Kabanata 4

1671 Words
Napabuntong hininga na sinundan at sinabayan ni Kier sa paglalakad ang kaibigang si Dom. Imbes kanina ay nagpapasalamat siya na saglit lang siya sa factory dahil ang utos lang naman sa kaniya ng Kuya ay ipahatid sa kaniya iyong mga listahan ng mga materyales, ngayon ay parang matatagalan pa tuloy siya dahil alam niyang hindi tumatanggap ng “hindi” bilang sagot ang kaibigan. “Sandali lang kami, kailangan ko pang ihatid ang kasama ko” ani niya sa kaibigan at tpagtutukoy niya kay Theo na nakasunod na sa kanilang dalawa. Nginisihan siya ni Dom, iyong tipo ng ngisi na nagsasabing "hindi mo ako maloloko". “Talaga ba? O takot ka lang talaga sa asawa mo?” pang-aasar sa kaniya nito. Ngayon ay si Kier naman ang ngumisi. Iilang mga tao lamang ang may alam tungkol sa pagpapakasal nila ni Fajrah pero hindi na din naman siya nagtataka kung alam nito ang tungkol doon dahil isa ang pamilya nito sa mga taong malapit sa pamilya nila. “Bro,” huminto ito sa paglalakad at nakangising hinarap siya. Napahinto din si Kier pati ang kasama nitong nakasunod sa kanilang dalawa. “Let me borrow your phone. Let me talk to your wife para maipagpaalam kita,” “Tss, wag na.” ani ni Kier sa kaniya at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Dom smirked. “Are you afraid that your wife might fall in love with my voice? Comm’on Kier, five months akong nawala kaya pagbigyan mo na ako and I am sure Fajrah's okay with it." gustong umirap sa sinabi ni Dom si Kier. Fajrah and Dom knew each other, pero sa sinabi nitong okay lang sa asawa na kasama niya ito ay parang hi di siya sigurado. Noon pa mang mag girlfriend and boyfriend pa lamang sila ay sinasabihan na siya ng mahal niya na wag gaanong ilapit ang sarili sa lalaki dahil she finds him a ver bad influence maraming bisyo but he is a good man and Fajrah's aware of that too. Its just that he has a lot of vices. “I know you, sasabihan mo lang nang “hiwalayan mo na tong si Kier para makapag-inom na kami and for him to be free.” Tss. I know your lines, Dom.” ani ni Kier sa kaibigan. Ginawa na din kasi nito iyon sa mga kaibigan nila where iyong isa sa mga iyon ay hiniwalayan talaga ng girlfriend dahil sa sinabing iyon ni Dom. Dom chuckled at naglakad silang muli patungo sa kung nasaan ang mga sasakyan nila naka park. Pagpasok nila ng sasakyan ay humingi agad ng tawad si Kier kay Theo dahil nadamay pa ito. “Ayos lang, wala namang magagalit sa akin. Sayo meron” nakangising ani nito na nagpakagat naman sa pang-ibabang labi ni Kier. Unlike Theo sa kaniya ay may magagalit. They just talked about it kaya alam niyang kapag nalaman ng asawang uminom siya ay magagalit talaga iyon. Maybe I will not just tell her, ani ni Kier sa kaniyang isipan pagkatapos ay napabuga ng hangin ng wala sa oras. Sinulyapan niya ang kaniyang wrist watch. Mag a-alas singko pa lang. Mamaya pang alas sais ye medja matatapos ang shift ni Fajrah. Maybe he’ll just drink two or three shots pagkatapos ay uuwi na agad siya para makapag-VC na sila ni Fajrah at makita niya na ito. Miss na miss niya na ito. Twenty minutes from the factory ay huminto ang sinusundan nilang sasakyan ni Dom sa isang club kaya iniliko na din ni Kier ang sasakyan doon. “Bukas na ba ang club sa ganitong oras?” si Theo sa tabi niya. Maliwanag pa rin kaya impossibleng bukas pa ang club. But because we are with Dom, walang impossible sa kaniya. Bumaba sila sa sasakyan at naabutang kinakausap ni Dom ang dalawang bouncer. “Tell your boss that Dominic is here,” utos niya sa dalawang bouncer. Nangunot ang noo ng bouncer pero sinunod pa rin nito ang sinabi ng lalaki. Napakamot naman si Kier sa kaniyang ulo, malamang ay malapit na kaibigan din nito ang may ari ng club. Kung hindi lang talaga sila matagal nang hindi nagkita nito ay idineretso niya na ang sasakya niya pauwi at hindi na lumiko pa sa club na iyon. Halos mga limang buwan kasi silang nagkita dahil nag bakasyon ang lalaki sa ibang bansa kasama ang Mommy nito. “Take a seat here, I’ll just get something for us to drink.” ani ni Dom at iniwan muna sila roon upang tu,ungo naman sa counter. Pinanuod ito ni Theo habang si Kier naman ay chineck ang kaniyang phone kung may mensahe ba siyang natanggap galing sa asawa, kaya nang makita niyang meron ay agad siyang napangiti. He opened the message. “Love, maaga kaming pinag-out but my battery life is on 4% na lang. Charge muna ako at magpapahinga na rin.” basa niya ron. It was 3 minutes ago kaya nagmadali siyang nagtipa ng mensahe dahil baka hawak-hawak pa nito ang phone niya. “Okay, Love. Rest well. I am out of the house too, nagkita kami ni Dominic.” sabi niya rito oara alam din nito kung anong ginagawa niya. He waited for his Wife’s response pero hindi na siya nakatanggappa ng panibagong mensahe matapos ang ilang mga minuto kaya he conluded na baka natutulog na ito ngayon. Hinayaan niya na lang at hindi na nag try pang tumawag pa sa babae. Sa kabilang banda ay nakatulog na nga si Fajrah dahil sa sobrang pagod, lalo na ang mga paa niya na halos nakatayo lang nang buong araw na iyon. Kier sighed. “Nakatulog na nga ata,” bulong niya sa sarili bago ibinalik ang cellphone sa kaniyang bulsa. Tamang-tama naman dahil bumalik na si Dom dala-dala ang dalawang bote ng black label. “Dom, saglit lang kami.” pag-uulit sa sinabi niya rito kanina. “Chill man, baka lang naman makulangan tayo.” ani nito at napatawa. Habang pasimple namang napahilot sa kaniyang sentido si Kier.Parang hindi niya ata masusunod ang kasasabi niya lang na dalawa o tatlong shot lang ang iinomin niya. Umupo ito sa tapat ni Kier. Nang mapansin ang tahimik nito na kaibigan ay nilingon naman nito ito. “I’m sorry, I wasn’t able to introduce myself. Dominic nga pala.” pagpapakilala nito sabay abot sa kamay nito sa lalaki. “Theo, sir.”nakipagkamay ito sa lalaki. “Crop the, Sir. Hindi mo naman ako boss. Dom’s fine.” Dom chuckled kaya ngumiti na lang din si Theo. Friendly itong si Dom kaya hindi na magtataka si Kier kung mayamaya ay close na din itong dalawa dahil pati itong si Theo ay palakaibigan din. Sila pa lamang ang mga tao roon. Kung meron mang taong pumapasok ay mga workers iyon ng club at kapag pumapasok ang mga ito roon ay napapalingon ito sa gawi nila. Nagtataka kung bakit ang aga-aga pa ay may nag-iinoman na roon. “Hi girls,” bati ni Dom sa mga babaeng kakapasok lamang sa club na sinabyan pa niya ng ag sipol, probably the waitresses of the club. Lumingon din doon si Theo maliban na lang kay Kier na sa chichirya sa harapan niyalamang ang mga tingin and was thinking about ano kaya ang ginagawa ng asawa niya. Kinuha nito muli ang cellphone sa bulsa, wala pa ring kahit isang text man lang mula rito. He sighed. She’s resting, Kier. Let her rest, ani niya sa sarili at ibinalik muli ang cellphone sa kaniyang bulsa. Tumatawa ang dalawang lalaki ng ibalik niya ang mga atensiyon rito. Hindi niya alam kung bakit tumatawa ang mga ito kaya tumingin siya sa paligid at nakita ang apat na lalaking papalayo sa gawi nila at papasok sa isang silid sa sulok na bahagi ng club. Hindi niya iyon pinansin but instead ay tiningnan niya ang kaniyang relo. Napailing siya ng kaunti ng makitang mag a-alas syete na. Maya-maya nito ay tuluyan ng magbubukas ang club. At tulad ng sabi niya possibleng hindi mapaparami ang shot niya, hindi niya na binilang kung pang ilang shot niya na iyong huli. Hindi niya na binilang at baka mas malasing pa siya kaka-isip roon. Ramdam niya na ang init na hatid ng alak sa katawan niya, ang tapang ba naman kasi ng piniling alak ng kaibigan niya. “Ganoong tipo ng mga babae ang gusto ko, palaban.” ani ni Dom. “Furious,” si Theo. Halos maglapit ang dalawang kilay ni Kier. “Why ? What happened?” Tanong niya sa dalawa. “Hindi mo ba napansin iyong mga babaeng kakapasok lang?” “Napansin,” sagot niya but actually malayo na ang mga ito nang mapansin niya ang mga ito. “The girl in the middle just rolled her eyes at Dominic.” si Theo. Ngumisi si Kier at napa-iling. Hindi naman kasi lahat ng babae easy lang makuha. “I’ll get that girl,” sabi ni Dom na puno ng kompyansa sa sarili. “Whoa,” si Theo naman. Napailing na lang muli si Kier. Nagkakaintindihan ang dalawa pagdating sa babae. Katulad niya ay nasa mga trenta anyos na din si Dominic habang si Theo naman ay nasa mga bente otso anyos naman. Walang mga syota kaya panay ang paghahanap dahil matanda na, habang siya naman roon ay pasimple lang na nakaupo dahil kontento na sa asawa niya at walang balak o plano man lang na magkagusto sa iba. Habang nagtatawanan ang dalawang kasama ni Kier doon ay pabagsak namang inilagay ng babaeng nang-irap kay Dominic ang dalang gamit niya ng makapasok na sila sa waitresses’ quarter. “Di mo na sana pinatulan, Ley,” “Tss, bastos eh.” sagot naman nito na halatang hindi maganda ang naging araw. “Bat ka ba badtrip?” tanong ng isang kasamahan niya rito. Hindi sumagot ang babae but instead ay umupo ito ng nakabusangot at halos magdikit na ang dalawang mga kilay sa sobrang inis. Sobrang angit na nga ng araw niya mas pinalala pa ng lalaking bastos na iyon. Ani niya sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD