"Hi, baby!" sabay halik at yapos sa balingkinitan ko. Kumunot naman ang noo ko. "Nakainom ka?" Mapungay ang mga mata nito at amoy alak?! Ngumiti ito sa akin at saka isinara ang pinto. Ikinulong ako nito sa mga bisig nito. Muling hinalikan ang labi ko. "Kaunti lang, baby. Iyong bunso kong kapatid e..." at saka nito hinahalik-halikan ang leeg ko. Nakikiliti naman ako at lihim na kinikilig. Ngunit nandoon ang kaba sa dibdib ko lalo na't nakainom ito. "Sana hindi ka na pumunta rito. Natulog ka na lang sana--" "Dito ako matutulog." Bigla akong kinabahan. Napalunok sa harapan nito. "Sinabi ko naman sa iyong hindi ka puwedeng- -" Nang bigla itong magsalita. "Sige sa ibang babae na lang ako makikitulog." Kita ko ang kapilyuhan sa mga mata nito. Bigla naman akong nakaramdam ng inis

