SAMANTALANG habang nakikipag-usap si Marco kay Agent M, ng mapansin niya ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatingin sa likuran ko. Para pa nga itong nakakita ng multo sa reaksyon ng mukha nito. Akmang lilingon ako ng mabilis ako nitong pigilan. "S-si Senorita Faye, boss!" At ako naman ang biglang nagulat. Kinabog bigla ang dibdib ko lalo na't wala ako noong suot na mask! "M-malapit na siya boss!" tarantang wika ni Agent M. Mabilis akong umalis at umikot sa kabilang pasilyo. Iniharang ko pa ang isang kamay ko sa mukha upang 'di nito makita. Akalain ko bang tutungo ito rito sa likod bahay! Pagkabalik nga nito sa sala, bigla itong napatitig sa akin. Pinakiramdaman ko naman ito kung naghinala ba ito. Ngunit gaya ng dati ang expression ng mukha nito. Tahimik na umakyat sa itaa

