"ONE week nating gagawin?" susog ni Eira, mabilis niyang binilang ang mga natitirang araw sa isang buwan na dapat niyang tapusin. Walang pagbabago sa kondisyon ng kanilang ama sa ospital, hindi na rin siya maaring manatili sa Sagada habang naghihintay ng improvement sa kondisyon ng kanilang ama. Alam niyang ang mga kapatid niya ay maaring ganoon rin. Lahat sila ay may sari-sariling buhay na dapat harapin. Hindi naman mapuputol sa pag-alis niya ng Sagada ang pagiging magkaka-pamilya nila, titiyakin niya iyon. Sa ngayon, ang dapat muna niyang isipin ay tapusin ang isang buwan para maibalik kay Tito Ico ang titulo ng lupa. "One week," ulit ni Alex. "Ikaw ang mag-aabot ng roses kay Neri, ako ang bahala sa notes para kay Uncle Ico." Nasa balkonahe silang dalawa ng kubo nang sandaling iyon, pa

