Thirteen

1443 Words

SI ALEX na yata ang pinakamatiyagang tao sa mundo. Hindi makapaniwala si Eira na papatulan nito ang 'laban' niya sa Gulay monsters. Nasa tabi niya ang lalaki sa bawat pagkakataong nagsi-serve si Tito Ico ng fresh-cooked veggies. Ito ang kumakain ng gulay para sa kanya pero mag-iiwan ng huling piraso para siya ang umubos. Ang unang isang broccoli ay naging dalawa, naging tatlo hanggang naging lima na. Ang isang subo ng ampalaya con carne ay naging dalawa na. Ang dating isang tasang sabaw lang ng nilagang baka ay may repolyo na—na dapat niyang kainin rin. Ang dating tikim lang ng vegetable salad ay naging ilang subo na. Ang pipino na inilalagay lang ni Alex sa mata niya habang nakahiga siya sa balkonahe at nakaupo ito sa bandang ulunan niya ay kinakain na nila habang nagmamasid sila sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD