Hindi niya maintindihan. Bakit kailangang ipaalam ng abuelo kay Alex ang tungkol doon? At sa mga huling araw pa ng isang buwan na tinatapos niya. Narinig niyang bumuntong hininga si Alex. "Hindi ko naisip..." hindi na nito itinuloy ang sinasabi. Ibinalik sa kalawakan ang tingin na para bang may hinihinay makita roon. "Ang tungkol sa...sa lupa ni Tito Ico na nakasangla kay Lolo, Lex, alam mo na rin ba?" Hindi sumagot si Alex, nakatingala lang sa kalawakan. "Ang mga binanggit mo, kailangan kong gawin lahat iyon para maibalik ko sa Uncle mo ang titulo ng lupa. Nakita ko kung gaano kahalaga kay Tito Ico ang lupain niya. Nag-decide akong mag-stay hindi dahil sa mana ko, dahil gusto kong maibalik sa Uncle mo ang lupa—" "Na hindi mo naman dapat ginawa," putol ni Alex na nagpaawang sa mga lab

