Napabuga si Kier oras na makitang umuulan ng malakas sa labas. Nasa mall sila ngayon at nasa tabi niya si Hayley, waiting for their turn sa cashier. Nagaalala siya sa asawa lalo na dahil delikado na sa kalsada ngayon dahil ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Madulas sa daan. Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Sana pinahintay ko na lang siya, ani niya sa likuran ng kaniyang isipan. Sa kaniyang tabi naman ay nakatingin ng maigi sa kaniya si Hayley. Nakataas ang nguso nito dahil halatang malalim ang iniisip ng lalaki. Napairap siya sa hangin. Kung hindi niya tinakot ang lalaki ay siguro hindi ito pupunta rito ngayon sa dito sa mall para bumili ng mga pagkain. Kaninahabang pumipili ay wala man lang pake si Kier kung ano iyong nilalagay niya sa cart nila. Kahit nga iyong mga junk foods na

