Seven

1525 Words
"Ano'ng favorite mong tanawin dito sa umaga?" usisa ni Eira kay Alex. "Wala 'yon. 'Yong mga ulap lang." "Na humahalik sa bundok? Gusto ko rin iyon." "Really?" Nakangiting tumango siya. "'Yon siguro at ang buhay na buhay na green surroundings dito ang lagi kong maaalala. And the cold, of course. 'Yong kumot mo, 'yong jacket mo—kasama na, pati ikaw na rin, kung may photos ka na remembrance," saka siya ngumiti nang maluwang. "Five shots ang gusto ko. Close up. Five thousand?" Tumawa lang si Alex. "Sabi mo, tuloy ang work mo sa shop?" "Walang mahanap na sing-guwapo ko, eh." Kasunod ang malapad na ngiti. Mas ngumiti rin si Eira. Hindi nagyayabang si Alex, nagsasabi lang ito ng totoo. "That's great! Ano'ng schedule mo?" "Twelve to closing time." Alam na niya kung anong oras siya laging dadaan sa Souvenir shop. "Ikaw, hanggang kailan ka sa Sagada?" "Hindi ko pa alam, depende sa kondisyon ni Lolo at ni Papa." "Nakilala mo na ang mga sisters mo?" Tumango siya. "Kumusta naman ang maging bunso sa eight sisters?" "Masaya. Gusto ko silang lahat." "How about Sagada, Eira? Gusto mo ba rito?" "With my newly-found family? Of course!" "And friends?" "Wala pa akong friends, eh. 'Yong mga helpers pa lang sa bahay ni Lolo." "Friends mo 'yong mga helpers?" susog ni Alex, parang naaliw at the same time ay nagulat sa sinabi niya. "Sila pa lang ang mas madalas na kausap ko mula nang dumating ako, eh. Mababait sila lahat, parang si Lolo and si Aunt Carrie...and my sisters." "Ako na lang," sabi ni Alex. "Idagdag mo ako sa list mo ng new friends." "Sure," natutuwang sabi niya. Akala niya sa farm lang gumagana ang 'magnet' niya sa ibang tao, hanggang sa Sagada pala. Natutuwa siyang gusto siyang maging kaibigan ni Alex. Gusto rin niyang maging kaibigan ang lalaki—pero bago iyon, ang ngiti muna nito ang gusto niyang makuha para sa Project Smile. Kinuha niya ang cell phone at itinapat sa mukha nito. "Best smile mo!" Hindi ngumiti si Alex, umangat lang ang mga kilay habang nakatitig sa mukha niya. "Just one, please?" Hindi pa rin ito tuminag. "Sige na!" "Five thousand." "Okay. Smile!" "Ten thousand?" "No problem." "Whoa!" Nag-click ang camera ng cell phone niya. Tumawa siya, huling-huli niya ang emosyon sa mga mata ni Alex. "Isa pa." Umiling-iling si Alex na para bang hindi makapaniwala sa ginagawa niya. "Magbabayad ka ng ten thousand for a single photo?" "For a genuine smile, yes. May twenty thousand pa nga, eh. Ngiti na, dali!" "Twenty-thousand!" "U-huh." Itinapat niya uli sa mukha nito ang camera. "Sino naman ang taong 'yon na may worth twenty-thousand smile?" "Si Barbie. Friend ko na sobrang funny, pero nang araw na iyon, dumating siya sa farmhouse na umiiyak. Kailangan ng twenty-thousand para sa operasyon ng Tito niya. Hindi makalapit kay Lola si Tatay Bart, ama ni Barbie kasi marami na raw naitulong si Lola sa pamilya nila. Nahihiya na. Walang ibang malapitan si Barbie." "Nagbigay ka ng twenty-thousand kapalit ng smile ni Barbie na teary-eyed?" "No. After ng successful operation ng Tito niya, saka ko kinuha ang smile na kapalit ng twenty-thousand. Hindi ko makukuha ang isang totoong ngiti kung kukuhanan ko siya ng photo sa sad moment niya." Hindi umimik si Alex, nakatingin lang sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Kung anuman iyon, mas mahalaga sa kanya ang ngiti nito. Mayamaya ay nagsalita si Alex. "Twenty-thousand worth na ang pinaka-expensive na smile na nakuhanan mo?" Umiling siya. Napamulagat ang lalaki. "Nagbayad ka ng mas mahal sa twenty-thousand?" parang gusto nitong humalakhak. Bakas sa mukha na hindi makapaniwala sa mga naririnig. "May smile na priceless," at napangiti siya nang maalala ang 'smile' na iyon. Makakalimutan ba naman niya ang smile ng nag-iisang lalaking crush niya? "Kaninong smile?" tila naging interesado ito bigla sa priceless smile, tumiim ang titig sa mga mata niya. Umiling si Eira bilang sagot sa tanong. Sa kanya na lang ang 'priceless smile' na iyon. "Ayaw mo talagang mapabilang sa 'best smile' collection ko?" hindi parin kasi ngumingiti si Alex. Parang mas gusto nitong titigan siya kaysa ngumiti. Salamat na lang at naging kalmado na ang heartbeat niya. Nagulat lang yata ang puso niya sa ngiti nito nang nagdaang gabi. "Kaninong smile ang priceless?" ulit ni Alex, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Ngumiti lang si Eira. "Ibibigay ko ng free ang smile ko kapalit ng impormasyon." Hindi inaasahan ni Eira ang ganoong 'bargain'. Lumapad ang ngiti niya. "Talaga?" hindi na nag-isip na nag-scroll siya sa cellphone, hinanap ang isa sa