pa kanang-kamay ito ng daddy ko never akong nakaramdam na karapat-dapat itong pagkatiwalaan. Sa mga titig at kilos nito, hindi na katiwa-tiwala. Ang mga mata nitong may pagnanasa! "Kung gusto mo sa iyo na," wika ko rito. "No way! May nobyo na ako no!" mabilis na sagot nito. Nang bigla itong tumitig sa mga mata ko. Napakunot naman ang noo ko. Sumilay na naman ang namimilyang mga mata nito. "Alam ko na kung sino ang iniisip mo!" palatak nito. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Lihim din akong napalunok. "Iyong mala-adonis ba ang katawan? Iyong nakita kong kausap mo dalawang linggo na ang nakalilipas?" Nangingislap ang mga mata nito. Bigla akong napainom ng juice. Mabuti na lang nakalugay ang mahabang buhok ko at hindi nito napansin ang biglaang pamumula ng mukha ko. Kung bakit bigla na lang kasing kumabog ang dibdib ko. "Iyon ba?" Pangungulit nito. Niyuko pa talaga ako! Inirapan ko naman ito kunwari. "Bakit ko naman iyon iisipin? Hindi ko nga iyon kilala. I told you, may tinanong lang siya sa akin." Pagsisinungaling ko. "Talaga ba?" Napaikot ang mga mata ko at kilig na kilig ito sa kabaliwan nito. Siguro kung malalaman nito ang background ng family ko, tiyak na matatakot ito sa akin. At siguradong iiwasan ako nito. Ikaw ba naman anak ng sindikato kung 'di ka matakot. Mahirap yatang madamay sa kapahamakan. Tumayo na ako. "Maiwan na kita." Paalam ko. "Ay sus! Umiiwas ka lang eh! Siya ba?" Pahabol pa nito. Kinawayan ko na lang ito. Nakayuko ako habang naglalakad. Hindi ko naman maitatangging sumagi nga sa isipan ko ang lalaking iyon. Dalawang Linggo na ang nakakalipas simula ng makita ko ito at makausap. Pero hindi na ito nagpakita pa. Ang sabi nito, hindi ito tumatanggap ng salamat mas lalo na nang pera. So, anong kailangan nito? E, hindi na nga nagpakita pa. Uyy, hinahanap niya! Tinamaan ka ba sa makamandag niyang pangangatawan? Sa mga titig niyang nanghihigop at nakakapanghina ng tuhod? Bigla kong natampal ang pisngi ko. Ramdam ko ang pamumula noon. Ano bang pumasok sa isipan ko? Nang mabunggo ako ng kung sino. Bigla akong napatili sa pagkagulat. Mabilis nitong nahawakan ang maliit kong balingkinitan. "Ang layo kasi ng tingin." Bigla akong napalunok ng marinig ang baritonong boses nito. And gosh! Kinabog ng husto ang dibdib ko! Lalo na nang maamoy ang pabango nito. Iniisip ko pa lang ito. Tapos nandito na! Bigla ko itong tiningala. Napaiwas ako bigla ng tingin. Hindi ko kayang makipag-eye to eye dito. Natatakot akong baka mabasa nito ang nilalaman ng mga mata ko. Gusto kong magalit sa sarili at ganito na lang kalakas ang impact ng lalaking ito sa akin. Buong buhay ko, hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa ibang lalake. Iyong kakabahan. Mahihiya. Lalakas ang t***k ng puso. Mas lalong iisipin. Pero itong lalaking ito. Kakaiba. Para bang kaya nitong palambutin ang puso ko ng isang kisap mata lang. Dahil sa kabang nararamdaman mabilis ko itong nilagpasan. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman ko itong umagapay sa paglalakad ko. Nakapamulsa pa talaga ha? Akala mo naman model. O baka modelo nga ang lalaking ito? Hindi naman nakakapagtaka. Napakaganda ng katawan nito. He's hot! Sa madaling salita. "Kumusta ka, Miss Faye? Namiss mo ba ako?" Bigla akong napahinto at taas kilay na tiningnan ito. Kahit ang totoo, para akong kinilig na ewan dahil sa sinabi nito. "Excuse me?" Tinaasan ko ito ng kilay. Sh*t na malagkit! Ngumiti ba naman ng simpatiko! "Namiss mo ba ako?" At talagang inulit pa! Ang lakas ng tama ng lalaking ito ah. "Nasa tamang pag-iisip ka ba Mr? Ni 'di nga kita kilala tapos mamimiss kita?" Sabay talikod dito. At talagang sumabay pa rin sa paglakad ko. "E, 'di magpapakilala ako sa iyo." Bigla akong napahinto. Gusto ko yatang mapangiti ng tumikhim pa ito at para pang nagpa-guwapo! Hindi ko alam kung nagpapapansin ba ito o ano. O baka gusto lang nitong kunin ang kiliti ko. Tsk. Asa siya! Talaga ba? Panunukso ng bahaging isipan ko. "I'm Mike Harold." Sabay lahad ng kamay nito sa harapan ko. Bigla ko naman iyon natitigan. Kumibot ang labi ko. Sa huli, pinili ko pa rin ang maging matigas dito. Hindi ako maaaring magtiwala ng ganoon kabilis dito. Ni hindi ko siya kilala kung saan siyang lupalop nakatira o anong pagkatao nito. Kaya nga nagpapakilala sa iyo hindi ba? Kontra naman ng bahaging isipan ko. "Bakit ka ba nandito? Hindi ba sinabi ko na sa iyong layuan mo ako kung ayaw mong mapahamak?" instead na wika ko sa lalake. Ibinaba naman nito ang kamay at saka ipinasok sa bulsa ng pants nito. Pa-pogi talaga ito sa harapan ko! "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo?" Kumunot naman ang noo ko. "Hindi ako tumatanggap ng salamat mas lalo na nang pera Miss Faye." "So, anong gusto mo nang matapos na itong pagpunta-punta mo rito." Pagsusungit ko. Umarko ang gilid ng labi nito. At hindi ko napigilan ang mapairap kasabay ng pag-iwas ng tingin dito. Ang init tumitig! Kakainis. Narinig ko ang mahinang tawa nito. "You're so cute!" Nagulat ako ng pisilin nito ang pisngi ko. Akmang magsasalita ako ng unahan ako nito. "Kumain tayo sa labas." Nanlaki ang mga mata ko sa stress sa lalaking ito. "Utos ba iyan o pakiusap?" naiinis kong tanong. "Utos." Naiwan sa ere ang sasabihin ko ng unahan na naman ako nito. "Remember, hindi ako tumatanggap ng salamat." Sabay ngisi nito. Uminit ang mukha ko sa inis. Sarap bigyan ng isang suntok sa mata! At para matapos na ang kalukuhan nito. Naisip kong pagbigyan ko na lang ito. Tutal, isang beses lang naman. Lalo na't umaga naman kaming kakain. I'm sure naman na di ako mapapahamak. Kaya ko naman I-defense ang sarili ko kung sakaling may kahina-hinala sa mga kilos nito. "Fine! Ngayon na tayo kumain at may klase pa ako mamaya." Sabay irap dito. Tutal, magtatanghaling tapat na. Sakto lang for lunch break. Sumilay ang matamis nitong ngiti sa labi na ikina-iwas ko ng tingin. "Yes, boss!" Sabay saludo sa akin. Napayuko ako ng bigla itong kumindat. KUMUNOT na naman ang noo ko. "May problema ba?" tanong nito. "Sasakyan mo ito?" tanong ko. Ang yaman pala ng lalaking ito ah. Iba na namang sasakyan na gamit. "Yes." Sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. "Hop in." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kailangan ko ba talagang magtiwala rito? Nang bigla nitong isara ang pinto na ikinatingin ko sa mukha nito. "I understand kung hindi ka kaagad magtitiwala sa akin. Mag-taxi na lang tayo para mapanatag ang loob mo." Napakurap ako. "Masyado ba akong guwapo?" Nanlaki ang butas ng ilong ko. Kung bakit bigla na lang akong napatitig sa mukha nito. Hindi kasi ako makapaniwalang mas gugustuhin nitong mag-taxi para lang sa akin. "Kapal!" wika ko sabay nauna nang naglakad. Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Masungit pero maganda.." Ramdam kong pinamulahan ako sa ibinulong nito. Para ngang sinadya nitong iparinig sa akin. Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD