Kier chuckled as soon as his phonecall with his wife ended.
“Ugh, damn. I missed her.” ani nito sa sarili bago muling napangiti. “Always been my sweet, Fajrah.” ani niya nang maalala nito ang maraming ibinilin sa kaniya ng asawa. Gustuhin niya mang bisitahin ang asawa sa pinag I-internan nito ay hindi niya magawa dahil sa sobrang busy at hectic ng schedule niya. Madami pa siyang kailangan tapusin at asikasuhin, naybe after he finshed all of those ay bibistahin niya talaga ang asawa.
Nilagay niya sa bulsa muli ang cellphone at kinuha ang iilang mga dokumento sa taas ng kaniyang mesa. Sa katunayan niyan ay kailangan niya pang mag report sa head nila ngayon tungkol sa mga kakailanganin pang mga materyales upang mabigyan iyon kaagad ng budget, para natapos na rin sila.
“Paano ba ‘to? I have a meeting with the Saldivars mamaya.” ani ng mas nakakataas sa kaniya matapos ireport ni Kier rito ang malaking kulang sa bilang ng mga materyales na kakailanganin pa nila sa pagpapatayo ng malaking gusaling project nila.
Napahilamos sa mukha niya ang head nila, halatang katulad niya ay marami din itong ginagawa at pinoproblema, at mas busy talaga ito kesa sa kaniya.
Hinilot ng lalaking nasa harapan ni Kier ang kaniyang sentido, hoping that by massaging it will lessen his headache. San nga lang ay pati trabaho nila ay maaaring hilutin para madali lang din matapos kaso hindi, they have to follow procedures and a hundredths of rules na mas nagpapatagal pa sa proseso.
“May gagawin ka ba mamaya, Kier?” tanong ng Boss niya maya-maya, matapos nitong mainit na tiningnan ang isang hawak na papel kung saan nakasulat ang quantity of materials na kailangan nilang makuha within that specific week para tuloy-tuloy ang trabaho.
Napakagat sa pang-ibabang labi niya si Kier. Mamaya ay wala na siyang gaanong gagawindahil siniguro niyang tapusin ng maaga ang mga trabaho niya dahil gusto niyang ilaan ang mga oras na iyon para sa asawa niya pero kung hindi naman nila mapuntahan ang supplier nila sa araw na iyon ay mapapatagal ang mga materyales kapag ipagpapabukas pa nila ang pag order. Paniguradong matatagalan ang pagdating ng mga supply, there's a big possibility na magkakaroon ng delays, dahil abrupt ang kanilang pag-order.
Napabuga siya ng hangin, “I think I have a free time later.” ani niya sa boss niya which is at the same time ay nakakatanda niyang pinsan.
The firm where they are working is under their family’s firm, the Miradel construction firm. As they are a family of engineers almost all of them na magpipinsan ay doon nagtatrabaho habang ang iba naman ay napiling bumukod ng sarili nilang firms o di kaya ay sa ibang firm nagtatrabaho. Even if he wants to build his own firm too ay mas pinili niya roong magtrabaho kasi gusto niyang makatulong sa negosyo ng pamilya nila.
The Miradel construction firm ay nagmula pa sa kanuno-nunoan nila kaya ganoon na lang din ito kung pahalagahan ng buong pamilya nila. It is one of the most popular construction firm in the country, popular ito alongside with the Meduya construction firm kung saan sa kabilang probinsya mahahanap.
“Good then, maybe you could go to Jason’s factory to get these materials?” tukoy nito sa kaibigang nagmamay-ari ng kompanya kung saan sila kumukuha ng mga supply nilang materyales.
“I’m sorry Kier, my meeting for the Saldivars is very important… and if we will not order the materials na man that we needed as soon as possible, ay paniguradong magkakaroon tayo ng delays.”
Tumango si Kier. Naiintindihan niya ang pinsan. Siya na lang ang pupunta roon kesa naman sa magka delay-delay na naman sila sa trabaho kapag hindi agad naihatid ang mga materyales.
Tinanguan niya ang pinsan “Okay, I will go there now.” ani niya rito at nagpaalam nang umalis na siyang tinanguan naman ng pinsan at sinabihang mag-iingat.
Pagbalik niya sa kanilang opisina doon mismo sa site ay napabuga na lang siya ng hangin. He thought he could give his full attention mamaya sa kaniyang asawa, hindi pa rin pala. He took his phone out of his pocket to check kung may ibiniling mensahe ba ang asawa, pero wala naman kaya napabalik na lang siya sa phone niya sa loob ng bulsa.
Kier sighed for the nth time again. Pupunta na siya ngayon roon upang maaga pa siyang makabalik sa syudad.
Kier ready the numbers of papers na kakailanganin niya lang sa pagpunta sa Steel Nation’s factory. Didiretso na siya roon tulad ng kung anong sabi ng head niya sa kaniya.
“San ka?” napahinto si Kier ng tanungin siya ng kaibigan at katrabahong si Theo na isa ring engineer.
“Pupunta akong Steel Nation,” nangunot ang noo ng kaibigan.
“Nasaan ba si Sir Bryan?” tukoy nito sa head na pinsan niya na siyang nakasanayan na nilang ito ang pumupunta roon dahil sa kaibigan nito ang may-ari ng SN.
“May importanteng meeting,” sagot niya at inayos ang pagkakasabit ng sling ng kaniyang bag sa kaliwang balikat.
“Samahan na kita, teka lang. Ilalagay ko muna ‘to sa drawer.” ani nito na tiningnan ni Kier. Bumuga siya ng hangin, mas mabuti na rin siguro kong may kasama siya kaya hindi na siya umalma pa. Ito ang kasama niya sa opisina niya doon sa site at malapit siya rito.
“Wala ka bang gagawin?” tanong ni Kier sa lalaki habang naglalakad sila patungo sa naka park niya na sasakyan hindi malayo mula sa kanilang temporary office.
Umiling ang lalaki. “Wala na, tapos ko nang macheck ang trabaho sa east part.” Tinanguan ito ni Kier at sabay nang pumasok sa sasakyna niya.
Trenta minutos lamang ang binyahe nila at nakarating na sila agad sa factory ng NS.
“Good afternoon, Sir. May I ask your name? May appointment po ba kayo?”
“Miradel, just tell your boss that Kier Miradel is here.” ani niya tulad ng kung anong tinuro sa kaniya ng pinsan. Hindi na kasi nagpapa-appointment pa ang pinsan niya kapag pumupunta roon dahil pina-priority sila ng may-ari. Dahil maliban sa matalik na magkaibigan ang dalawa ay ang alam niya ay isa din sa mga shareholder ang pinsan niya roon.
“Oh,” gulat na ani ng sekretarya. Bago pa lang siyang nakapunta roon kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi siya kilala ng sekretarya.
“Mr. Miradel pasok po kayo.” ani ng sekretarya na hindi na nagtanong pa sa amo nito at binuksan na agad ang pintuan para kay Kier at sa kasama nitong si Theo.
Pagpasok niya ay agad na tumambad sa kaniya ang isang lalaki at isang babae sa harapan nila. Nangunot ang nooni Kier lalo na dahil nakaupo sa hita ng pamilyar na lalaki ang babaeng nakapulupot din ang kamay sa leeg ng lalaki.
Pati ang kasama nitong si Theo ay napa pause din ng saglit ng Makita ang dalawa sa ganoong posisyon.
“Ah! So-sorry sir,” napatalikod agad si Theo sa dalawa. Akma n asana itong aalis nang maramdaman niya ang katabi niyang wala atang balak na umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan nito.
“H-hoy, Kier tara.” Ani niya rito pero hindi siya pinakinggang nito.
“Oh, Kier!” kaya napatingin na rin roon si Theo and just realized na hindi pala iyon ang CEO kung hindi ang nakababata nitong kapatid na si Dominic.
Nangunot ang noo ni Kier at napailing na lang sa lalaki. Kilala niya ito dahil maliban sa parati niya itong nakikita sa mga gatherings ay kaklase niya rin ito noong secondary years nila at hindi na siya magtataka pa kung may kasama itong babae dahil noon pa man ay playboy na talaga ito.
Pinatayo nito ang babae at nagbulongan pa sandali ang dalawa before spanking the girl on her butt at tuluyan ng umalis roon. Hanggang sa makaalis na ng tuluyan ang babae ay gulat pa rin sa Nakita niya ang kasama ni Kier na si Theo.
“Dom,” tawag ni Kier sa lalaki.
“Sorry about that, take a seat.” Aya niya sa dalawa at inutusan ang sekretaryang ipaghanda sila ng maiinom.
“Where’s your brother?”
“Out of town kaya ako na muna ang pina-handle rito,” tumango si Kierat nilabas ang isang papel kung saan nakasulat lahat ng kailangan nilang materyales.
Dumating ang sekretarya at binigyan sila ng tig-iisang baso ng juice.
Sandali lamang iyong tiningnan ni Dom, bago tumango at sinabing “Okay.” Binigay niya iyon sa sekretarya at kinausap ito na ipabigay sa isang tao na nasa field ng pagawaan.
“Okay sir,” ani ng sekretarya nito at umalis na.
“I guess we also have to go now,” ani ni Kier at tumayo kaya napatayo na lang din si Theo na umiinim pa sana ng juice. Iyon lang naman ang iniutos sa kaniya, na ibgay ang papel na iyon napuno ng mga kailangan nilang mga materyales para sa proyekto nila.
Tumayo din ang lalaki at kinuha ang isang bag sa tabi nito kaya napatingin sina Kier sa gawi nito.
“Sasama ako, let’s have a drink.” Ani nito kay Kier at nauna pang lumabas sa kaniya.
Hindi agad nakapagsalita si Kier. Nagpaalamat nga siyang ihahatid niya lang ang papel pero ngayon naman nag-aya ng inom ang kaibigan niya at alam niyang hindi siya makakahindi rito. Naalala niya niyong isang besses na nagkita din sila sa labas, piniliot siya nitong mag-inom kahit anong sabi niyang kailangan niya nng umuwi ay hindi talaga siya pinaalis ng lalaki.
“Kasama ba ko dun?” pabulong na tanong ni Theo kay Kier.
Hinarap ito ni Kier at napabuga ng hangin bago sumunod sa lalaki at hindi sinagot ang kasamang si Theo na napakamot na lang sa kaniyang batok.
“Shet, sana pala hindi na lang ako sumama rito, mapapainom pa ata ako ng wala sa oras.” ani nito at sumunod na lang din kay Kier.