SAVYRAH'S POV:
"So tiring! Argh!" Malakas na sigaw ko matapos kong makauwi sa bahay namin nang mag-isa.
Hindi ko talaga hinintay pa si Tatay Hairo na makapunta sa bahay ni Avies na nasa pinakasulok na ng small town na iyon.
Ang naging parusa ko lang ay hindi ako makakalabas ng bahay o ng aking kwarto hanggat hindi nila sinasabi, masyado na raw akong pasaway at hindi nakikinig sa mga bilin nila.
Even I want to do what they said or to be 'Reilly', hindi ko magawa kasi hindi naman talaga ako ang anak nila na masyadong mabait pa sa cute na tuta. Matatakutin din kapag may gustong humawak sa kaniya na akala mo ay sasaktan siya.
Ako si Savyrah! Ako ang babaeng kahit na ganito man ang ugali: mataray, irresponsible, bastos, tamad, obob o hindi kaya ay sarkastiko na may pagkasadista. Alam ko pa rin ang salitang pagtayo sa karapatan mo bilang isang tao at hindi sumusuko sa laban.
This is me. Nagbago lang ang aking katawan pero hindi nito maaalis sa akin kung sino ba ako.
Kahit na nais kong umalis sa katawang ito—hindi ko magawa kasi wala naman akong alam kung paano. Kapag alam ko na, hahayaan kong mabuhay si Reilly na hindi na ako ang nasa loob ng katawan niya.
"Haist! Buhay nga naman, bakit na sa akin pa napunta ang ganitong pangyayari? Nakaka-miss na ang dalawa kong kuya na kahit ganon man ang ugali sa akin, ay mahal na mahal ko pa rin. Kumusta na kaya sila? Nabuhay kaya sila sa aksidente? 'Yung katawan ko kaya... inaalagaan ba nila? O binurol na nila?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili na akala mo ay masasagutan ko rin ito.
Wala nga akong alam.
Napahiga na lang ako sa kama ni Reilly habang nakatitig nang seryoso sa kisame na walang kahit anong ilaw o electric fan man lang.
'Buhay ko nga naman dito, ang layo sa nakasanayan kong mundo. Pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit may mga sasakyan kahit na may kapangyarihan naman sils na makapunta sa kanilang paroroonan? Labo rin naman ng mundong ito. Masyadong napaka-kumplikado. Mas masakit pa sa pagsagot sa Math. Pero wait, mas nakakabaliw pala ang Math. Kaya Math pa rin ang korona.'
"Reilly, labas na sa kwarto. Kakain na tayo!" Malakas na atungal ni Nanay Dema sa labas ng kwarto.
Hindi pa nga ako nakakapagpahinga o nakakatagal sa paghiga sa kama. Ang bilis naman nila saka kakain na talaga? Ano na bang oras?
"Reilly!" Ayan na naman ang pang-uulit nito sa pagtawag sa anak.
Nadala na ata siya sa malumanay na tawag noong unang tulog ko rito, akala niya ay madali lang akong gisingin pero hindi niya inaakala na gagamitin niya pa pala ang kaniyang natatagong megaphone sa bunganga.
'Ito ang pinaka-problema ni Daddy sa aming magkakapatid. Hinahayaan naman niya kami sa kung anung oras ba kami magigising, ang ayaw niya lang ay kapag unang klase. Ang gusto niya ay magpasikat kami na umagang-umaga kami, tapos sa huli, magugulat din sa pagka-late namin sa klase.' Natatawa na lang ako nang mahina sa naalala ko patungkol sa pamilya namin, lalong-lalo na kapag kasama namin si Daddy.
Kaso nawala na naman ang saya sa aking mukha nang marinig na naman ang sigaw nitong si Nanay Dema. Kapag hindi ko pa siya inasikaso... panigurado na may batok na naman akong matatanggap.
"Oo na po! Nandiyan na po!" Balik kong sigaw sa kaniya at nagmadali na ngang umalis sa pagkakahiga sa kama.
Hinanap ko pa sa lapag ang isinuot kong tsinelas na gawa sa goma. Tinatawag ito sa mundo ng mga tao na doralite? I don't know if it's the real spelling or not. But I don't even care, as long as I have slipper.
**
"Sa susunod huwag na huwag mong sasawayin ang bilin namin. Kung ano ang sinabi namin ay 'yun ang iyong gagawin, alam mo namang maraming mga masasamang tao r'yan na balak manakit ng mga walang kapangyarihang tulad mo. Hindi mo na kasama si Avies sa pag-uwi mo rito kaya delikado ang buhay mo. Kaya itatak mo ulit 'yan sa kukute mo," seryosong sermon na naman sa akin ni Nanay Dema samantalang si Tatay Hairo naman ay napapailing na lang pero halata sa mukha nito ang kakaibang tuwa.
'What's his problem kaya?'
"Alam mo ba, Reilly? Ngayon ko lang nakita ang ganito mong ibang katauhan. Malugod ako na unti-unti mo na ring nagagawa ang bagay na hindi mo kaya noon dahil takot ka. Takot kang mapagalitan at takot kang masaktan, pero heto—nagawa mong bumali ng isang pinakamahalagang habilin namin para sa isang dahilan...'Mapapagod ka lang, Tatay Hairo.' o 'di ba? Sinong hindi matutuwa sa anak mo?" Mahabang paliwanag ni Tatay nang mapansin na hindi ko makuha ang ipinupunto ng kaniyang ekspresyon ng mukha.
Nang sabihin niya na ang dahilan ay saka lamang ako nakaramdam ng hiya. Napayuko pa ako at ibinigay na lang sa pagkain ang aking atensyon.
Ang nasa hapagkain ay gulay na patatas, ginisa lamang ito, at ang sahog ay karne mismo ng baboy na nakikita ko sa mundo namin. May niluto pang kanin na amoy pa lang nakakatakam na.
Akala mo ay bagong ani pa lang siya.
Ngayon ko lang din napatunayan na version 2.0 ito ng makabagong panahon sa mundo namin. Bakit makabago?
Sapagkat may nakita ako sa small town na may hawak ang isang dalaga o tatlong katao na cellphone.
Himala 'di ba?! Saan kaya ako makakahanap ng tindahan para sa cellphone? Para naman may remembrance ako o hindi kaya ay makita ko kung ano ang pagkakaiba ng telepono rito kaysa sa mundo namin.
Kaso ang dapat isipin ko lang ngayon ay ang tungkol sa pag-aaral ko. Nakakabagot din kasing manatili sa bahay na wala kang ginagawa, saka may banta pa sa buhay mo sa labas.
Kung hindi ako makakaalis sa lugar na ito baka sa huli ay hindi ko na matiis ang sarili ko na siyasatin nang mabuti ang mga krimeng nangyayari rito.
"Tatay Hairo at Nanay Dema, maaari na ba akong bumalik sa Monstreus High? Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapasok, baka—"
"Hindi na. Hindi ka na papasok pa sa paaralan na iyon, masyado ka ng napapahiya dahil sa mga walang kwentang studyante ro'n." Halata sa tono ng boses ni Tatay Hairo ang galit matapos kong i-open ang topic sa Monstreus High.
Maski si Nanay Dema ay nagulat din pero kitang-kita kung paano mapayukom ang kanang kamay nito na nakahawak sa kutsara.
"Pero gusto kong bumalik sa pag-aaral. Baka hindi ko makayanan ang manatili sa lugar na ito, paano ko rin po magagawang makipagkaibigan sa iba kung hindi ninyo ako papayagang bumalik? Saka pangako po, hinding-hindi ako uuwi rito ng may pasa o dumi man lang sa mukha, he he he! Basta—"
"Hindi pa rin pwede. Kapag hindi ka tumigil, hindi ka namin palalabasin sa kwarto mo." Banta nitong si Nanay Dema na ikinanguso ko naman.
"E-ehh! Sige na po, huling hiling ko na po ito. Kapag hindi naging maganda ang araw ko ro'n, ako na po mismo ang lalayo o aalis ng paaralan. Pangako 'yan! Kakalimutan ko nang nag-aral ako sa Monstreus High at iisipin na lang ang kinabukasan ko na kasama kayo. Basta lang ay bigyan ninyo ako ng..."
"Oo na oo na! Alam naman naming hindi ka namin matitiis. Pero huli na ito, huh?! Kapag may nalaman pa kami ng tatay mo na naaapi ka sa paaralan na 'yon, kami na mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka na makatapak pa sa impyernong paaralan na iyon. Naiintindihan mo ba, Reilly?" Seryosong turo pa sa akin nitong si Nanay Dema.
Napangiti naman ako nang malawak dahil doon saka tumayo sa aking pagkakatayo para lang lumapit sa kanilang direksyon.
"Salamat po! Mahal ko kayo!" Tuwang-tuwa na turan ko sa kanilang dalawa at niyakap pa sila nang malugod kahit na alam ko namang hindi sila ang mga magulang ko.
I'm just appreciating how kind they are, and sweet also when it comes to their only daughter.
"Mahal ka rin namin, anak." Tugon nang dalawa between our tight hug before they give me a quick kiss on my both cheeks.