Kabanata 13

2219 Words
“Dom, balita ko you dumped Samantha?” “Who’s Samantha?” tanong naman ni Kier na nacurious sa pinag-uusapan ng mga kaibigan nila. Sa isip-isip niya ay sino na naman ang babaeng ito? Dahil sa pagiging busy at dahil na rin sa dami ng mga babae ng kaibigan ay hindi niya na alam kung sino sa mga babae nito iyong tinutukoy ng kaibigan nila, kung bago ba iyon o iyong dati nitong syota. Ngumisi Dom. “That one I brought to the office, Kier.” Nagpatango-tango si Kier ng maalala iyong babaeng kasa-kasama ng kaibigan sa opisina ng Kuya niya. “Okay,” ani niya at hindi na naging interesado pa sa susunod na maaaring pag-usapan ng mga ito. “How many days bang kayo niyon?” si Kim. “One week,” atomatikong naglatag ng pera si Norland sa taas ng lamesa nila. Kapag ganoon ay alam na alam na nila kung para saan iyon. Napailing na lang si Kier at natawa dahil kahit ang mga ito na madalang niya lamang nakikita ay ganun pa rin, wala paring mga pinagbago katulad ni Dom. “Gago ka!” binatukan ito ni Dom. “Walangya kayo, palagi niyo na lang ako pinagpupustahan, kaya ako hindi nakaka-girlfriend ng maayos, e!” Hindi pinakinggan ng mga kaibigan niya si Dom, imbes na tawanan lang iyon ay nakisali pa ang mga ito. “Five Days,” si Ian who also dropped a thousand bill on the table. Kasunod niyon ay si Kim who bet na walong araw lamang nagtagal ang babaeng iyon kay Dom. Justin, Paulo and Jerqueen also dropped their guesses. Noon pa man ay pinagpupustahan na ng mga ito kung ilang araw nagtatagal ang mga naging syota ni Dom. “Ikaw, Kier?” tanong ni Jerqueen rito na siyang pagdating sa pustahan ay palaging nangunguna. Umiling si Kier rito na minsan man ay hindi pa nakikisali sa mga pustahan nila. It isn’t nice to play with someone’s feelings who just tried to love you know. Ilang babae na rin ang umuwi ng luhaan dahil sa kaibigan nila at hindi niya iyon gusto. Ilang beses niya ng pinagsasabihan si Dom tungkol roon pero matigas talaga ang ulo nito at hindi talaga nakikinig sa kahit na sino man kaya napagod na rin siya kalaunan sa pangangaral na siyang para lang naman sa kabutihan ng kaibigan. Hindi naman habangbuhay ay dapat laro-laro lang ang pag-ibig sa kaniya, hindi habangbuhay ay paglalaruan niya na lang ang damdamin ng mga babae, darating din ang araw na kakailanganin niya ng isang tao na sasamahan siya hanggang sa pagtanda niya. Pero paano niya iyon magagawa kung lahat na ata ng babaeng handang mahalin at alagaan siya ng tunay ay pinaglaruan niya lang? Minsan nasasabi na lang nila na magkakaibigan na sana dumating na iyong taong makapagpaparealize kay Dom na kailangan niyang magseryoso, na kailangan niya ng umayos kung gusto niya ng may makakasama siya sa buhay. Kasi sila napagod na sila sa pangangaral rito, simula pa noong mga binata pa lamang sila pinagsasabihan na nila ito pero anong magagawa nila? Sa kapatid nga nito ay hindi nakikinig si Dom, sa kanila pa kaya? Sobrang dami na ng pinaiyak at pinauwing sugatan ng kaibigan nila kaya naaawa siya para sa babaeng waitress which is their friend’s next target. Kung sakali mang mahulog ang loob nito sa kaibigan nila for sure after how many days ay uuwi din itong luhaan katulad ng kung anong nangyari sa mga babaeng dumaan sa buhay ng lalaki. Though, naniniwala pa rin si Kier na magbabago pa ang kaibigan nila and he hopes that ang babaeng magpapatino na sana sa kanya ay ang babaeng gusto nito ngayon. Nakapaglatag na ng mga pera ang mga kaibigan nila kaya ngayon lahat sa kanila ay nakatingin na kau Dom. Naghihintay sa sagot nito. “So, ilang araw?” Justin asked. “Hmm,” napahawak si Dom sa kaniyang chin like he is counting kung ilang araw nga ba? Dumaan ang isang oras ay hindi pa rin ito nakakasagot. “Parang walang mananalo sa atin ngayon, ah. Ang tagal naman makapag-bilang ng boss-amo natin,” si Norland. “Baka umabot ng tatlong linggo. Kung nagkataon, itong Samantha na ito ang pinakanagtagal kay Dom.” si Jerqueen na natatawang tinuro si Dom. “Wag naman, walang mananalo sa atin.” si Kim. Binalikan nila ng tingin si Dom na napapakamot sa kanyang sentido. “Parang