Light Beneath The Dark 6

2232 Words
SAVYRAH's POV: "Woah! What the—I mean… sino kayo?" Gulat na tanong ko sa dalawang nilalang na ito na wala man lang kapaalam-alam na yayakapin pala nila ako. Hindi man lang nagpasabi. Saka… wait lang, teka lang, kailangan ko munang mag-isip! Does that mean I'm the one they were looking for and not this guy beside me? So, meaning… I have a name that sounds like a boy, Reilly. ' Reilly, huh? Parang English word na rin na 'Really,'at sa Tagalog naman ay 'Talaga'. Naks! Ganda naman ng mga pangalan dito 'a! Kinda like it.' Komento naman ng aking isipan pero napabalik din sa aking diwa nang may malakas na kamao ang lumagapak sa aking ulo. Hindi naman ito gaano kasakit, medyo lang naman. Kaso ang ipinagtataka ko lang kung sino ang gumawa. Kaya napabaling ang tingin ko sa ama ni Reilly na nasa aking kaliwa. Ang mama naman ni Reilly ay nasa aking kanang bahagi. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng nilalang na 'yon kung kaya't tinapunan ko siya nang matalim na tingin. Nasa likuran lang siya nitong ama ni Reilly kaya nakita rin nito ang ginawa ko. "Hindi ko maipaliwanag kung bakit ka na ganiyan, anak. Hindi ka naman ganiyan makitungo sa ibang tao sa lugar natin. Nawala ka lang ng isang araw, ay ganito na ang makikita namin. Ano bang nangyari sa 'yo? At bakit may kasama kang ginoo? Akala ko ba ay hindi ka mahilig makitungo sa—" bago pa man magdakdak nang magdakdak ang ama nitong babae na ito, ay ako na ang gumawa ng paraan para matigil na siya sa kakasalita. "Ah-eh! P-wede po ba ama ay huwag na muna nating pag-usapan ang mga ganiyang bagay? Kailangan pa po kasi naming magpahinga nitong si Nilalang kaya… maaari po bang umuwi na muna tayo sa ating tahanan?" Alam kong masyadong bastos ako kung umasta. Naalala ko bigla ang mga batas ni Daddy sa aming magkakapatid; bawal ang sumingit sa taong nagsasalita, huwag patigilin ang taong nanenermon at bawal ang kumontra kung ayaw mong maparusa. Kaso bigla ko ring na-realize na hindi pala ako isang mabuting bata sa pagmumukha nila. Ako ang pasimuno ng gulo, kung kaya pati ang dalawang magkambal ay nadadamay sa kalokohan ko. Kaya kung minsan ay kinukulit ako ni Mommy na sumali na sa mundo ng Underworld. Ang dahilan niya lagi sa akin ay; 'Kung ganiyan din naman ang laging asta mo sa amin at sa ibang tao, bakit hindi mo na lang gamitin 'yan sa pagsali mo sa mundo na nararapat talaga sa iyo?' O hindi naman kaya ay ganito; 'Uuwi ka na lang ba sa bahay na ganiyan ang mukha? Ano bang napapala mo na makipag-away sa mga walang magawa na estudyante? Hindi ba't wala? Kung ilalagay mo 'yang ugali mo sa mundo natin… malaki ang gantimpala sa iyo.' 'Yan palagi ang sinesermon nito sa akin kapag kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay. Kaya minsan, mas pinipili ko na lang na pumasok ng school kahit na walang pasok kaysa ang manatili sa bahay na may makulit na ina. "Ama? Kailan mo pa ako tinatawag na ama? Ano bang nakain mong bata ka? May nakain ka bang prutas? Sabihin mo sa amin para matulungan ka ni Tata. Ano, anak?" Naguguluhang tanong ng ama ni Reilly kaya napabalik ako sa reyalidad at pinagmasdan na lang kung paano makunot ang noo nito sa matinding pagkagulo. Maski ang babae ay hindi na rin maipinta ang pagmumukha sa sobrang pagkalito. 'Nyeta! Ano ba kasing exact name ang dapat na sabihin ko sa kanila? O ano bang tinatawag ni Reilly sa magulang niya? Wala rin naman akong alam na ibang mga tawag sa parents kundi; Papa, Ama, Dada, Daddy, Mama, Mommy, Mom, Dad, atbp. Huwag mo lang sabihin na sa pangalan ni Reilly tinatawag ang magulang niya? Kasi masyadong bastos 'yon, tama ba? 'I don't know too. Maybe, it's not the same culture I'm born with. Kailangan ko na siguradong i-cope ang lahat ng paniniwala rito, pansin kong hindi na ako makakabalik pa sa mundo ko.' 'Haist! Ikaw Savyrah ang gumagawa ng gulo para masira ang buhay mo sa ibang mundo. Huwag kasing maging madaldal kung ayaw mong masapaw… sa kakatanong. Kaya't mag-isip ka ng idadahilan mo!' Sita sa akin ng sarili ko dahil na rin sa labis kong katangahan. "Mawalang galang na po, ginoo. Ako po si Avies. Kaya po ganiyan ang asta ni Reilly, ay sa kadahilanan na nabagok po ang ulo niya sa may bato sa mismong ilog—" "Ilog! Anong ginagawa mo sa ilog? Hindi ba't sinabi na namin sa iyong huwag kang pupunta sa lugar na iyon dahil delikado? Hindi mo ba naalala na takot ka sa tubig?" Hestirikal na sigaw ng mama ni Reilly matapos marinig ang katagang lumabas sa bunganga nitong si Avies pala ang pangalan. Mas pambabae pa pala ang name na ibinigay sa kaniya kaysa sa akin. Bagay rin pala sa anyo niya. Kaso hindi ko lang nagustuhan ang ginawa nito sa akin. Hinawakan pa ako nito sa aking baba, itinaas habang pinagmamasdan nang mabuti ang aking anyo. I mean… mukha ng anak niya kung may problema ba rito. Kaso ang ipinagtataka ko ay kung bakit sa mukha pa? Hindi ba dapat sa ulo siya titingin kung may damage bang talaga? O may sugat na natamo sa ulo ko kahit na ang totoo ay nalunod na ang anak nila sa ilog dahil na rin sa takot. Kaya pala ganon ang katawan ng babae, pinulikat kahit na sanay naman ako na mag-swimming. 'Err! Can't believe this. Are this peeps have a brain or not? I'm not a judgemental one, I'm just stating the fact.' Pagtatanggol ko sa aking sarili sa mismong pumapasok sa utak ko. Matapos kasi niya akong tingnan sa mukha ay sa braso niya naman ako sinuri. Nakataas pa ang dalawang kilay nito. Inaalam talaga kung may sugat bang natamo ako. Imbis na sa mismong ulo ko dapat sila titingin. Hindi na lang ako nagsalita o nagreklamo pa, hinayaan ko na lang siya sa nais niyang gawin. Mas matangkad din pala ako sa ina ni Reilly. Kaya kitang-kita ko ang buhok nito na pumuputi na. "Tama na 'yan. Halata nga sa bata na pagod siya kaya hayaan natin sila ng bago niyang kaibigan na magpahinga. Saka isa itong magandang pangitain, ang anak ko ay hindi na galit sa akin. Kaya tara na sa bahay!" Yaya nitong ama ni Reilly sa amin at saka ako hinawakan sa aking balikat. Ginulo niya muna ang buhok ko bago siya lumapit sa kaniyang asawa na ngayon ay maluwag na ang paghinga. Nakita na yata ang kasagutan kaya hindi na siya nangulit pa. Pero halata pa rin sa mga kilay nito na hindi pa rin siya kuntento sa naiisip. Mukhang mahirap ata ang isang ito. Katulad na katulad ni Mommy na makilatis na masyado. "Masaya rin ako. Pero hindi ako natutuwa sa pagpunta mo sa ilog. Sa susunod huwag na huwag ka ng magbabalak na balikan pa 'yon. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisa naming anak. Kaya ayaw naming magkaroon ng problema ka lalo na at may takot ka pa sa tubig. Pasalamat ka na lang at may mabait pang tao na tumulong sa iyo, kung wala… ewan ko na! Kaya siya! Siya! Tara na't makapagpahinga na kayong dalawa." Pinal na sagot nito saka nauna na ngang tumalikod kasama ang asawa na hinahagod ang likod nito para makapagpahinga man lang. At sa wakas, sa loob ng maraming taon este pakikinig sa kaniyang sermon ay tumigil na rin siya. Mas malala pa pala itong manita kaysa kay Mommy. Pero ayos na rin pala ang ganitong estado. Ayoko ngang darating sa bahay na may nakaabang na latigo o hindi kaya ay baril. Minsan ay mga armadong lalaki na papatayin ka na at utos iyon ng magaling kong ina. Mas masakit pa iyon kaysa sa bunganga na pabibingihin ka lang naman. "Nakakatuwa kang pagmasdan. Hindi mo ba napapansin na kung makatingin ka sa ina ni Reilly ay parang nasusuka ka?" Pabulong na sumbong nitong lalaki sa akin matapos maunang maglakad ng mag-asawa. Kaya nagtataka naman akong napalingon dito. Pero dahan-dahan lang para mapansin ko agad na may mangyayari. Buti na lang ay malayo-layo ang kaniyang mukha sa akin kaya hindi nangyari ang naiisip ko. Kaso nandito pa rin sa aking utak ang mga katagang kaniyang sinabi. "Huh?" Tanging nailabas na lang ng aking bunganga. W-wait… did… did he mean… mukha ring hindi maipinta ang aking itsura sa harapan ng ina ni Reilly? What the heck! 'Ano na namang katangahan ang…' hindi ko na matapos ang nais sabihin ng aking utak nang may maalala ako. "Binabasa mo ba ang iniisip ko?" Tanong ko sa lalaking ito na ang pangalan ay Avies habang itinutuon na ang sarili sa daan papunta sa hagdanan. "I know how to respect your thoughts," mabilis ang paglingon ko sa direksyon ng lalaking ito. Hindi dahil sa nirerespeto nito ang nasa utak ko, kundi sa mismong lumabas sa bunganga niya. "Akala ko ba hindi ka marunong magsalita ng lenggwahe ng ibang mundo? Bakit ngayon siya na? Pinagloloko mo ba ako, Avies?" May inis sa aking boses nang banggitin ko ang katagang 'yon sa lalaking ito. Napangiwi naman siya sa naging akto ko sabay kamot pa niya sa kaniyang batok. Sinasabi ko na nga ba! Hindi talaga ito mapagkakatiwalaan. "Gusto ko lang naman makipaglaro sa 'yo. Saka ayos na rin 'yon, hindi ka mahihi—hoy! Reilly, bati na tayo!" Malakas na sigaw niya matapos kong tumakbo para lang makalayo sa direksyon ng lalaking iyon. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng dalawa kaya nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga ito. 'Ano bang meron sa pamilyang ito ni Reilly? Lahat na lang ng bagay na gagawin ko ay pinagtataka pa nila. Haist!' Mariin na aniko sa aking sarili at kiming ngumiti na lang sa kanila. "Masama po bang magbago para sa sarili ko? He he?" Sabay taas ko pa ng aking kanang kamay at ipinakita pa sa kanila ang hintuturo't gitnang daliri ko na nakaporma ng pa-letter 'V'. Mas lalo silang nalito sa pinaggagawa ko. 'Arggh! Ano bang klaseng mundo ang napuntahan ko?' "Siguro gutom ka lang anak. Kaya magmadali na tayo, at paniguro ito ring kaibigan mong si Avies." Sabay turo pa sa likuran ko kaya napalingon agad ako roon. At tama nga sila, nandito na agad sa likuran ko ang lalaking ito na hindi ko man lang napapansin. Ay! Naalala ko na nga pala na may kapangyarihan siya, kaya maaari niyang gawin kahit anong gusto niya. 'Sana all na lang. Hindi ko rin naman kailangan ng kapangyarihan, wala rin naman akong igagamit diyan.' "Oo nga po, Hesa. Kanina pa po ako nagugutom, kaya salamat po sa inyong paunlak na makakain ako sa inyong bahay." Magalang na wika nito sa magulang ni Reilly at may pa-yuko pa. Napaismid na lang ako sa lalaking ito bago maisipang maglakad pauna. Tuwang-tuwa pa akong nakamasid sa mga hayop na may balat pa rin pero tuyo na. Isa itong klase ng butiki na nakikita ko sa gubat. Iba-iba ang sukat ng kanilang katawan at ang kulay ng balat ay iba rin; may kulay yellowish, green, brown at medyo itim din na hindi ko alam kung ano ba ito. Pero nababahala rin ako sa maaaring mangyari sa kanila kapag kumain sila nito. May iilang pag-aaral na ang ibang reptiles ay may lason. O may iilang nakakakuha ng sakit dahil lang sa pagkain ng mga ito. Nakita ko lang ito sa internet. Reptiles is our topic when I was in 8th grade, and I only do is to sleep in that class hour. Ang naging parusa sa akin ay kailangan kong magsulat ng tungkol sa mga reptiles. Hindi dapat ako gagamit ng libro o internet. Alam daw nito kung ano ang nangopya at hindi, kaya kapag nalaman niya na kumuha ako ng ideas, ay paparusahan niya ako o sususpendihin. Dahil nga dakilang pasaway ako, nagawa ko pa ring labagin ito. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko noong mga oras na iyon at nagawa kong mag-search tungkol sa reptiles kung ito ba ay pwedeng kainin. Maraming nagsasabi na; 'Pwede' at may iilan din na 'Nagdadala ito ng sakit kapag kumain ka ng reptiles.' At saka— Napabaling ang paningin ko sa biglang lumabas sa pangatlong palapag ng gawa sa kahoy na mga bagay na patong-patong. Isang dalaga ang nagsusuka ng mga kinain niyang hayop na nandito na nakasabit. Putlang-putla na siya at hindi na makahinga nang maayos dahil sa paglabas ng kinain niya. Nagsilabasan din ang kaniyang magulang sa bahay na iyon. Nasa dulo sila sa may kaliwa namin. Hinahagod ng ina ang anak sa likuran pero ganon na lang ang gulat ko nang makita ang babae na nawalan na ng malay. Mabuti na lang nasambot agad siya ng ama nito. Ang ina ay umiiyak na habang pinipilit na niyuyugyog ang anak. May iilan na rin ang naki-usyoso. Kasama na ang dalawang mag-asawa na ito na nagmadali pang tumakbo para lang makalapit doon. "Ligtas ba talagang kainin ang mga hayop na ito?" Tanong ko kay Avies na nakatitig lang din sa pinangyarihan. Hindi siya nagsalita. Wala akong narinig na sagot sa kaniya. Kung kaya naisipan kong balingan ng tingin ito. At hindi makapaniwala na makita ang kaniyang hitsura. 'I've knew it. Wala talagang mali sa hinala ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD