SAVYRAH'S POV:
So, today is the day. Makakapasok na rin ako sa school na kaparehas na kaparehas ang pangalan sa paaralang pinapasukan ko sa mundo namin. Ang problema lang ay…
… hindi ko alam kung saan ba ang daan o saan ako patutungo. Ang dami kayang daan sa lugar na ito, tapos kapag lalabas man ako maraming mga lumalapit sa aking direksyon para makipagkaibigan.
Pwede sana kung katulad nina Tatay Hairo at Nanay Dema ang humihingi ng permiso, pero hindi 'e. Bakit ko nagagawang makausap ang mga nilalang na walang nakakaintindi sa kanila rito sa lugar na ito?
'Is this one of Reilly's ability? Hmm… Bahala na…' tanging saad na lang ng aking isipan bago mapalingon sa aking likuran.
Kakababa pa lang ni Tatay Hairo galing sa bahay. Halata rin sa kaniyang mukha ang pagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa ibaba ng mala-gusaling mga bahay. Nakasuot lang siya ng simpleng sweat blue shirt at pin-art-ne-ran niya naman ito ng maong short na maraming bulsa. Naka-tsinelas lang din siya na doralite.
Kasalanan ko bang wala akong alam sa daan patungo sa Monstreus High? Alangan sabihin ko rin na hindi ako ang anak nila kaya hindi ko sigurado ang tamang daan.
"Reilly anak. Bakit nandito ka pa?" Tanong nito sa akin pagkalapit.
"He he he, 'Tay Hairo, pwede bang samahan mo ako sa Monstreus High?" Sabay nguso ko pa rito at hawak na rin sa kaniyang kanang braso.
Inidantay ko pa ang aking ulo sa kaniyang balikat para maglambing. Ganito ang ginagawa ko kapag gustong-gusto ko ang isang bagay at kami lang ni Daddy ang nagkakaintindihan, minsan ay ginagawa ko rin kay Mommy kaso… masyadong segurista iyon sa pera.
Kahit na mayaman kami kailangan pa ring i-budget ang mga pangangailangan sa loob ng bahay. Minsan pa ay inaalisan niya kami ng WiFi para raw hindi lumaki ang babayarin naming kuryente.
"Naku kang bata ka! Ano na naman bang nakain mo? 'Di ba't ayaw mong magpasama sa akin noon na pumunta sa Monstreus High?" Mahina nitong sermon sa akin na ikinangiti ko lang nang malawak.
Kahit sa totoo lang ay naiinis ako sa babaeng ito. Bakit niya ginagawa ito sa mga magulang niya? Kinakahiya niya ba ito? O natatakot lang siya na malaman na binubully siya sa school, even they already knew about bullying.
'What a poor life of this girl.'
"Dati 'yun, 'Tay Hairo. Ngayon ay gusto kong samahan mo ako, pero kung ayaw—"
"Oo na oo na. Hindi naman kita matitiis kang bata ka, pero gusto ko 'yang bagong ugali mo. Hayaan mo kapag may nanakit sa iyo nandito lang si Tatay Hairo, ako na ang bahala sa kanila. Pero anak… tandaan mo huwag na huwag kang mapapalapit sa mga anak ng hari't reyna, naiintindihan mo ba?" May pagkaseryoso nitong babala sa akin matapos akong ilayo sa kaniya at tingnan nang makahulugan sa aking mga mata.
Kahit na naguguluhan sa pinagsasabi niya ay napatango na lang ako, "Sige po, pero 'tay…"
"Hmm…?" Naghihintay niyang tanong sa akin kaya napakamot ako sa aking ituktok ng buhok.
"Hindi na po ba tayo aalis? Baka mahuli ako sa klase he he he…" Sabay ngiti ko pa nang alanganin na ikinatawa naman nito bago iling.
Inakbayan pa ako nito at saka niya ako inaya na maglakad sa harapang daan.
"Kahit na abutin tayo ng anong oras sa pagpunta roon, ay ayos lang sa kanila. Hanggang ngayon talaga mahalaga sa iyo ang oras. Hayaan mo makakaabot tayo ro'n nang mas maaga pa sa mga studyante." Binigyan pa ako nito ng ngiti na nagsasabi na huwag akong mag-alala.
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya at saka binigyang atensyon ang daan. Napahawak pa ako sa aking leeg bago ko makapa ang isang kwintas na wala ako noong nakarating ako sa mundo namin.
Isang kwintas na may palawit na flat pixies. Kulay puti ito pero ang kaniyang buhok ay iba-iba. Gaya ng kulay na nakita ko kay Avies sa kaniyang buhok noong magkita kami.
Yeah, galing kay Avies ito. Ang sabi niya lang sa akin noong magpapaalam ako, ay kaya ng kwintas na ito na hindi mabasa ng iba ang nasa isipan ko kahit na gaano ka pa kataas sa mundong ito. O ang sinasabi ni Tatay Hairo na mga anak ng hari't reyna.
Kapag nawala naman daw ito ay may dalawa pa akong pampalit. Isang bracelet na may palawit pa ring flat pixies at ang singsing naman ay may nakaukit na pixies. Kulang na lang ay hikaw para isa na siyang 'Set'.
Kaso bigla kong naalala ang anak ng mga iyon, hindi ko aakalain na may gani—yeah, I remember, I'm in magic world. Bakit ko ba nakakalimutan ang isang 'to?
Siyempre magkakaroon talaga tayo ng ganitong klaseng pamumuno kapag nasa ibang dimensyon tayo. Hindi naman nagkakaiba sa mundong pinanggalingan ko.
"Reilly, anak. Tulala ka naman diyan?" May naramdaman akong pitik sa aking noo at sobrang lakas nito na naging dahilan para bumalik ako sa aking sarili.
Napatigil pa ako sa aking paglalakad bago mapalingon sa aking kaliwang direksyon. Nakita ko si Tatay Hairo na nakahawak na ngayon ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang baba habang nakatingin sa akin nang nagugulumihan.
"P-po?" Iyon na lang ang lumabas sa aking bunganga kasi wala akong mahinuhap sa aking utak kung ano ba ang dapat na aking sasabihin.
"Ang sabi ko wala ka pa kanina sa tamang pag-iisip, hindi mo napapansin na nandito na tayo sa paaralan ninyo. Kailan ka pa natutong maglakad nang wala sa sarili?" Nagtatakang tanong nito sa akin kaya naman napalabi ako.
Ano bang magandang rason ko kay Tatay Hairo? Lagi na lang palpak ako sa mga oras na ito. Kunting-kunti na lang talaga na katangahan, malilintikan na talaga ako sa kaniya. Baka malaman ni Tatay Hairo ang pinagtago-tago ko.
Bakit naman kasi hindi ko magawang maging si Reilly? Cause she's not me. And I'm not her—only her body.
"Uhmm... habang naglalakad po kasi kami ni Avies papunta sa lugar nila, napansin ko na wala siya sa tamang pag-iisip. Kaya ginaya ko po kung ano ang nararamdaman ng taong ganon ngayon. He he he, kuhang-kuha ko na po ba?" Pagdadahilan ko naman dito sabay ngiti pa nang malawak.
Kahit sa totoo lang ay kinakabahan na ako sa magiging reaksyon ni Tatay Hairo.
Napansin ko naman kung paano niya ako paningkitan ng kaniyang mga mata. Kinikilatis niya ang kabuuan ng aking mukha kung kaya't nakaramdam ako ng pagkailang. Gusto kong alisin ang aking mukha sa kaniya pero naalala ko na kapag ginawa ko 'yon, ay mas lalo siyang maghihinala na may kakaiba talaga sa anak niya.
Kailangan ko lang talaga na ipakita sa kaniya na ako ang anak niya. Using my serious glares, baka ito ang maging solusyon para maniwala siya sa akin.
Hanggang sa makita ko na lang sa kaniya ang pagkailing-iling.
"Sa susunod huwag mo ng gagayahin pa ang Avies na iyon. Kapag nagkita kayo at may napansin kang kakaiba sa kaniya, ay huwag mong gagawin sa sarili mo. Paano kung wala pala ako rito at ganiyan ang asta mo? Baka may mabundol ka na nasa itaas, hindi mo alam kung paano ang ipinapataw na mga parusa ng mga taong 'yon. Naiintindihan mo ba?" Babala na naman nito sa akin sa seryosong tono pero ramdam ko rin na natatakot siya sa sasapitin ko.
"Opo, patawad din po sa naging asal ko." Hinging paumanhin ko at yumuko pa sa harapan niya.
Tinapik niya naman ang aking kaliwang balikat bago ituro ang likuran namin. "Paano ba 'yan alis na ako, anak. Kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako. Paalam muna, anak ko."
"Paalam din, Tatay Hairo." Bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko muna ang kaniyang kaliwang pisngi at binigyan nang mabilis na halik sa kanan.
Pagkatapos noon ay tumakbo na ako para pumunta sa gate na bukas. Kinaway-kaway ko na lang ang aking kaliwang palad sa ere para magpaalam kay Tatay Hairo.
Hindi ko ugaling humalik nang ako talaga ang nauuna. Pero gusto ko lang iparamdam kay Tatay Hairo ang pagmamahal ng isang anak sa ama... na hindi magawang gawin ng tunay na anak niya.
Nang makapasok na ako sa loob ay saka ko na rin ibinaba ang aking kamay. Tumigil din ako sa pagtakbo at naglakad na lang nang dahan-dahan sa hallway na ito.
Kusa na ring sumarado ang gate nang tuluyan na nga akong nakarating. Plain lang sa direksyon ng gate na ito. Walang waiting shade, statue, o halamanan sa gilid ng pader. Basta plain lang siya at may dalawang gate. Sa harapan ko at sa kanang bahagi ko. May mga signage naman sa gilid ng pader kung ano ba ang mapupuntahan ko.
Katulad na katulad talaga siya ng school namin. Ganito ang senaryo kapag papasok ako sa loob. Nakaka-boring pang pagmasdan kung maglalakad man.
Sino bang maaaliw kung wala man lang kasiya-siya sa paningin ang direksyon ng gate na ito? Kung meron man, swerte sila.
Kaso ang magiging problema ko lang ay kung saan ba ako pupunta. Wala rin naman akong alam sa section at grade nitong si Reilly.
'Try ko na lang kaya ang section at grade ko. Baka lang naman meron nito dito.' Tanging naisabi na lang ng aking utak at ginawa na nga ito.
Sa kanang daan ako pumunta sapagkat dito ko naalala na sa mismong direksyon na ito ang tamang daan. Malay mo lang naman. Pwede naman akong magtanong kapag...
"Shookt. Is this even true? Oh, God! Please, wake me up."