may mananalo…” ngumisi si Dom. “ Walong araw kami niyon.” Agad na napasigaw kay Kim sa tuwa dahil natumpak niya ito na siya namang gumulat sa ibang tao malapit sa kanila. Napakamot sa batok niya si Norland na confident na confident pa naman sana sa sagot niya na isang linggo. “Kung minamalas ka nga naman,” ani nito habang nakatingin kay Kim na ngayon ay binibilang na kung ilang libo ang panalo niya. “So, dahil you broke up with Samantha, does that mean may bago ka na ngayon?” si Justin na isa din sa mga natalo kay Dominic. Ngumisi si Dom at lumingon sa isang babae na nakatayo sa gilid ng counter ng club. “Hindi niya naman iiwan kung wala siyang bago,” dugtong ni Ian na nakabusangot pa ring napalingon din sa kung saan nakatingin si Dom, ganoon din ang ilan pa nilang mga kaibigan. Napakamot sa leeg niya si Kier, hindi katulad ng mga kaibigan niya na napatingin din doon sa direksyon kung saan nakatingin si Dom, ang tingin naman ni Kier ay nasa hawak niya lamang na bote ng alak. “Oh,” Norland dropped again a thousand bill on their table. “Pusta, isang libo sila na niyan bukas.” dahil na naman sa pangunguna nito ay sumunod ang ibang kaibigan nila maliban kay Kier. May kutob na si Kier sa susunod na gagawin ni Dom at hindi nga siya nagkamali dahil mayamaya lang ay tinawag ni Dom ang atensiyon ng babae. Kita ang hesitasyon at kaunting inis sa mga mata ni Hayley nang tawagin siya ng lalaki habang ang mga kaibigan niya naman sa likuran niya ay chine-cheer siya at bahagya din siyang tinutulak. “Ano ba, wag niyo nga akong itulak!” inis na ani niya sa mga ito. Muli niyang binigyan ng tingin ang lalaking nakangising nakatingin sa kaniya. Sumesenyas itong lumapit sa kanila. Hindi niya sana gusting lumapit pero nang maisip niyang makikita niya roon ang lalaking gusto niya at hindi niya na lang inisip na makakausap niya na naman ang napakapreskong anak ng may-ari ng SN manufacturers. “Whoa, maganda ah.” Puri ni Kim. Sumipol si Norland,”at sexy,” dagdag nito na siyang sinamaan ng tingin ni Dom. “Hands off, she’s mine at may asawa ka na.” banta nito sa kaibigan kaya natawa ang mga kaibigan nila rito. Natawa ang mga ito habang napailing na lang si Kier sa kinauupuan niya at hinayaan ang mga kaibigan. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa and check kung may reply na ba ang asawa niya sa text niya pero wala. He sighed slightly. I want to see her, ani niya sa kaniyang isipan. Kailan niya kaya ito pwedeng bisitahin? Surpresahin niya kaya ito? Kaso these days ay magiging busy na naman siya sa site at lalo na dahil may mga iilang mga panibagong projects na dumating sa team niya. Nang maalala iyon ay atomatikong napababa ang magkabilang mga balikat niya. Malungkot. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin niyon, hindi siya magkakaroon ng oras na mabisita at supresahin ang asawa. Maybe ay ipagdadasal na lang niya na sana makauwi every Friday night ang asawa niya so that he would be still able to see her at weekends. Simula niyong ikinasal na sila at gabi-gabi nang natutulog ng magkatabi eh, parang nahihirapan na siyang matulog ng mag-isa. Nasanay na siya everytime na natutulog siya na katabi ang asawa niya, na kayakap niya ito at naaamoy niya ang bango ng hair conditioner nito. He felt so uncomfortable without someone sa tabi niya kaya minsan ang tagal niyang makatulog, hindi na siya sanay na mag-isa sa higaan. “Additional po ba sa beer, sir?” tanong ni Hayley nang makalapit ito sa kanilang mesa. Nakuha nito ang atensiyon ni Kier kaya napalingon at napataas ang tingin nito sa kanya. Para namang nakaramdam ng kung ano si Hayley sa loob niya nang magtama saglit ang mga paningin nilang dalawa ni Kier, lalo na nang ngumiti ito sa kaniya. Iyon nga lang ay iyon lang at umiwas agad ang lalaki ng tingin sa kaniya kaya wala siyang choice kundi ang ibalik ang tingin sa lalaking presko na nasa harapan niya na napakalaki ng mga ngiti sa labi. “Hi Hayley,” bati nito sa kanya na nagpataas ng isa niyang kilay. Nagtataka kung bakit alam nito ag pangalan niya. “Kanino mo nalamaan ang pangalan ko?” Nginuso ni Dominic ang kaliwang bahagi ng dibdib niya at nakita niya roon ang name tag niya. Napatingin din doon si Hayley at halos mapa-facepalm how can she forget na may suot-suot pal silang lahat na nametag mga waitress doon. Napabuga siya ng hangin at nagseryoso na lang sa trabaho niya, baka humaba pa ang usapan nila at mainis lang siya lalo sa lalaki. Napairap siya sa hangin, hindi niya rin talaga alam sa sarili niya kung bakit… kung bakit sa tuwing nakikita ang mukha ng Dominic na ito ay nag-iinit ang ulo niya. “What do you like to add for your foods and drinks, sir?” tanong niya kay Dominic at pagkatapos ay inikot ang mga mata niya at panghuling dumapo kay Kier. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa kanya at nasa cellphone ang atensiyon kaya walang choice na inikopt niya na naman ang tingin niya sa ibang kasama ng mga ito, pero ni isa sa mga ito ay walang nagsalita kaya walang choice na ibinalik niya ang tingin kay Dom na nakangisi na nakangisi naming nakatingin sa kaniya. Hindi mawala ang ngiti ni Dom sa mukha niya dahil ang cute talaga ng babae lalo na kapag nag susuplada ito. Iyong mga mapuputla nitong mga pisngi ay namumula at ang mga mata nitong may matataas na pilik mata ay nakaka-attract lalo na kapag pinapaikot niya ang mga mata nito. “Do you have a boyfriend?” tanong niya rito na bahagyang nagpatigil at nagpairap sa babae na mas nagpangiti na man kay Dom. Sinamaan ni Hayley ito ng tingin pero ng makitang gumalaw ang lalaking nasa likuran ng preskong lalaki ay agad din naman siyang napaayos sa kaniyang pagkakatayo lalo na nang lumingon si Kier sa kaniya, na para bang gusto rin nitong malaman ang sagot niya. Lihim siyang napangiti, gusto niya rin bang malaman kung single pa ba ko? “Wala,” sagot niya na nakay Dom ang tingin, pero gusto niyang tingnan kung ano ang reaksiyon ng lalaking nasa likuran nito. Mas lumaki ang ngisi ni Dom sa mga labi. Ayaw niyang tingnan ang lalaki dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya’t mapatili pa siya roon dahil sa kilig. Kaya nang banggitin ni Dom ang mga gusto nito ay nanginginig ang mga kamay niyang isinulat ang mga iyon. “Tang*na,” mura niya nang makapasok sa kusina. “Oh, anyare sayo? Bat namumutla ka diyan?” si Mauve na inaayos ang mga pagkain sa isang tray. Pinaypayan ni Hayley ang sarili niya, may aircon naman sana pero ta*na, pinagpapawisan siya. Ang lakas ng t***k ng puso niya lalo na nang balikan niya sa isipan ang ngiti sa kaniya ni Kier bago siya umalis doon upang kunin ang mga gusto ng mga ito na halos lang naman pulutan at maraming-maraming alak. “Wala, naiinitan lang ako.” “Naiinitan ka pa sa lagay na yan ha?” ani ng kaibigan niya na tiningnan pa ang suot niyang manipis at maikli. “Siga na, mauna na ako.” paalam nito at iniwan siya roon. Bumuga siya ng maraming hangin. Sheet! Laki ng tama ko sa lalaking iyon. Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Samantala sa table naman nila Kier ay parang nanalo sa lotto si Dom dahil sa napakalaking ngiti sa mga labi nito. “Did you hear that?” tanong agad ni Dom sa mga kaibigan niya nang makaalis na si Hayley. “Yeah, not loud but very clear.” sagot sa kaniya ni Ian. “Seems like you will be taken sooner or later, bro.” Si Paolo. “Okay yan para may pagpupustahan na naman tayo,” ani ni Norland na nginisihan ni Dom. “Magtatagal kami niyon,” “Whoa, big words.” sarkastikong sagot ni Kier sa sinabi nito. “Dude! Comm’on, hindi niyo ba halata? I like her a lot!” ani niya sa mga kaibigan. Ilan sa mga ito ay napailing habang ang ilan naman ay napangisi, in short all of them ay hindi pinapaniwalaan ang kaibigan nila. “You have said that a multiple of times before, Dom” “Then I am hell’a serious now. 101%... hell’a se—rious.” Nagkibit balikat si Norland, “sabi mo, e.” Napangisi si Dom at napaisip sa kaniyang isipan na magiging madali lamang ito. Walang boyfriend si Hayley kaya magiging madali na lang para sa kaniya ang paibigin ito katulad ng kung gaano niya lamang kadali napaibig ang ilang babae sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD