Light Beneath The Dark 10

1233 Words
SAVYRAH's POV: "Alam mo bang hindi 'yan basta-bastang bubukas hanggat wala pa tayo sa gate na 'yon. When it opens, it means, they already give us an acceptance to go inside. Kaso ang nakakapagtaka talaga na nag-open 'yan nang wala pa tayo. Huwag mong sabihin na…Sh*t!" Hindi ko maintindihan ang ipinupunto ng lalaking ito tungkol sa gate na iyon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan nito. Pero ang nasisigurado ko lang na walang makakaalam sa tunay na pagkatao ko. Kung sino man ang may pakana nito ay maraming salamat. Wait, sino nga ba? Napalinga-linga ako sa buong paligid kung may nakakakita ba sa amin pero wala naman. 'Wag mong sabihin na mayroon talagang tao sa tiningnan ko kanina? May nararamdaman talaga ako na kakaiba roon kaya baka… kaso, huwag ko na nga lang muna iisipin ang ganitong bagay. "The headmaster. He's here!" Napatalon naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa malakas na sigaw nitong si Avies. Napangiwi pa ang aking labi. Napayukom pa ang aking mga kamao dahil sa lalaking ito. Hindi man lang nagpasabi na sisigaw siya nang ganon. "Umayos ka nga! Ang sakit kaya sa tenga niyang bunganga mo." Inis na reklamo ko rito. Napangiti naman siya nang alanganin sa akin bago ako hawakan sa aking balikat. Tinaasan ko lang siya ng aking kaliwang kilay. "Hindi ka ba natutuwa?" Patanong na tanong nito sa akin na ikinailing ko naman. "Ano namang ikatutuwa ko sa pagsigaw mo? Aber?" "Hindi 'yun! Ang ibig kong sabihin… kung hindi ka ba nasisiyahan na malaman ang magandang balita? Wala ng matingin sa kinaloob-looban mo. Wala ng makakaalam sa tunay na shskyeowh…" Hindi na matuloy pa ni Avies ang kaniyang sasabihin nang pigilan ko na agad siya sa nais niyang iparating. Tinakluban ko ang kaniyang bunganga habang ang aking mga mata ay lumikot para tingnan kung may tao ba o wala. Nang masigurado ko na wala ay kinalas ko na ang aking kamay na nakatabon sa kaniyang bibig. Seryoso ko pa siyang nilingon,"Sa susunod huwag kang magsasalita tungkol sa katauhan ko. Act like you don't know who really I am. Got it?" Itinaas ko pa ang hintuturo ko at idinikit sa may baba niya. Napaangat naman ang kaniyang mukha, lumabas na rin ang dalawang baba niya, at ang kaniyang ilong ay lumapad sa hindi ko malamang dahilan. "O-oo na! Oo na! Ang creepy naman ng mukha mo kapag…" "Ako o siya?" "He he he, siyempre ikaw?" May patanong pa na sagot nito at saka itinaas ang kaniyang kanang kamay at inilagay sa aking kamay na nakalagay sa kaniyang baba. Hinawakan niya ito saka inilayo niya ang hintuturo ko para makagalaw siya nang maayos. Kusa ko na rin ibinaba ang braso ko at saka naisipan nang balingan ang gate na iyon. "Maglakad na lang kaya tayo para makarating na tayo sa bahay ninyo. Nakakapagod na rin kayang makipag-away sa katulad mong mas malakas pa ang bunganga kaysa sa mikropono." Mapanglait na turan ko kay Avies sabay ngisi pa nang palihim at muling naglakad para dumiretso sa gate na 'yon. Hindi ko na rin dapat pang ikabahala ang nangyayari. Kung ano man ang mangyari, bahala na ang nasa itaas kung saan niya ako ipapadala. Tanggap ko na rin namang hindi ako mapupunta sa kaharian niya, kundi sa impyerno at isasama ko ang lalaking nasa hulihan ko. 'Kay bagal bagal kahit kailan. Parang babae kung kumilos.' "Hoy! Pahintay naman! Nakakapagod kayang maglakad sa napakahabang kagubatan na ito," "Nasa tabi ang mga puno, gawa sa semento ang nilalakaran mo. Kaya hindi sa gubat tayo naglalakad," pangongorek ko sa taong ito habang hindi pa rin tinitigil ang paglalakad. Kunting hakbang na lang sa sementong daan na ito ay makakarating na rin kami sa loob. "Ikaw na ang matalino. Panigurado na magugulat ang mga bully sa Monstreus World kapag nakilala nila ang bagong ikaw, ano kayang mangyayari sa iyo sa loob?" Advance na tanong nito sa akin na nasa kaliwang bahagi ko na. Medyo natigilan ako sa lumabas sa bunganga niya pero napaisip din kung ano ba ang mangyayari sa akin sa loob. Ang tanong lang, ay kung gusto ko bang pumasok sa loob ng paaralan na iyon? "Halata sa mukha mo na naguguluhan ka. Pero kailangan mong bumalik sa pag-aaral. Malay mo…" pabitin na aniya sa akin kaya napalingon ako sa kaniyang direksyon. Nakataas ang aking kaliwang kilay at ipinapahiwatig naman ng aking mga titig ang pagreklamo sa pagtigil niya. "…ikaw ang maging rason kung bakit magiging isang kilalang tao 'yang tinutukoy ko," "Tsk!" Napaismid naman ako sa narinig ko at napagawi agad ang aking mga mata sa gate matapos naming makalapit dito. Parang isang normal na gate lang ito. Isang pader lang ang naging haligi ng bakal na ito. At ang gumagapang naman na halaman na may bulaklak na ang naging palamuti sa pader. Malapit na ring makapitan ng halamang ito ang gate. Hindi ito magiging balakid sa kung sino man ang nangangalaga ng pangharang na ito, ang ganda kaya ng bulaklak. Iba-iba ang kulay. May puti, yellow, asul, indigo, purple at kung anu-ano pang kulay pwera sa itim nga lang. Bad luck ang karaniwang sinasabi ng ibang tao kapag tinatanong kung ano ang ibig sabihin ng kulay itim. "Hindi ka ba natutuwa?" "Saan na naman ba ako masisiyahan? Lagi ka namang pabitin diyang hanep ka." May inis sa aking tono dahil sa Avies na ito. Kanina ko pa napapansin na lagi niya akong binibitin sa mga bagay-bagay. Hindi na lang sabihin nang tuwid para hindi ako ma-suspense sa isang bagay na wala naman pa lang kwenta sa huli. May iilan naman na may sense pa rin. "Galit ka na niyan?" Tanong niya sa akin na obvious naman na ang kasagutan. "Hindi, masayang-masaya ako. Nakikita mo ito?" Lumingon ako sa kaniyang direksyon at ipinakita sa kaniya ang malapad na ngiti ko na kita pa ang gilagid ko. Kaso napalitan nang pagkabusangot bago mapairap sa kaniya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglalakad. Malayo-layo pa kami sa pinakasentro ng bayan na ito nang marinig ko na ang sasakyang bumubusina. At mga batang nagtatawanan, may iba naman ang nagsisigawan, may iilan din akong narinig na matatanda na nanunuway sa kung saan-saan. " Malapit na tayo sa gawi ng bahay namin. Wala pa ito sa direksyon ng mga bilihan at palengke. Kung baga ito ay isang small town sa siyudad. Kaya napapansin mo na may mga puno pa na nakapaligid sa bawat bahay na nandito. May kalsada na rin para hindi mahirapan ang mga taong pupunta sa pinakasentro." Maikling pahayag nitong si Avies at itinuturo pa sa akin ang mga bahay na nakatayo sa gilid ng kalsada. Malayo-layo ito. May kulay puting pintura na nakalinya sa bawat bahay. Siguro hanggang doon lang sa puting pintura ang lupain mo. Hindi na dapat pang sumubra kung ayaw nilang mag-away ang bawat isa. Sa bawat bahay ay may puno rin na hitik sa bunga ang ilan. May iba kasi na mababa pa at mukhang nahuli sa pagtanim. Kung titingnan ang buong paligid, parang isang normal na lugar lang ito. May mga nagsasayang bata at mga matatandang nanunuway ng mga pasaway na kabataan. Kaso ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kailangan pa nilang mag-commute kung pwede naman nilang gamitin ang kanilang kapangyarihan? 'Meron bang tao ang handang ipaliwanag sa akin ang totoong katauhan ng mundo ng Monstreus World na ito?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD