Napabuga ng hangin si Kier oras na maibaba at tuluyang lumapat ang kaniyang mga paa sa semintadong parking lot ng club. Sikat na sikat na araw pero nakalinya ang mga magagarang sasakyan sa parking space ng club.
Suot ang kaniyang RayBan ay binigyang tingin niya ang iba't-ibang klase ng mga sasakyang sa paligid na mas nauna pa sa kaniya roon. Hindi naman iyon karamihan katulad ng kung paano napupuno ng mga sasakyan ang parking space na iyon ng club sa tuwing sa tuwing nag o-operate ito every evening till midnight.
Napabuga siya ng hangin. Sinadya niyang magtagal ng ilang oras pero parang maaga pa rin ata ang pagdating niya dahil may mga pumapasok pa rin na mga kotseng kararating lamang sa parking area ng club.
Ang ilan sa mga bago lang dumating ay napapatingin pa nga sa gawi niya at napapangiti, probably because they know him. Katulad nang sinabi ni Dom ay iilang sa mga kababaihan ay pumunta upang makita nila sa personal itong si Kier.
A womman with a fitted white dress ang dumaan din sa may gilid niya kaya napatingin siya rito. Mattas ang takong ng heels na suot-suot nito kaya napatingin roon si Kier.
"Are you going inside?" tumigil ang mga mapuputing paa nito sa paglalakad kaya napabaling naman kaagad sa mukha ng babae ang kaniyang mga mata. The woman is talking to him.
"Yes," sagot niya dito.
"Wanna go with me?" hindi siya pamilyar sa mukah nito kaya he shook his head and sinabihang mauna na ito dahil may hinihintay pa siya. Even though wala naman talaga siyang hinihintay, hindi lang talag siya ready pa na pumasok sa club.
"Okay then, I guess mauna na ako." paalam ng babae at muling naglakad patungo sa entrance ng club kaya naman muli ay napatingin sa mga paa nito si Kier.
He wonders if she knew the woman, kaso kahit subok niyang alalahanin ay wala talaga siyang maalala na may kaklase siyang ganoon kaputi, very feminine at ganoon kaganda ang hubog ng pangangatawan but what makes him wonder the most is kung paano nagagawa ng babaeng iyon na gumamit ng ganoong kataas na heels. Hanggang sa makapasok ito sa club ay sa paa lamang ng babae siya nakatingin.
Even his wife Fajrah, hindi niya alam kung paano nito nababalanse ang sarili sa tuwing nakasuot ito ng ganoon katataas na mga heels. Actually, Fajrah wears even more taller than those and she can even run with those heels like she was just wearing an ordinary footwear. For him is, it seems like women who can wear killer heels are all amazing, at ang nangunguna sa mga ito ay ang kaniyang misis.
Another set of women again ang dumaan sa gilid niya. Iyon nga lang ay hindi niya kilala ang mga ito kaya nag kunyare na lang siyang hindi niya nakita ang pagngiti ng mga ito sa kaniya. His glasses is way more darker than Domonic's soul kaya nasisiguro niyang it didn't looked like he just snobbed them.
Limang babae ang mga iyon at some of them looks familiar to him. Probably ay mga kaklase niya iyon or from other sections before na madalas niyang makita sa kung saan-saan. Wala siyang gaanong kaibigan noon sa klase nila pero may mga nakilala naman siya because of Dom, from the other section na naging malapit din sa kaniya kalaunan.
Noon pa man ay mapili na talaga sa mga kakaibiganin niya si Kier. Si Dominic lang naman noon ang mapilit na makipagkaibigan sa kaniya kahit na hindi niya naman talaga ito gustong kaibiganin noon dahil maliban nga sa maingay ito ay talagang maraming bisyo na opposite ng personality niya noon which is sobrang seryoso sa pag-aaral. Naging close lang naman niya ito dahil gusto niya kung paano nito isinasaksak sa kokote niya kung ano iyong dapat mong malapaman at kung ano iyong totoo about a certain thing. Isasabi niya sayo kung ano iyong totoo talaga without any sweet words, ubod ito ng prangka noon na kahit pa alam niyang nakakapanakit na siya ng damdamin ng iba and that’s what Kier liked about him and chose him as his friend.
Gusto niya kasi iyong tipo ng tao na straightforward, na ura-uradang sinasabi sa iyo kung ano iyong thoughts or opinions niya tungkol sa isang bagay. Iyon nga lang when they grew up he became reckless, learnt about a lot of vices dahilan kaya pinadala siya ng mga magulang niya abroad with his brother, para na rin doon mag-aral.
Hanggang kalaunan noon ay nahanap na lang niyang nagiging komportable na siya rito… sila, sa isa’t isa at minsan naman noon ay nadadala ni Dom si Kier sa mga lugar kung saan ito hindi pumupunta, like in clubs kung saan unang nakatikim ng alak si Kier. Dom was like his eye opener kumbaga noon. Kaya somehow thankful din siya sa binata na naging kaibigan niya ito.
Bago tumungo sa entrance ng club ay kinuha niya muna ang kaniyang cellphone upang tingnan may mensahe ba ang asawa niya dahil paniguradong lunch time na nito sa mga puntong iyon pero ni isang mensahe galing dito ay wala man lang siyang natanggap. Pero wala man siyang mensahe na natanggap mula sa misis ay binabaha nama ng mga mensahe galing sa mga kaibigan niya ang inbox niya.
"What's the problem of these people, tss!" napailing na ani niya and didn’t mind to open all of those, before turning it off ay nakita niya pang nag pop up ang caller ID ni Dom, pero hindi na siya nag abala pa na sagutin iyon at ipinasok na agad ang cellphone sa kaniyang bulsa.
Ngayon ay sumulyap naman siya sa kaniyang relo.
“11? nag out na kaya sila?” tanong niya sa kaniyang sarili and tried to call Fajrah on the other side pero hindi ito sumasagot.
Napabuga ng hangin si Kier. Paniguradong nasa trabaho o di kaya ay kasalukuyan na itong kumakain ngayon kaya nag-iwan na lang siya ng mensahe na umattend siya sa alumni party nila ng mga ka--batch niya. He explained about it, kasi paniguradong magtatanong iyon kung bakit noong nakauwi ito hindi niya sinabi rito ang tungkol doon kaya he explained about what Dom just did and that he’s already at the event.
Mayamaya ay naisipan na nga niyang pumasok na dahil unti-unti na ring umiinit sa parte kung saan siya nakapark.
Suot-suot ang pantalong maong, kulay puting long sleeved polo na nakatupi ang bawat sleeves hanggang sa kaniyang siko ay tumungo na siya sa entrance ng club at pumasok na ng tuluyan. Kasabay ng pagpasok niya sa pintuan ay ang pagtanggal niya sa suot na aviator.
Pag-pasok niya roon ay kaagad niyang nalanghap ang iba’t ibang uri ng pabango na humalo rin sa iba't ibang amoy ng pagkain, alak at usok ng sigarilyo.
Napailing siya ng kaunti. Tanghaling tapat at nag iinoman na sila. This isn’t the alumni that he is expecting kaya napabuga siya ng hangin. Ramdam niya ang iilang napapatingin sa gawi niya kaya nilingon niya ang ilan sa mga grupo ng babae roon at binigyan ang mga ito ng ngiti dahilan upang mapatili ang mga ito. Kahit pa may mga asawa na ang iba sa kanila ay napapatili pa rin dahil kay Kier. Iba talaga ang epekto ng isang Kier Miradel sa mga babae, kaya naman napapailing na lang na tiningnan siya ng kaniyang mga kaibigan sa isang table hindi malayo sa kinatatayuan niya.
Sa isang pabilugang mga upuan roon ay nakita niya ang grupo ng mga babaeng nakaupo roon at isa na doon ang babaeng nakausap niya kanina sa parking space ng club. Napangiti klaagad ang mga kasamahan ng mga babae roon ng makita si Kier na nakatingin sa kanila maliban sa babaeng nakausap niya kanina. Hindi niya iyon pinansin at hinanap kung nasaan ang mga kaibigan niya. Hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa kaibigan niyang si Dominic na pinagkakaguluhan sa isang table na halos mga babae lamang ang naroroon. Habang sa isang table naman, sa likuran ng kung nasaan si Dominic ay naroon iyong mga kaibigan nila na kumakaway sa kaniya. Napangiti si Kier sa mga ito at tumungo na nga patungo sa direksiyon ng mga ito.
Imbes na sa kaibigan tumungo ay dumiretso na siya sa grupo ng mga lalaki na nagtatawanan na para bang inaalala ang mga nakakatawang mga nakaraang araw nila noon na magkakasama.
“Oh! Kier! What's up, man?” Bati agad sa kaniya ni Norland, isa sa mga naging kaibigan niya nang makita nito na papalapit sa table nila si Kier.
“Long time no see bro,” si Paolo na lumapit sa kaniya para makipaglamano. "Pinagkakaguluhan ka na naman," ani nito at napasulyap sa mga kababaehan sa paligid nila na agad tumalikod mula sa pagkakatingin sa direksiyon nila nang lingonin nila ang mga ito.
Napatawa na lang si Kier. Hindi niya rin kasi alam kug bakit ganoon na lang ang aksiyon ng mga babae towards her simula pa naman noon kaya hanggang sa tumagal ay nasanay na rin siya. Not until Fajrah came, she was so different from other girls kaya agad na nahulog iyong loob ni Kier sa kaniya.
“Mabuti naman at nakapunta ka, Kier.” Si Ian who handed him a bottle of beer. Nandoon din ng iba pa nilang mga kaibigan na sina Kim, Justin at Jerqueen na binati siya by giving him a nod.
Ngumiti siya rito “Ang aga naman,” ani niya which made his friend chuckled but still tinanggap niya ang ibinigay nitong bote ng alak.
“Same as usual, hindi ka pa rin talaga nagbabago, Kier.” pailing-iling na ani nito.
“Enjoy your life hangga’t single ka pa, Kier. Kapag may asawa ka na, it will be hard for you to have fun anymore kasi mas uunahin mo na iyong mga responsibilities and priorities mo in life,” ani ni Paolo na may pamilya na at halata rin na may problema. Tumungga ito sa boteng hawak-hawak at napatitig sa pulutang nasa lamesa.
"|May pamilya ka na?" gulat na tanong niya, the last time they saw each other was 3 years ago, nagkita sila sa isang restaurant at nakapag-usap ng saglit. Pagkatapos niyon ay wala na siyang balita sa mga ito. All his life after he graduated ay nasa kompaniya lang talaga siya palagi, doing his job and of course loving Fajrah. It was always work, family and Fajrah.
"Yes, he already have a son." insert ni Ian na mas nagpagulat pa sa kaniya.
Tiningnan niya si Paulo, well, hindi na din naman sila bata. Matatanda na sila at nasa tamang edad na rin para magkapamilya, sobra pa nga. Gulat lang siya dahil hindi niya alam iyon. But bthey can call it quits dahil hindi din naman alam ng mga ito na ikinasal na siya, si Dom lang. Nagtataka nga siya eh, kung bakit iyon hindi kinwento ni Dom sa kanila just like how he didn't tell the news of Paolo having a family already to him. Nakakapanibagop, knowing that Dom is si talkative and prank!
Paolo facepalmed, "dapat pala ginawa kitang ninong ng anak ko, bakit ko nga ba nakalimotan iyon?" natawa ang mga kaibigan nila rito. Kier wonders kung ang iba din ba sa kanila ay may pamilya na.
"Do you have a family already?" nilingon niya si Norland, agad itong umiling. Nilingon niya rin ang iba pang mga kaibigan nila at umiling din ang mga ito.
Well, I have a wife.
"Ikaw? May pamilya ka na ba?" tanong naman sa kaniya ni Norland.
Natigilan si Kier. Isa sa mga dahilan kung bakit napapunta din talaga siya doon ay upang ibalita sa mga ito ang tungkol sa pagiging kasado niya ng tao. Sasagot na sana siyapero naudlot iyon nang dumating ang kaibigan nila na maingay, walang iba kung di ay si Dominic.
Napabuga siya ng hangin. Hindi na makasingit sa kaibigan. Maybe ay kailangan niya nang pag-aaralang gumawa ng sariling social media account para na man ay maging updated na man siya sa mga bagay-bagay sa paligid niya.
“Kier, dumating ka.” malakas ang bosses na ani nito pero nasa ibang direksyon naman nakatingin. Nangunot ang noo ni Kier at napausog ng pagsiksikan ni Dom ang sarili nito sa tabi niya.
Kunot ang noong tiningnan niya ang gawi kung saan nakatingin ang kaibigan, doon ay nakita niya ang babaeng nakatingin din sa gawi nila at ngumiti pa ito. Halos matawa si Kier nang maalala kung sino iyon.
Hindi nila iyon kaklase, at mas lalong-lkalo na ay hindi rin nila ito kabatchmate. Napiling si Kier, ang laki ng tama ng kaibigan niya sa waitress ng club na iyon.
“Bro, did you see that? Nakita mo ba 'yon? Did she just smile at me?” hinarap siya nito at niyugyog siya sa mga braso.
“Yeah. I saw it,” tinatamad na sagot ni Kier habang niyoyugyog pa rin siya ng kaibigan sa mga balikat. Nang makatanggap ng sagot mula sa kaniya ay ibinalik muli nito ang mga tingin sa babae hgabang siya naman ay ibinalik ang mga tingin niya sa mga kaibigan nila na nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. Walang ka ide-ideya kung anopng pinagsasabi nilang dalawa.
"She likes that girl," ani niya at pumulot ng chicharon sa harapan.
"Sino diyan?" agad na naging curious si Norland.
"Sino diyan? Iyan bang naka-white?"
"Saan? Sa table nila Mitch? Gago! Bakla yan," si Paolo.
"Huh?" agad silang napalingon rito, maging si Kier. Tiningnan nila si Paolo pagkatapos ang tinawag nitong bakla. It was the sexy woman na kinausap si Kier sa labas.
"Impossible," napabulong na ani ni Kier.
"Naalala niyo si Deither?"
"Yes, the c*m laude?" sagot ni Ian. Si Deither iyong kabatch nila na maliban sa gwapo ay matalino din. Iyon nga lang ay may kalamyaan.
"Siya yan,"
"Walang halong joke? Hindi nga?" si Dom naman na naging interesado na rin sa pinag-uusapan nila.
"Oo nga,"
"Wow," sabay-sabay nilang banggit. Ilang minuto silang natahimik doon dahil sa pagkaka-mangha. Sobra ba namang laki ng pinagbago ng bakla na kilala nila noon. She is so gorgeous now.
"Sayang, kursonada sana ni Kier oh," si Norladn na hindi niya alam na nakatingin na pala sa kaniya.
"Gag*" mura niya dito at nagtawanan sila pagkatapos.
Ilang minuto ay naka move on na din sila sa babae. Naging busy muli ang mga kasama niya sa pagk-kwentuhan habang si Kier naman ay nalingon kay Dom sa tabi niya na bigla na lang natahimik. Nang tingnan niya ito ay nahuli na naman niya itong pasimpleng sumisilip sa nagugustuhang babae.
Napailing siya. Kung kilala niya lang sana bilang hindi babaero ang kaibigan ay siguro maiinterisado siya kahit kaunti sa babae kasi susuportahan niya ang kaibigan kung sakali mang ligawan niya ito and will even help him to get a score with the girl but knowing Dom na kahit minsan ay hindi man lang nagseseryoso pagdating sa babae ay nagparamdam lamang sa kaniya ng awa para sa babae.
Sa isang tabi naman, sa grupo ng mga waitresses ay sina Dominic ang topic doon.
“Ang yaman talaga niyong Dominic no,” ani ng kaibigan at kasamahan na rin sa trabaho ni Hayley. Nasa kilid sila ng counter. Hindi gaanong busy dahil hindi naman iyon ang typical work nila na maya’t maya ay may mga umoorder. Ngayon kasi ay bucket-bucket ang nilalagay nila sa bawat table at hindi naman ganoon kabilis uminom ang mga taong naroon ngayon dahil nga they are not there to get wasted but just to be reunited with their batchmates.
“Sinong Dominic?” tanong ni Hayley rito. Wala kasi siyang maalala na Dominic ang pangalan. Sino ba yun?
Napasinghap ang dalawang katabi niya na sina Mauve at Katleen. Hindi makapaniwala sa kaibigan.
“Seryoso ka ba? Edi iyong anak ng may-ari ng SN.” sagot ni Katleen sa kaniya na agad namang dinugtungan ng kaibigan niya sa kabilang gilid na si Mauve nang, “Iyong lalaking akala mo binabastos ka,”
Nangunot ang noo niya at agad na nilingon ang babae, “Anong akala? Totoo iyong sinasabi ko. Kinindatan niya ako at sinipulan, pambabastos na iyon.”
Napangiwi si Mauve, “Stage one lang iyon ng pambabastos, not the major pambabastos na nahawakan ka kaya okay lang iyon, Hayley.” sinamaan niya ng tingin ang kaibigan na hindi na siya pinansin pagkatapos dahil alam nitong pangangaralan lamang siya ni Hayley kapag pinilit nitong hindi, bumuga na lang siya ng hangin. Dahil sa matagal na itong nagtatrabaho sa club na iyon ay nasanay na lang din ito sa mga bagay na tulad niyon. But for her she believes that those simple gestures are already pambabastos and at those kind of matters nagsisimula ang mga bagay-bagay.
“Ang daming gwapo,” si Katleen.
“Ang sabihin mo maraming mayaman,”
“Lahat naman ata sila ay mayayaman.” Komento ni Hayley.
Tumango ang dalawa. “Sa pagkakaalam ko La Salle daw graduate ang mga taong ‘to.”
Nakatayo lamang silang tatlo roon at naghintay ng may tatawag sa kanila. Kahit pagod ay nilabanan ni Hayley ang antok niya. Wala pa kasi siyang tulog dahil pagkatapos mag out kaninang madaling araw ay ginawa muna niya ang assignment niya na kailangang ipasa through online nang araw na iyon. Pagkatapos gumawa ng assignment ay bumalik naman siya agad sa club upang tumulong sa paglilinis.
“Hala beh, nakatingin sa akin.” Kinikilig na napahawak sa braso niya ang katabi niyang si Katleen. Siya naman na naintriga ay tiningnan din ang tinitingnan nito and there she found the man they called Dominic. Ang totoo ay alam niyang sa kaniya ito nakatingin, pero higit pa roon ay mas nakuha ng lalaking katabi nito ang atensiyon niya, nakatalikod ito sa kaniya. At kahit ganoon ay alam niya kung sino iyon. Sa katunayan ay kanina niya pa ito hinahanap, akala niya ay hindi ito dadating, na hindi ito kaklase ni Dominic. Without even realizing ay hindi niya napansin ang sarili niyang napapangiti na pala dahil sa saya na nandito ang lalaking gusto niya.
Mas napalaki pa ang ngiti niya nang lingunin siya nito kahit ilang segundo lang.
“Sino yun!?” si Mauve na kinikilig.
“Iyon ba yung kasama niya last time,”
“Hala, si Engineer Miradel!” si Mauve. Nilingon niya ito.
“Engineer?”
“Oo, tinanong ko iyong pinsan ko na nagtatrabaho bilang construction worker doon sa bagong pinapagawang building sa bayan. Ang sabi Engineer daw ng building na iyon si Miradel, eh. Kaya pala ang familiar niya sa akin.” ani nito na patango-tangong napatingin muli sa direksiyon ng mga lalaki.
Nilingon niya ang direksiyon ng lalaking gusto niya at lihim na napangiti. “Engineer Miradel.”