Hindi siya agad nakaapuhap ng isasagot. Walang dapat makaalam sa dahilan niya ng paglalagi sa kubo ni Tito Ico. "Wala naman," pagtanggi ni Eira. "Naisip ko lang, sa mga taong tulad ni Tito Ico, ano kaya ang magiging reason para bitawan nila ang mga bagay na gusto talaga nilang ingatan?" ang iniisip talaga ni Eira ay kung bakit umabot si Tito Ico sa pagsasangla sa Lolo niya ng lupain na hindi talaga nito gustong bitawan. May negosyo ba ito na nalugi? May pinagka-gastusan ng hindi birong halaga? Sa nakita niyang status ni Tita Anjanet ay may maitutulong naman ito sa kapatid. Ganoon rin si Alex. Bakit umabot si Tito Ico sa pagsasangla ng lupa? "Siguro, kung wala nang pagpipilian," mababang sagot ni Alex kasunod ang buntong hininga. "Or maybe, when the pain is too much..." Napakurap-kurap si

