NAGTAGUMPAY si Eira na matapos ang mga natitirang araw sa Mission: Cupidity nila ni Alex na hindi nito nahalata ang pag-iwas niya na mapag-isa sila. Salamat kay Nerissa na kinikilig sa mga rosas na galing sa 'secret admirer'—laging gusto ng babae na magkasama sila at nag-uusap. Nahati na ang atensiyon ni Eira kina Nerissa at Tito Ico. Sa loob ng mga araw na lumipas, naging dalawa ang bahay na inuuwian ni Eira. Mula umaga hanggang hapon ay nasa kubo siya kausap si Tito Ico o kaya ay kasama sa mga lakad nito, at sa gabi naman ay sa bahay ni Nerissa. Sa bahay nito ay natatahimik ang puso niya—dahil wala si Alex. Naging maiikli na lang ang naging usapan nila ng lalaki tungkol sa Mission: Cupidity. Kung nakahalata si Alex na umiiwas siya ay hindi sigurado ni Eira. Ang napansin lang niya, sa m

