SAVYRAH'S POV:
(Next Two Days)
"Reilly, gising na anak. Kailangan mo pang samahan itong si Avies na pumunta sa bahay nila. Pati ba naman paggising sa umaga ay nagbago ka na rin? Aba'y hindi sa akin uubra 'yan, kapag wala ka pa rito sa labas ng kwarto mo, ay hindi ako magdadalawang-isip na hilahin ka palabas sa lungga mo!" Malakas na bulyaw sa akin ni Nanay Dema at akala mo ay nakakain siya ng sangkaktutak na mikropono sa bunganga.
"Argh!" Inis na reklamo ko sa aking sarili sabay kamot pa sa aking magulong buhok.
Dahan-dahan pa akong tumayo sa aking pagkakaupo sa magulong kama ko at naisipan na maglakad sa direksyon ng pinto.
"Huwah! Hays!" Muli akong napakamot sa aking ulo habang humahakay.
Tuluyan ko na ring nabuksan ang pintuan kung kaya bumungad sa aking mukha ang nakataasang kilay ng isang babaeng payat na naka-daster. Naka-pa-meywangan sa aking harapan.
Tinatapik-tapik pa ng kaniyang kanang paa ang sahig habang seryoso ang titig sa akin. Animo ay isang mabangis na leon na kunting galaw mo lang ng mali ay lagot ka na, kung ako sa iyo ay tumakbo ka na para sa buhay mo.
"M-magandang umaga, Nanay Dema hehe," ngumiti pa ako nang alanganin sa harapan niya pero hindi pa rin nito inaalis ang nakakatakot na tingin sa aking direksyon.
"Walang maganda kung pati ang paggising mo ng mas maaga ay nawala na. Saka, anong klaseng mukha 'yan? Ginahasa ka ba ng masamang espirito?" Sabay turo pa nito sa buhok kong buhaghag na at hindi na maipinta pa kung isa ba akong dalaga o takas sa mental.
Kaso grabe naman si Nanay Dema… ginahasa talaga ng masamang espirito?
"Hindi nga po totoo ang masamang espirito, masamang nilalang lang." Pangangatwiran ko naman dito kaya nakakuha ako nang mahinang palo sa aking kaliwang braso gamit ang kaniyang metal na kamay.
'Aww… Sakit 'a!'
"Ewan ko sa iyong bata ka. Pero, siya! Siya! Pumunta ka na sa banyo para makapag-ayos ka na ng sarili mo. Nakakahiya naman sa binata mong kaibigan na makita kang ganyan ang anyo. Hindi naman kita pinalaking blah blah blah blah!" Hindi ko na pinakinggan pa ang sinesermon niya sa akin.
Dumiretso ako sa banyo na nasa direksyon ng kusina nila. Pero kailangan ko munang lumapit sa sofa na kinaroroonan ni Avies na nagmamasid kanina pa sa amin.
Nakangiwi sa aking bahagi at ang kaniyang mga mata ay may ipinapahiwatig. Kung ano man 'yon, ay alam ko na.
"Huwag mo akong titingnan nang ganiyan kung ayaw mong mawala ang dalawa mong pugo." Seryosong banta ko sa lalaking ito pero mukha atang hindi niya nahulaan ang ipinupunto ko.
Napataas kasi ang kaniyang kilay habang nakanganga ang kaniyang bibig. "A-anong sabi mo?"
"Wala, ang sabi ko hintayin mo ako r'yan at ako ay mag-aasikaso lang ng sarili ko,"
"Aba'y dapat lang. Ano pang hinihintay mong bata ka? Hindi pa ngayon disperas ng anibersaryo ng Monstreus World. Kaya pumunta ka na sa banyo at maligo. Malayo pa ang lalakbayin ninyo, ang ama mo na lang ang bahala na sunduin ka pabalik dito," sabat na naman sa amin ni Nanay Dema at may pahabol pa siya sa akin na pagpalo sa aking ulo.
'Hindi ba lalo akong mawawala sa tamang kaisipan kapag pinupuntirya nila ang ulo ko?' Komento ng aking isipan at nakangiti lang nang kimi kay Nanay Dema.
" Huwag na po ninyo akong sunduin. Kaya ko na pong umuwi mag-isa. Para naman akong bata n'yan…"
"Bakit may asawa ka na ba?" Pagpapatigil agad sa akin ni Nanay Dema sa pagsasalita.
"'Nay, asawa agad? Hindi ba pwedeng manliligaw muna?" Pilosopo kong tanong dito sabay takbo nang makita kung paano tumalim ang mga mata niya sa akin nang tingnan niya ako.
Narinig ko pa ang tawa ng lalaking iyon na akala mo ay may nakakatawa sa nangyayari ngayon. Humanda lang talaga siya sa akin kapag wala na kami sa bahay na ito, ipapakita ko sa kaniya ang abilidad kong pumatay ng mga demonyo.
***
"Sigurado ka pa na kilala ka ng mga magulang mo gayong matagal ka nang nawawala?" Nagtataka kong tanong sa lalaking ito matapos naming maglakad sa kaliwang daan.
Sa daan na ito matatagpuan ang isa pang lugar sa Monstreus World. Dito makikita ang mga taong mala-moderno na raw ang kanilang mga gamit o kasuotan. May mga shops or malls na hindi ganon kalaki, katamtaman lang na hindi katulad sa mundo namin.
Medyo malapit na kami sa gate na sinasabi niyang dadaanan muna namin bago tuluyang makapasok. Pero mahigpit daw ang pagpapasok, kapag may naamoy o na-detect ang barrier 'daw', hinding-hindi ka makakatapak sa lupaing 'yon.
Kanina pa nga ako nababahala sa aking sarili. Paano kung isa itong scanner ng totoong katauhan? 'Di patay ako. Ano bang magagawa ko? Ano bang kaparusahan dito? Sana naman kulong na lang ang maging hatol sa akin.
Pero, baka naman hindi rin. Sana naman hindi nila ma-detect ang aking tunay na kaluluwa.
"'Yun din ang ikinakaba ko, sa sobrang tagal kong maging isang nilalang na napakaganda sa ilog ng Monstreus. Hindi ko alam kung nakikilala pa ba ako ng magulang ko o hindi," napabuntong hininga pa ang lalaking ito saka ngumiti sa akin nang tipid matapos niyang lumingon sa direksyon ko.
Nakita ko rin ang itim na pasa sa kaniyang kanang pisngi. Hindi ganon kalala ang pagkaitim pero halata pa rin.
Ako ang may gawa niyan matapos naming makalayo sa mismong parang building na mga bahay-bahay. Ang tawag pala sa lugar na kinaroroonan ko ay ang 'Monstreus Poor Community'. Doon makikita ang mga mahihirap na tao, at may nagsasabi-sabi na may mga banta sa buhay ng nilalang na naroon. Hindi na ako magtataka kung bakit namatay ang dalagang 'yon.
Mabuti na nga lang ay open minded ang pamilya nitong si Reilly. Alam din nila ang katotohanan pero nanatili silang tahimik dahil kung sasabihin sa iba, ay may mangyayaring hindi maganda sa kanilang buhay.
Binabantaan na lang nila ako na huwag na huwag kakain o kukuha ng mga nasa labas na nakakahumaling na pagkain na nakasabit. Sapagkat may halo itong mahika na kayang pumatay ng tao sa isang minuto lamang.
Kaya pala ganon ako namangha sa mga nakasabit kahit hindi naman dapat ganon ang approach ko sa mga hayop. Nakakaawa pa dapat ang maramdaman ko rito kasi wala silang kamalay-malay na mamatay na pala sila nang maaga.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Taon lang ang lumipas, pero ang kanilang nararamdaman ay hindi mawawala. Anak ka nila, bakit ka naman nila makakalimutan? Tingnan na lang natin ang magiging kasagutan kapag nakapasok na tayo. Oy! May nakikita na akong nakasaradong gate. Akala ko ba parang sa gate lang na katulad ng paaralan, isa lamang pala itong grills." Naiiling na komento ko nang makita ko na ang gate na dadaanan namin.
Isang simpleng gate lamang na may patusok ang uluhan. Gawa rin ito sa bakal.
"Tama ka. Pero hindi normal na gate lamang 'yan. Kaya niyang..."
"Maramdaman ang totoong katauhan mo. Kanina pa ako nababahala sa gate na 'yan. Paano kung makita nila na hindi ako ang may-ari nito?" Pagpapatigil ko naman sa sasabihin na sana nito at ipinaalam na talaga sa kaniya ang nararamdaman ko sa gate na 'yon.
" Kapag sa ibang tao sobrang tapang mo, pero sa gate lang na iyon..."
"Ituloy mo lang 'yan. May mapupuntahan ang kalapati mo." Banta ko rito at masama pa siyang nilingong ng aking nag-aalabang mga mata sa inis.
"He he he, hindi ka naman mabiro. Malay mo papasukin ka niyan. Tingnan na lang natin ang kasagutan," medyo naiilang pa niyang turan habang palingon-lingon kung saan-saan ang kaniyang paningin.
"Huwag mong gayahin ang sinabi ko. Tsk." Umismid pa ako saka nauna nang naglakad para lang makalayo sa direksyon ng lalaking ito.
'Bahala na si Batman kung ano ang mangyayari sa akin kapag nandito na ako sa gate na ito.' Tanging naisabi ko na lang sa aking sarili.
Pero nagtataka ako kung bakit may mga matang nakatitig sa akin sa masukal na kagubatan na ito. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko sa oras na ito, dapat ba akong matakot? Kaso saan naman ako matatakot? Dahil ba sa nakamasid na mga mata?
"Haist." Reklamo ko sa aking sarili sa maraming katanungan na pumapasok sa utak ko na hindi ko masagutan.
"T-teka lang... hoy! Reilly!" Malakas na sigaw nitong lalaking ito at narinig ko pa ang yabag ng kaniyang mga paa na papalapit sa aking direksyon.
Naiirita naman akong tumigil sa aking paglalakad. Marahas ko pa siyang nilingon habang nakataas ang aking kaliwang kilay.
"Ano na naman bang problema mo sa akin? Saka pwede ba... pakihinaan niyang malamikropono mong bunganga." Pagpapaalala ko sa lalaking ito na ikinanguso niya.
"Mikropono talaga? Hindi ba magandang tono?"
"Nakikipagbiruan ba ako sa iyo, Avies?" Seryoso kong tanong dito na ikinailing niya.
"Hindi. Pero heto na nga, may napapansin ka bang hindi mo pa nakikita?"
"Huh? Ano namang tanong 'yan?" Nagtataka kong tanong sa lalaking ito sapagkat hindi ko talaga naiintindihan ang ipinupunto ng bibig niya.
Ano ang tinutukoy niya?
"Tingnan mo 'yung gate," utos nito sa akin.
Kahit na naguguluhan ay sinunod ko pa rin ang lalaki. Lumingon nga ako sa direksyon ng gate na iyon na kanina pa gumugulo sa aking utak dahil sa kaba na baka ito ang maging dahilan para masira ang aking tahimik na buhay.
'Hindi naman kasi ako masama 'e. Malay ko ba na dito ako dadalhin ng aksidenteng 'yun.'
Pero gayon na lang ang pagtataka ko kung bakit nakabukas na ang pintuan na 'yon na kanina naman ay hindi. Saka ano namang ibig sabihin nito? May dapat ba akong ikabahala pa sa pagbukas?
"Alam mo bang hindi 'yan basta-bastang bubukas hanggat wala pa tayo sa gate na 'yon. When it opens, it means, they already give us an acceptance to go inside. Kaso ang nakakapagtaka talaga na nag-open 'yan nang wala pa tayo. Huwag mong sabihin na...Sh*t!"