Light Beneath The Dark 4

2050 Words
SAVYRAH's POV: SA haba ng pagkakatayo ko sa mismong ilog na ito. At ang pagmasid ko nang mabuti sa kabuuan ng ilog na ito, ay saka lamang ako nakapag-isip na libutin ang mundong kinaroroonan ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung anong mundo ba ang napuntahan ko. O kung anong taon na ba rito? Na-reincarnate ba ako sa makalumang panahon? O katulad lang sa mundong pinanggalingan ko ang taon at kilos ng mga tao, ngunit ang kaibahan lamang ay may kapangyarihan ang mga narito. Pero kataka-taka lang kung bakit ganito, masyado namang maraming daan. Tatlong pathways ang nandito, at sa bawat daan ay may signage na nakadikit sa puno na nasa unahan. Nakatalikod na ako ngayon sa mismong ilog kaya kitang-kita ko na ang kabuuan ng paligid. May mga harang na mga puno sa bawat daan, imbis na tatlo lang din ang mga puno ay nadagdagan ng isa pa sa gitna ng dalawa pa. Ang gitna ay daan papuntang Montreus High. Hindi ko lubos maisip kung isa lamang ba itong coincidence or not. Pero imposible rin na ang matagal ko ng pinapasukan ay may sekreto sa mga estudyante nito. `Tama! Tama! I`m just thinking something stupid. Haist! Wake up, Savyrah! Youre not in your own world.' "Kung dito na lang kaya ako pumunta sa paaralan na ito? Tutal naman wala akong alam sa paligid ko, saka baka makatulong ang school na pabali— no! No. It`s impossible that someone will believe me that I came from another world, if I'm in the body of someone who I didn`t know too. But, they do." Kontra agad ng sarili ko sa mga naiisip ko. Napasabunot pa ako sa aking buhok… este sa babaeng may-ari ng buhok na ito. Hindi ko na talaga maintindihan pa ang mga nangyayari. Saka kung sa forbidden road ako pupunta… sa mismong kanan ko, baka wala pa sa oras ay namatay na ako. `Haler! Forbidden Road nga, di ba? Malamang may masamang mangyayari sa akin.`Naiiling na lang ako sa mga katagang pumapasok sa isipan ko. Pati sarili ko ay nakikipagtalo pa ako. "Sa kaliwang daan na nga lang ako pupunta. Baka sa lugar pang ito ako makatagpo ng taong tutulong sa akin. Bakit ba masyadong komplikado ng mundong kinalalagyan ko? Mga puno`t daan lang ang nakikita ko, wala man lang kabahay-bahay akong napansin." Nanginginig naman ako sa mga pinagsasabi ko. Hindi ako natatakot. Naiinis lang ako sa mga matang kanina pa patingin-tingin sa direksiyon ko. Sobrang layo nito sa akin pero naramdaman ko pa rin ang paraan ng paggalaw niya sa itaas ng puno. Kaya dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo sa unang puno sa kanang daan. Labis ang pagkagulat ko sa aking nakita, napanganga pa ako at mabilis kong hinawakan ang aking bibig ng dalawang kamay ko para itago ang pagkamangha sa nilalang na basta-basta na lang nagpapakita sa akin sa mga oras na ito. Maski siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang napansin, mabilis itong nagtago sa malagong dahon ng puno na ito na maliit lang ang dahon at kaya nitong lumago nang lumago. Maaari rin ditong magtago ang mga maliliit na nilalang kapag may tinataguan sila. Ang nilalang na nakita ko ay isang maliit na tao na ang kamay ay may palikpik na parang sa isda talaga. Hindi lang iyon ang kinamamangha ko… kundi sa pakpak nito na iba`t iba ang kulay; may red, blue, black at purple sa mismong pakpak niya. Anong klaseng nilalang kaya siya? O anong tawag sa kaniya rito sa mundong ito? Isa ba siyang wild species? I mean wild creature dahil nasa kinaroroonan siya ng forbidden road? Baka naman ay isa siyang shy type creature dahil bigla na lang siyang nagtago sa akin nang makita niya akong ganito ang reaksiyon ko . 'Hmm… I don`t know.' Napakibit-balikat na lang ako sa mga naiiisip ko at nanalo naman ang ibang katauhan ko na maglakad sa kaliwang daan na ito. Pinapaalala sa aking utak na wala akong nakita na kahit ano, baka mas lalong magwala ang kalooban ng nilalang na nagtatago sa akin. Isang maling pakita ko lang sa kaniya ng kilos ko na hindi naayon sa kaniya, ay baka tapunan na lang ako nito ng sariling kapangyarihan niya. Wala pa naman akong alam sa katauhan ng babaeng ito o kung ano ang kaya niyang gawin… I mean, her own power. Ano bang meron sa kaniya? ' I should think this things after I done finding my/her house. Mukha naman kasing estudyante ang babaeng ito, saan kayang school? Marami bang paaralan na ipinatayo sa mundong ito tulad sa mundong pinanggalingan ko o hindi?' Sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili na akala mo ay may alam din itong utak ko sa kasagutan. `E hindi nga ako umiintindi sa pag-aaral ko. "May dalawa lang na school ang nakatayo sa Monstreus World. Ang Monstreus High at ang Monstreus Dark High." Ngunit gayon na lang ang pagkatalon ko sa aking kinatatayuan nang may kung sinuman ang nagsalita nang wala man lang pasabi sa akin. "AY JUSMEYO KA!" AT dahil na rin sa labis na pagkagulat ay napasigaw ako na ikinatago na naman nito sa malagong dahon ng punong kinaroroonan niya. Pero nasa kaliwa na ito at hindi na sa kanan pa. Ang tinutukoy ko ay ang nilalang na nakita ko kani-kanina lang. Hindi ko aakalain na may maganda siyang boses, parang isang melody na mababa ang tono. Kung magsasalita man siya ay parang tinutulak ka nitong matulog nang mahimbing. Katulad ng kaniyang boses, ganon din ang pakikitungo niya sa mga nilalang na hindi niya kilala. Ngunit handa siyang tumulong sa mga taong/nilalang na walang alam o kasagutan sa mga iniiisip nila. Naalala ko rin na wala ako sa mismong mundo ko kaya posible na ang mga bagay na hindi namin pinaniniwalaan noon. Kung kaya`t alam kong marunong ang mga nilalang dito na marinig ang mga sinasabi ng utak mo. So, that means… may alam na rin ang nilalang na ito na hindi ako ang may-ari ng katawang ito? 'Oh my!' Gamit ang ang dalawang palad, ipinampunas ko ito sa aking mukha na namamawis na dahil sa mga nalaman ko. Think, Savyrah! "Maaari bang isekreto mo ang tungkol sa akin?" Lakas loob kong pagsusumamo sa nilalang na ito at muling binalingan siya ng aking paningin. Napansin ko naman ang pagdahan-dahan niyang paglalakad palayo sa malagong dahon. Ipinakita na niya sa akin ang sarili niya. Ngunit dahil sa malayo ang hayon niya sa direksiyon ko, tanging katawan lang niya ang napagmasdan ko at hindi naman ganon kabuti ang kaniyang mukha. Ngayon ko lang napansin na itim pala ang kaniyang palikpik, ngunit puti ang kaniyang balat. "Maaari kong gawin ngunit may kapalit ang hinihingi mo," malumanay niyang saad sa akin na ikinataas naman ng aking kaliwang kilay. Pati rin pala rito kailangan may kapalit ang mga hinihingi nila. Kung hindi mo gagawin ay magdudusa ka. 'What a poor life of mine.' Wala sa sariling tugon ng aking isipan at dahan-dahan na lang na tumango sa harapan ng nilalang na ito. "Ano ba ang kapalit ng pagtatago mo tungkol sa akin? Basta madali lang `yan `a! Kung ayaw mong gawin kitang pet ko, cute ka pa naman. Kaso nga lang mukha kang tao na maliit lang." Totoong sabi ko rito na ikinahagikhik niya bago lumipad palapit sa aking direksiyon. Naghintay na lang ako sa kaniya na makalapit sa akin at habang pinagmamasdan siya ay nakita ko na nang tuluyan ang mukha nito. Kulay red ang kulay ng mata niya sa kaliwa samantalang sa kanan ay purple. Masyadong matangos din ang kaniyang ilong ngunit ang butas ay hindi ganon kaliit. Parang sa isda nga lang kaso ang kaibahan ay katulad ng porma ng ilong niya sa aming mga tao. Ang kulay naman ng kaniyang buhok ay halo-halo rin, mahaba ito hanggang balikat niya. Red and blue is the color in the front, meanwhile, purple naman ang nasa ibaba na hinaluan pa ng kulay orange. Sounds cool and beautiful color of his d*mn hair. But I hate how his lips formed into smirk. 'What a naughty wild creauture he is.' "Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng utak mo, pero nakikita ko naman sa mukha mo ang pagkadisgusto. " Sabi nito sa akin pagkarating sa harapan ko. According to my measurement, he`s between in 5 inches or 7 inches from the ruler. "Dahil katulad ka ng mga taong nakikita o nakakasalamuha ko sa mundo namin. Nag-aakto na weirdo pagkaharap ko. Pero cute ka pa rin naman sa paningin ko, kaya ano bang kapalit ng pagtatago mo sa sekreto ko?" Tanong ko muli rito sapagkat napansin ko na nawala na kami sa tunay naming pinag-uusapan. "Hindi ko maintindihan kung bakit nakakausap mo ako. Noon pa lang ay nakikita ko na ang babaeng `yan, minsan ay kinakausap ko siya kaso hindi niya ako maintindihan—" "So, ano ang ipinupunto mo? Maliban sa pagkwekwento tungkol sa may-ari ng katawang ito na hindi ka makausap o maintindindihan?" Pagpapatigil ko agad sa nais niyang sasabihin dahil ayokong mag-isip na may kakayahan akong umintindi sa mga nilalang na kakaiba. Saka kung totoo man iyon… sana 18 years old pa lang ako ay nalaman ko na ang kakayahan ko pero hindi `e. "Noon pa lang ay gusto ko ng makapunta sa iba`t ibang bahagi ng Monstreus World, kaso may sumpa ako kaya hanggang tingin na lang ako sa mga estudyante na pumupunta rito," "Ah! Alam ko na! Gusto mo sa aking sumama na maglakbay sa buong kapaligiran ng Monstreus World. Pero sure ka? I mean… makakapasok ka ba sa loob kung may sumpa ka nga?" Out of nowhere kung tugon na maalala ang kaniyang sinabi. Kung may sumpa sa kaniya, ibig sabihin useless din ang hinihingi niyang kapalit sa akin. Pero nang tingnan ko ang mukha ng nilalang na ito, ay saka ako nabahag. He`s giving me a d*mn sad face. He also pouted his lips. Ang kaniyang mga kamay ay gumagalaw sa labis na kalungkutan. Ang palikpik niya sa mga braso`t hita niya ay bumubuka rin saka titiklop. May ipinapahiwatig ngunit hindi ko masuri. Wala na rin akong nagawa kundi ang maglabas na lang nang mahinang buntong-hininga. "Let see… I mean, tingnan natin. Umupo ka rito sa kaliwang balikat ko, susuriin natin kung makakapasok ka ba sa pinakaloob ng kaliwang daan na ito. Ayos ba sa iyo?" Pagpapakawala ko ng malungkot na atmospera sa aming dalawa. At nagtagumpay nga ako dahil nakita kong muli ang tuwa sa kaniyang mukha,. Nagmadali pa siyang lumapit sa aking kaliwang balikat, nasagi pa ng kaniyang pakpak ang aking leeg kaya nakaramdam ako ng p*******t dito. Hinawakan ko pa ang leeg kong natamaan niya at hindi nga ako nagkamali na makahaplos ng dugong lumabas ngunit hindi naman ganon kalala ang pagbuhos palabas. "Mag-ingat ka naman sa susunod. Alam mo namang matulis `yang pakpak mo," paalala ko sa nilalang na ito na agaran namang sinunod. "Patawad, natuwa lamang ako sa naging desisyon mo. Ngunit, hindi ka ba nahihiwagaan sa akin? Sa mundong kinagagalawan mo maraming mga nilalang ang mapanlinlang at gagawin ang lahat para mangrahas ng kapwa nila. Kaya nakakapagtataka lang, paano kung ako ay isang kaaway? O manloloko sa iyo?" Napansin ko pa ang paglingon niya sa aking direksyon. Ang kaniyang pakpak naman ay kusang nawala kung kaya`t nakahawak na lang siya sa buhok ko. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulumihan. Kaso ang naging tugon ko na lang ay ang pagtawa. Napailing-iling pa ako sa mga bumabagabag sa aking utak hanggang sa maisipan ko na lang ang maglakad patungo sa kaliwang daan. Naramdaman ko rin ang paghawak nitong nilalang na ito sa aking buhok este sa buhok ng babaeng hiniraman ko ng katawan. Mahigpit itong nakakapit kaya nasisiguro ko na kinakabahan siya sa magiging resulta. Hindi ko siya masisisi, at hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung hahayaan ko siyang sumama sa akin. Pero ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit ako lang talaga ang nakakaintindi sa kaniya. Mero— "Woah!" "ARAY!" Sabay na sigaw pa naming dalawa nitong nilalang na ito. Siya ang sumigaw ng 'WOAH' samantalang ako naman ang napaaray dahil sa bigat ng nilalang na ito magmula nang makatapak na kami sa mismong pinakasentro ng daan na ito. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Maski siya ay nagulat din sa nalaman sa pagbabago sa kaniyang katawan. "Ano `yan?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD