Sa sumunod na mga araw ay naging busy si Fajrah sa kaniyang internship habang si Kier naman ay naging busy sa mga bagong project niya at isabay pa ang pagkakaroon ng responsibilidad na mayroon ito kay Hayley at sa magiging anak nila. Isang buwan at isang linggo na ang tiyan nito. Kapansin-pansin din ang pagtaba kaunti ni Hayley. Lumalakas ang kain niya at nagiging mainitin pa lalo ang ulo niya na siyang tinitiis naman ni Kier dahil alam niyang part lamang iyon ng pagbubuntis ng babae. Kung ano-ano ang hinahanap at gustong kainin nito. The last time gusto nitong kumain ng santol pero hindi naman alam ni Kier kung saan makakabili niyon lalo na dahil hindi naman santol season nang buwan na iyon. Dahil doon ay umiyak si Hayley at pagkatapos ay bayabas naman ang hinahanap nang may bayabas na m