tatlong photos ni Attorney Virgil sa na naka-saved sa gadget. "Best smile, Attorney H?" nakatapat sa mukha ng abogado ang cellphone ni Eira. Magkatabi sila sa couch sa condo na tinitirhan niya. "May kapalit ang ngiti ko, sweetheart." "Anything!" sabi niya, inayos ang anggulo ng gagawing shot. "Okay sa akin. Ano'ng gusto mong kapalit?" Magaang tumawa ang abogado. "Hug." Tumawa rin si Eira. Hug lang pala. "Okay, smile!" Na-capture ng camera ang ngiti ni Attorney Virgil. Sinipat niya ang picture pagkatapos. "Perfect!" nakangititing inilapit niya ang sarili para ibigay ang kapalit ng ngiti nito. Ilang segundo ang yakap na iyon—na realize ni Eira, iyon ang unang yakap mula kay Attorney Virgil a.k.a Mr. ideal man—sa loob ng maraming taong lumipas na kasama niya ito. Inabot ni Eira kay Alex ang cellphone. Tahimik na sinipat ng lalaki ang screen ng gadget bago ibinalik sa mukha niya ang tingin. "HINDI ginawa ng abogadong sinasabi mo ang mga ginawa ko?" seryoso ang ekspresyon ni Alex sa tanong na iyon, lalo na siyang nagtaka. Kung may ginawa man si Attorney Virgil, malamang palalampasin lang niya, hindi papansinin. Masyado na niyang matagal na nakasama ang abogado na wala siyang napansing kakaiba sa kilos nito tuwing magkasama sila. Kung ano ang turing sa kanya noong bata pa siya, ganoon pa rin hanggang ngayon. Isa lang ang nawala—ang kuwento nito tungkol sa Gulay Rangers na pinagtatawanan na lang nila pareho kapag sinisisi niya ito sa walang paliwanag niyang pag-ayaw sa gulay. "Hindi nga," naalala tuloy ni Eira ang mga pasimple niyang pagpapa-cute sa abogado noong nasa higshchool pa lang siya na tinatawanan lang ni Attorney Virgil. Trustworthy talaga ang abogado. Hindi nagkamali ang lola niya na pagtiwalaan ito. "Iniisip mo ba na hindi siya trustworthy? Mali ka. 'Yong trust ni Lola and trust ko combined, ang laki no'n—and he deserves it." Nakatitig lang si Alex sa kanya. Mayamaya ay: "Kaya priceless ang ngiti niya? Ang tanda na kaya ng Attorney na 'yan," inilapit na nito sa kanya ang cell phone kung saan nasa screen pa rin ang picture ng abogado. "Mukha siyang singkuwenta na!" "Hindi 'no!" buong-buong pagtutol ni Eira pero natatawa. "At 'yang smile niya, one of the best smiles na nasa collection ko ng photos!" pagtatanggol niya. "Single ba 'yan?" "Yep. Why?" "Kung yakap ang hininging kapalit ng isang lawyer na single at crush mo, kapalit ng isang nakangiting photo niya, mag-iisip talaga ako nang masama, Eira." "Hindi mo iisipin 'yan kung kilala mo siya." "Kung isang normal na lalaki ang kasama ng isang babaeng gaya mo, oo—" "Normal siya!" biglang putol ni Eira, hindi matanggap ang ideya na maaring naisip ni Alex. "Hindi siya gay!" bulalas pa niya. "Huwag na natin siyang pag-usapan." Bakit nga ang abogado ang topic nila? "'Yong photo mo ang pag-usapan natin." "Sa ibang araw na lang, Eira." Sa wakas ay inalis na rin nito ang pagkakatitig sa kanya. "Magmi-meet pa tayo sa ibang araw?" parang bigla siyang na-excite. Oo nga naman, hindi pa naman siya aalis ng Sagada kaya marami pang pagkakataon. "Ayaw mo?" Ngumiti siya. "Okay, sa ibang araw." Itinago na niya ang cellphone. Bumalik na naman ang mga mata ni Alex sa kanya. Wala nang pag-uusap pagkatapos noon. Nagtitinginan at nagngingitian na lang sila nang mga sumunod na sandali hanggang pareho nilang naubos ang tea. Pagkaalis nila sa kubo ay sa ospital na tumuloy sina Eira at Manong Samuel para dalawin ang comatose niyang ama. Sumama sa kanila si Alex na wala raw sasakyan kaya makiki-hitch na lang. Pagdating sa ospital ay mahabang oras ang ginugol ni Eira para pagmasdan ang walang malay niyang ama. Sa init na naramdaman niya sa dibdib ay natiyak niyang ang nasa hospital bed na si Alfonso Banal Jr. ay ang tunay nga niyang ama. Maraming tanong si Eira. Marami siyang gustong malaman. Marami rin siyang gustong ikuwento sa ama—na sa ngayon ay kailangan niyang salirinin muna dahil hindi pa siya kayang sagutin nito. Bago niya iniwan ang ama ay maingat niyang hinawakan ang kamay nito, kasunod ang pagbulong niya ng: Wake up, Papa. Wake up, please... for us... Pagkagaling sa ospital ay itinuloy ni Eira ang paglilibot sa lugar, paraan niya iyon para ibaling sa ibang bagay ang atensiyon. Kung mananatili siya sa mansiyon at mag-iisip lang ay lalo siyang malulungkot. Kinukuhanan niya ng pictures lahat ng magandang nakikita niya sa paligid—mula sa mga ligaw na bulaklak sa tabi ng daan hanggang sa mga taong naglalakad at nagkukuwentuhan. May mga nakuhanan na naman siyang mga estranghero at estranghera na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD