SAVYRAH'S POV: "WAIT LANG! TEKA LANG, SAVYRAH! SAAN KA PUPUNTA? DELIKADO R'YAN!" Sigaw ni Avies nang makita akong papalakad palabas ng training ground. "Basta! May gusto lang akong malaman. Hindi naman ako lalayo! Saka kaya ko na ang sarili ko. Huwag na huwag mo silang iiwan, sanayin mo pa sila. Kaya ko na ang sarili ko! Hindi na ako bata!" Mahabang paliwanag ko rin naman sa kaniya at saka dumiretso na nga sa aking paglalakad papunta sa lugar kung saan tanging ang aking mga paa lamang ang nakakaalam kung saan niya ako dadalhin. *** "Huh? Saan ito? Saang bahagi ito ng Dark Kingdom? " Nagtatakang wika ng aking sarili nang makarating ako sa isang patag na lugar na tanging ilog lamang sa hindi kalayuan ang aking makikita. Ang aking likuran naman ay ang aking dinaanan na kabundukan. Hindi

