Light Beneath The Dark 5

1887 Words
SAVYRAH's POV: ' What the heck! I am just dreaming, right? Hindi talaga totoo ang nakikita ko.' Sabay pa kami nitong tumayo sa pagkakadapa sa lupa. Pinansin ko muna ang aking katawan kung may natamo bang sugat sa pagkakabagsak, hinawakan ko pa ang aking mukha kung may dumi ba, ngunit wala rin naman. Kaya itong nilalang na lang na ito ang pinagtuunan ko ng aking atensiyon. Halata sa mukha nito ang pagkagulat at saya. Hindi ko lang malaman kung ano na ba talagang nangyayari ngayon? Huwag sanang maging totoo ang nasa utak ko dahil magwawala talaga ako. "H-hindi ako makapaniwala! Bumalik na talaga ako sa dati kong anyo! Yey! Makakauwi na ako! Makakauwi—" "Bago ka magdiwang d`yan, pwede bang paki-paliwanag ng nangyayari? Wala talaga akong naiintindihan sa nangyayari, promise?" Pagpapatigil ko agad sa kasiyahan ng lalaking ito nang maging isang ganap na malaking tao na siya. Wala na siyang kahit isang palikpik sa katawan, maski ang kaniyang pakpak ay nawala na rin at hindi pa rin nagbabago ang kaniyang suot. Akala ko nga ay may makikita ako na naka-bold sa harapan ko, pero swerte rin pala ako. `Buti naman hindi iyon ang nangyari. m "Patawad sa aking pagsisinungaling. Hindi talaga ako isang kakaibang nilalang o sinasabi ng ilan na hayop pero tao ang pagmumukha. Isa akong mamamayan sa lugar na pupuntahan natin, sinumpa ako ng isang nilalang sa forbidden pathway na iyon. Nakalimutan ko kasi na bawal ang mga nilalang na puti sa direksyon na iyon. Kaso masyado akong bastardong anak kaya nagawa kong sumira ng batas ng lahat." Mahabang paliwanag nito sa akin at may pakamot-kamot pa siya sa kaniyang batok dahil na rin sa nahihiya siya. "Atleast, it gives you a lesson. Kung hindi mo sinunod ang ninanais ng iyong puso, wala kang makukuhang kasagutan sa tunay na kaanyuan ng kabilang panig. Swerte ka sapagkat maganda pa ang ibinigay sa iyong sumpa, mag-hundos dili ka na lang kapag isang tuko ang ipinarusa sa iyo," "Ano `yung tuko na tinutukoy mo? Isa ba `yang lenggwahe sa inyong mundo?" Tanong nito sa akin habang nakataas ang kilay. Hindi rin pala nagbago ang kulay ng kaniyang mata`t buhok na mahaba. Bagay na bagay sa kaniya at halatang malakas ang appeal niya sa mga babae o lalaki. Instant beauty face kasi. "Isang nilalang sa aming mundo. Ang tuko ang hinuhuni niya at malakas din ang kapit nito sa puno o tao. Magkaparehas sila ng butiki…" " Alam ko ang butiki, kinakain namin `yan dito he he he!" Pagpapatigil agad niya sa sinasabi ko. Excited pa itong nagsassalita ng mga ninanais ilabas ng kaniyang bunganga, pero sa akin ay hindi. Hindi ako maarte sa pagkain, pero sa katagang inilabas niya ay naguguluhan ako at napapatikom na lang nang mariin ang aking bunganga. Napansin niya naman ang ginawa ko sa bunganga ko, kung kaya`t napataas ang kaniyang kaliwang kilay. "Huwag mong sabihin na hindi kayo kumakain ng butiki na tinutukoy mo? Ang sara—" bago pa man niya sabihin ang katagang `yon, ay mabilis na akong lumapit sa direksyon niya at tinakpan ng aking kanang kamay ang kaniyang bibig. Nakaharap ako sa mukha niya at hindi ko naisip na malapit lang din pala ang mukha ko sa kaniya. Kaya nang itaas ko ang aking paningin sa kaniya ay saka ko lang na-realize na awkward pala ng sitwasyon naming dalawa sa mga oras na ito. Kaso hindi ko alam ang gagawin ko, naestatwa ako sa harapan niya habang iniisip kung ano ba ang dapat na una kong gagawin? Sasampalin ko ba siya? Tatadyakan o susuntukin ko ba? Pero ako naman ang may kasalanan nito kaya wala siyang mali. 'Haist Hindi ko talaga alam! Ano ba kasing gagawin—' "Hindi ka ba naiilang sa ginagawa mo? Kanina ka pa palingon-lingon kung saan-saan. Medyo nahihilo na rin ako, kung hindi ka maganda kanina pa kita nasapak." Makahulugang sabi nitong lalaking nasa harapan ko kung kaya`t umatras ako palayo sa kaniyang katawan. Hindi ko inaakala na ganon pala ang ginagawa ko. Malay ko ba kung saan na pala ako lumilingon. Kasalanan ko rin naman pala. Haist! Kaso ganon na lang ang pagngiwi ko sa tinutukoy niya. Ngayon lang din sumagi sa aking isipan ang kahulugan nito. "Paano kung sabihin ko na pangit ang tunay na katauhan ko? Sasapakin mo na ba ako?" Matapang na tanong ko rito at taas-noo pa para makita niya na hindi ako natatakot sa maaari niyang gawin. Pero tumawa lang ang timawa, akala mo ay may nakakatawa sa aking sinasabi. Sapakin ko na lang kaya ito ng tuluyan? Kanina pa ako naiinis sa presensya niya… na hindi rin. "Nakakatawa ka, alam mo ba?" "Pansin ko nga," sarkastikong aniko sabay irap pa. " Saka wala ka na bang balak maglakad? Ikaw naman ang may alam sa daan at sa buong paligid kaya ikaw ang mauna. Haler! Wala kaya akong alam sa mundo ninyo!" May inis sa aking tono nang dagdagan ko ang sinabi ko. "May balak akong maglakad, pero nasisiyahan lang talaga ako na masilayan ang pagmumukha mo," "Pagmumukha ng babaeng hiniraman ko ng katawan. Iyon ang dapat na sasabihin mo." Pangongorek ko sa lalaking ito. Siguro noon pa lang ay may gusto na siya sa babaeng ito at ngayon lang nagawan ng paraan para makalapit sa tinitibok ng kaniyang puso. 'Ow! What a disgusting words I speak up?! Tsk!' "Oh! Sige ba, kung 'yan ang gusto mo. Pero hindi mo ba alam na simula ng isumpa ako ng nilalang na 'yon, ay nagkaroon na rin ako ng pambihirang kakayahan," "Ano namang kakayahan 'yan? Huwag mong sabihin na pati tunay na anyo ko ay nakikita mo? Kalokohan!" Sabay talikod ko sa lalaking ito at naglakad na para makalayo sa taong 'yon. 'He's a creepy human being. All of them! 'Nyeta! Bakit ba kasi sa mundo pang ito ako napapunta? Hindi ba pwedeng sa nakaraang dekada na lang?' Reklamo ng aking utak habang naglalakad pa rin sa daang ito upang makalayo lang sa lalaking 'yon. Kaso ramdam ko naman ang pagsunod niya, sa laki rin ng kaniyang biyas, ay naabutan niya ako. Height problem, check. "Isa itong tadhana. Saka bakit ka nahihiya? Hindi ka naman panget 'a. Ang ganda mo nga sa tunay na kaanyuan mo. Mas lumamang ka sa kaniya." Sabay turo pa nito sa aking pisngi pero mabilis akong umiwas para hindi niya madikitan ito. "Maglakad ka na lang. Iyon pa ang tama." Utos ko rito at hindi ko inaakala na gagawin nga talaga niya. Nauna siya sa aking maglakad kung kaya nasa likuran na lang niya ako. Ang tangkad talaga niya at hanggang dibdib lamang ako nito. Nakakaselos talaga ang mga lalaking mataas. Kung naging lalaki na sana akk, 'e di katulad din ako ng dalawa kong tukmol na kapatid. 'Nakaka-miss din pala ang dalawang maingay na iyon. Hindi na ba talaga ako makakabalik sa mundo ko?' Tanong na naman ng aking utak sabay labas nang mahinang buntong hininga. "Ang iyong tadhana'y huwag baliwalain, Baka may kailangan kang gawin." May pa-tula pang tono ng boses nito. Kaya napairap ako at pinagmasdan na lang nang mabuti ang paligid. I don't know why, pero ganito ba talaga sa lugar na ito? Puro puno lang ang nandito? Saka mga damong lumalago na. Nagiging isang taguan na ng mga hayop sa sobrang kapal na parang isang buhok ng tao. May naririnig din akong tahol ng mga aso o huni ng mga hayop dito sa mundo ng Monstreus. Hanggang sa tuluyan na nga naming napuntahan ang pinakasentro ng daan na ito. May mga pathways pa kung saan-saan at hindi ko alam kung saan patungo ito. Ngunit apat lang naman siya. Nasa harapan namin ang isa, sa kaliwa naman namin ang isang daan pa, maski sa kanan ko at sa likuran na kinaroonan naman namin. Hindi rin ako makapaniwala sa aking nakikita. Ibang klaseng bahay naman ito. Nasa kaliwang direksyon namin ito. Gawa sa kahoy at kawayan ang hagdan maski ang bahay mismo. May sukat ang bawat bahay, lahat ay pantay-pantay hanggang itaas. Gawa lang talaga sa kahoy ang hagdan. Kung sa mundo namin ay hiwa-hiwalay ang bahay. Dito ay sinadya talaga na gawing isang lote lang ang pagtatayuan ng kanilang tahanan. Ang sukat naman ng lote ay medyo mahaba na kasya ang apat na bahay na gawa sa kahoy. Gamit lang ang mga matitibay na puno sa pagtayo nito ay makakagawa na sila ng haligi at hagdan para may matayuan pa sila sa itaas ng bahay na isa pa ring tahanan. Katulad ng building na may mga floor pa. Ang kaibahan lang ay gumawa sila ng kakaiba rito. Sa bawat hagdan paibaba naman nito ay may mga hayop na hindi ko mawari kung ano ba ito. Nakatali sa kahoy at nakatapat sa init ng araw. Sa bawat puno rin na nasa tabi nila ay may nakalaylay din na mga karne ng kung anong hayop. Malalaki't kulay pula na ito. Matagal na sigurong nakaimbak sa labas. 'What are they?' "'Yan ang palagi naming pagkain dito. Hindi kami marunong kumain ng d**o, tanging uri lamang ng hayop sa gubat ang kinukuha namin at ibinibilad sa init ng araw. Pero niluluto muna namin ito s'yempre, ay hinuhugasan pa pala muna," may pakamot-kamot pa ito sa tindi ng kaniyang pagkahiya. "Halatang hindi marunong magluto. Kaya kung mag-aasawa ka, hanapin mo 'yung wife's material talaga. I mean kayang-kaya ang gawaing bahay pati pagluluto. Kung makahanap ka ng katulad mo, mas maganda na lang na magpakamatay na lang kayo. Kaysa mamatay kayo sa gutom o sa dumi ng bahay ninyo." Sermon ko sa lalaking ito at muling binalingan ng aking paningin ang buong kabahayang ito hanggang itaas. Siguro nasa sampong palapag ito, ginamitan din ata nito ng mahika kaya hindi natitibag. Imposible kasi na mananatili itong ganito kaganda, hindi nakikitaan ng kahit anong pagbabago sa kahoy at kawayan. Kulay berde pa rin ang katawan ng kawayan at sa kahoy naman ay halatang sariwa pa rin. Mali ba ako ng aking kalkula o tama lang talaga? Habang pinagmamasdan ito nang maigi, ay bigla kaming nakarinig ng tawag kung saan. Kaya sabay kaming napalingon sa kanang daan. May tumatakbong dalawang tao, lalaki at babae. Ang kanilang kasuotan ay isang simpleng pambahay na damit na nakikita ko kapag lumalabas ako sa bahay namin at pupunta sa eskinita. Nakasuot ng pink na t-shirt ang babae at ang pang-ibaba ay isang short na maong. Ang pang-apak naman nito ay isang klase ng tsinelas na gawa sa goma. Ang lalaki naman ay kulay blue na t-shirt. Mahabang pantalon na may butas pa sa tuhod nito na malaki. Hindi sinasadya dahil sa kanan lang meron. Katulad din ng sa babae ang pang-apak niya, malaki nga lang. Ang hindi ko lang maintindihin, ay kung bakit sumisigaw sila ng pangalan na wala akong kaalam-alam kung sino. Pabaling-baling pa ang paningin ko sa buong paligid kung may mga naliligaw ba na mga bata pero wala naman Kaya muli akong napalingon sa kanila at naghintay ng mangyayari. Siguro si Reilly itong katabi ko, hindi ko pa kasi alam ang tunay na pangalan niya 'e. Puro 'nilalang' ang nasa isipan ko. "Reilly! Diyos ko—ikaw nga! Reilly ko!" "Jusmeyo! Nandito ka lang pala!" Sigaw ng dalawa at mas lalong binilisan ang takbo papunta sa kinaroroonan namin. Hahakbang na sana ako palayo para magkaroon sila ng space ng anak nilang si Reilly nang bigla akong naestatwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD