SAVYRAH'S POV: Limang araw na ang nakalilipas simula nang gawin namin ni Avies ang aming misyon sa lugar na ito. Medyo nakikita ko na rin ang pagiging malapit ng mga nilalang sa Dark Kingdom sa isa't isa. Nasilayan ko na rin ang mga bawat kakayahan ng bawat isa habang nag-te-training kami. "Mahusay! Ipagpatuloy ninyo pa!" Narinig kong sigaw ni Avies habang tinuturuan niya kung paano gumamit ng katana ang mga Goblian na kalalakihan maski na rin ang mga Dwarfs at Ogre. Habang ang mga babae naman na nakaatang sa akin ay nagpapahinga na ngayon sapagkat kanina pa kami nagsasanay—sa katunayan wala na talaga kaming pahinga simula noong una. Kaya ngayon kailangan rin naming magpahinga. Baka bukas ay wala na kaming hininga dahil sa kakasanay. Mabuti na lang sa limang araw na iyon napapansin ko r

