Nagsisi si Eira sa mga sinabi niya nang pagsapit ng hapon na dumating si Tito Ico ay magkabangga-bangga halos si Nerissa sa pagkataranta. Halatang-halata ang kaba nito na maging si Tito Ico ay nagtaka. "May problema, Neri?" Naririnig ni Eira ang usapan sa loob ng kubo kahit nasa balkonahe siya. "W-wala, Sir Ico..." "Kumain ka ba sa oras? Parang maputla ka? May sakit ka ba?" "Wala. Wala..." "Ano'ng wala? Lumapit ka nga muna sa akin." Gustong-gusto ni Eira na sumilip pero natakot siyang baka lalong maging uneasy si Nerissa. "Wala ka namang lagnat," sabi ni Tito Ico. "Sabihin mo agad kung may nararamdaman kang masama sa katawan." "Wala akong sakit, Sir Ico." "Dapat lang na maging healthy ka, Neri," sabi ni Tito Ico. "Wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko kapag nagkasakit ka

