Light Beneath The Dark 8

1428 Words
SAVYRAH's POV: Nakarating na rin kami sa mismong loob ng bahay nila Reilly. Nasa gitna pala ito ng limang bahay. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita mula sa loob. Akala ko ay normal lang ang makikita ko sa loob, 'yun bang gawa rin sa kahoy ang mga kagamitan. Ngunit nagkakamali ako, minsan din ay nagkakamali rin ang hinuha ko. Sobrang elegante sa loob, isa lamang pa lang disguise ang nasa labas. Magic is possible ngang talaga rito. Gawa talaga siya sa semento at may mga mamahalin pang nakadikit sa pader sa kaliwang direksyon namin. May dalawa ring sofa na nakalagay sa mismong bahagi ng painting. At babasaging lamesa na may vase pa na maliit. There's also a flower in it. Orange color with a mixed of violet. Looks so good and unique one. Wala pa akong nakikita na bulaklak na may kulay na ganito. Napalingon naman ako sa aking kanang bahagi. Nakita ko ang dalawang pinto na may kaniya-kaniyang pangalan sa gitna. Nasa dulo ang kwarto ni Reilly. Her name is Reilly Weist. I don't know if 'Weist' is her surname or second name? Hmm... I'll find it out. Napansin ko naman ang tatlong katao na nakaupo na sa sofa. Nagkwe-kwento ng mga kung anu-ano, samantalang ako rito ay hindi alam ang gagawin. Uupi rin ba? Magiging 'feel at home' sa bahay ng taong may-ari ng katawang ito? 'It's really hard. I needed my dad. I miss my dad even he's the most annoying father.' Napanguso na lang ako at naisipan na lang na pagmasdan ang mga litrato na nakalagay sa cabinet na nakalagay naman sa tabi ng pinto ng kwarto ng mag-asawa. Hindi ganon kalaki ang bahay, kung susumahin ay parang isang kwarto ko lang ito sa probinsya namin. O hindi kaya ay comfort room namin sa syudad. Kaya hindi mahirap na pagmasdan nang mabuti ang litrato dahil malapit lang naman ito sa kinaroroonan ko. Ang nasa kaliwa sa pinakadulo ay ang mag-asawa at sj Reilly noong nasa ikalima o apat na taong gulang pa lamang. Parehas nila itong karga habang ang libre nilang kamay ay inilagay sa pisngi ng bata na nakangiti nang malawak sa larawan. Napaka-cute ni Reilly noong bata pa pala siya. Maputi rin at ang buhok ay napakaganda't parang kumikinang pa. Bagay sa kaniya ang korona na gawa sa bulaklak na nakapatong sa kaniyang ulo. She's like a real princess in this world. An elegant and beautiful child that I've seen in my entire life. Naalala ko noong bata pa ako na may nagtanong sa akin na gusto ko bang maging isang prinsesa? Ang sagot ko naman ay; 'Nope! Why would I? I want to be like him!' May paiyak pa ako ng mga panahon na 'yon. Maybe I was 7 or 8 when they asked me about princess. Ang tinutukoy ko naman doon ay si Hades. I'm a fan of Hades before, and until now too. "Anak, bakit sobrang tahimik mo ata? Hindi ka ba napapagod tumayo?" Nagtatakang tanong ng ina ni Reilly matapos makitang wala talaga akong imik. Nawala na rin ako sa pinag-uusapan namin ng utak ko. Napakamot na lang ako sa aking buhok dahil wala akong mahinuhap na salita sa aking isipan na dapat kong sabihin sa kanila. Maski si Avies ay hindi maipinta ang pagmumukha dahil sa akin. Nagtatanong din ang kaniyang mga mata kung bakit hindi ako sumama sa kaniya pag-upo. Mabuti pa siya walang hiya, wala rin naman akong hiya pero hindi ko naman ito bahay. Wala akong karapatan, si Reilly lang dahil magulang niya ito. I respect her too. "Uhmm... medyo naninibago lang po ako," napalabi agad ako sa biglang lumabas na kataga sa aking bunganga. 'F*ckshiya! Ano itong nasabi ko? Tanga mo talaga kahit kailan, Savyrah!' Bulyaw sa akin ng aking isipan na agaran ko namang tinanggap ang kapalpakan ko. "Ha ha ha! Nakakapanibago ka talaga, anak. Noon, kapag nakakauwi ka na ng bahay galing sa eskwela, diretso ka na agad sa kwarto mo para matulog o umiyak. Hindi ka lumalabas hanggat hindi kami nakakatulog," nakangiting komento ng ina ni Reilly habang pailing-iling pa. Ramdam ko pa rin dito ang pag-aalala at kalungkutan nang banggitin na umiiyak ang anak niya sa hindi ko malamang dahilan. Paano ko ba malalaman ang rason ni Reilly? Anong dapat kong itanong o isabi? 'Isip-isip din kahit matino, Savyrah! Aha!' "He he he, paano ninyo po nalaman na umiiyak ako? Saka saan naman po ako iiyak? May dapat bang ikaiyak?" Medyo alanganin at may kabado pa sa aking tono ng boses habang sinasabi iyon. Palingon-lingon pa ang aking mga mata sa kanilang tatlo. Nakita ko pa ang pagngisi nang palihim nitong si Avies, sa akin lang talaga niya ipinapakita ang kakaibang kurba ng labi niya. 'Imbis na tulungan ako... nagawa pang ngumisi. Pa-cake siya!' Mariing mura ko. Nakita ko ang pagtayo ng ama nitong si Reilly at dahan-dahang naglakad sa aking direksyon. Ganon din ang ina nito. Parehas silang nakangiti nang tipid. Pero halata sa kanilang mga mata ang pag-aalala. "Matagal na naming alam na pinaglalaruan at sinasaktan ka ng mga studyante sa Monstreus High dahil sa kawalang kakayahan mong magpakita ng kapangyarihan. Batid din naming nahihirapan ka na sa kanilang ginagawa, ngunit patuloy ka pa ring tumatayo at hindi lumalaban kasi ayaw mong manakit ng iba. Dahil din sa ginagawa mo, akala mo lahat ng tao ay sasaktan ka. Uuwi ka man sa bahay ay diretso ka kaagad ng kwarto nang hindi kami pinapansin. Naiintindihan namin ang kalagayan at nararamdaman mo, anak." Mahabang paliwanag ng ina ni Reilly sabay yakap pa sa akin. Hinagod-hagod ang aking likuran habang naririnig ko rin ang pagsinghot nito sa kadahilanang mala-emosyonal ang eksena. Samantalang ako naman ay pinoproseso pa sa aking utak ang nalaman. She's one of the bullied students too. Like me, but I am not like her. I am not doing that stuff. Hahayaan ang lahat na i-down ka at ipahiya sa iba? H*ll no! I can't attain seeing myself with that miserable scene of my life. Mamatay man ako sa kamay ng mga taong ito, hinding-hindi ko hahayaan na tapakan ng iba ang karapatan kong mabuhay nang tahimik sa mundo. "Kaya anak kapag may problema ka... huwag kang matakot na magsabi sa amin. Paano kami matatawag na isang magulang kung ang anak naman namin ay hindi kayang ibahagi sa amin ang kaniyang nararamdaman?" Makahulugang dagdag naman ng ama ni Reilly sa akin kaya alanganin akong napatango sabay ngiti rito. 'He's right.' "Hinding-hindi ko na po kayo paglilihiman pa ng problema ko. Hayaan ninyong baguhin ko ang nakasanayan ko at malugod kong bubuksan ang aking sarili sa bagong bukas na kahaharapin ko." Masiglang tugon ko sa mga ito na naging dahilan para matuwa silang dalawa at pati ang ama ni Reilly ay binigyan din ako nang mainit na yakap. 'Sana ganito rin kaming pamilya. Sana ramdam ko rin ang pagmamahal sa akin ni Mommy nang hindi pinag-uusapan ang tungkol sa pagiging myembro ko ng organisasyon.' Kiming hiling ko sa aking sarili na imposible na talagang mangyari. "Pwedeng pasali sa yakap! Nakakainggit 'e!" Pagnanakaw ng tahimik na atmospera sa aming tatlo nitong si Avies. Kaya napakalas sa yakap ang ama ni Reilly na hanggang ngayon ay wala pa akong alam sa tunay na mga pangalan nila. Napapagod na rin ako kakasabi ng ama ni Reilly o hindi kaya ay ina ni Reilly. "Oo naman! Ikaw ang unang kaibigan ng anak ko, kaya hahayaan kitang makisalo sa aming yakap. Halika!" Yaya ng ama ni Reilly at nag-gesture pa ang kaniyang kaliwang kamay na ikampay sa ere papunta sa direksyon namin. Masayang-masaya namang lumapit sa direksyon namin si Avies at mabilis akong niyakap. Ang ina ni Reilly ay kumalas muna saglit sa pagkakahagkan sa akin. Kaya malaya ang lalaking ito na gawin ang gusto niya. "Back off." Bulong ko sa tenga nito at kimi pang ngumiti sa mag-asawa na nag-uusap bago kami yakapin muling dalawa. Hindi rin nakinig sa akin si Avies. Mas lalo niya pa akong niyakap na akala mo ay ayaw na niya akong pakawalan pa. 'Ogag ba ito? Hindi ba siya naaasiwa sa ginagawa niya?' Pero wait nga lang... may naalala ako, Kung ganon... palagi pa lang sinasaktan si Reilly sa school nila. Pinapahiya at walang pake sa ikakasapit niya. So, it means... hindi ordinaryong trahedya lang ang nangyari sa kaniya sa ilog. She's also afraid of water. Sinong tanga ang pupunta sa kinatatakutan nila? Siguro gusto niyang patunayan na kaya niya ng labanan ang fears niya. Kaso hindi rin 'e, nakakapagtataka lang talaga. Kung sinadya talaga ang pagkapunta niya sa mismong ilog, sino ang may pakana? Sino ang suspek?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD