Kung kailan naman malapit na nitong mahubad ang cycling ko ng bigla akong mapasigaw. Pati ito biglang napabuhat at napatingin sa labas ng bintana. "Fvck!" "A-anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko. Nagmamadali itong nagsuot ng jacket. "May sumabog na sasakyan sa labas. Aalamin ko lang. Dito ka lang huwag kang lalabas." Seryoso na ang mukha nito. Mukhang nawala ang kalasingan nito. Malalaki ang hakbang nitong lumabas ng kuwarto ko. Sandali naman akong napatulala hanggang sa napalunok. Madali rin akong nagsuot ng damit. Inayos ang sarili at lumapit sa bintana. Sinilip ang sasakyang sumabog. Pansin ko ang ilang tao na nasa labas kasama na roon ang nobyo ko. Iikot na sana ako pabalik ng kuwarto ng may mahagip akong bigla. Isang taong nakatayo at nakatingin sa gawi ko? Ngunit pag

