NAPASIMANGOT ako ng makitang wala na sa tabi ko ang nobyo ko. Ngunit 'agad din akong napangiti sa isiping makikita ko na itong wala ng maskarang suot-suot! Nagmamadali akong naligo at saka bumaba ng kuwarto. Walang tao sa sala? "Nasaan ho si tito, manang?" tanong ko ng makasalubong ito. "Ah, nasa kabilang bahay Senorita Princess." Napatango naman ako. Hindi lingid sa akin na malapit nitong kaibigan ang lalaking nag-retired na rin sa Scout Ranger. "Nakahanda na po ang almusal niyo." "Mamaya na ho ako, kakain. Napansin niyo po ba iyong Personal bodyguard ko?" Sandali itong nag-isip. "Parang umalis po yata, senorita." Bigla akong natigilan. Umalis? Pero bakit? Nakaramdam ako ng inis sa isiping wala pa rin yata talaga itong balak magtapat sa akin. "Bakit po umalis?" Napailing n

