KLEI'S POV: "What's the good news?" Gray asked me after we came back to our condo. Ramdam ko ang matinding pagod dahil na rin sa mga subject na inilaan ko ng oras buong hapon. "I became friends with our target," walang ganang sagot ko naman saka ako dumiretso sa aking kwarto. Kanina ko pa talaga gustong magpahinga. "Huh? Paano?" "Because of Akami Nitsue." Tanging iyon na lang ang naging tugon ko at dumiretso na nga ng tuluyan sa aking silid. Hindi ko na rin inintindi pa ang susunod na mga sinasabi ni Gray. Kapag nawala na ang pagod ko sa school saka ko na lang sasabihin sa kaniya ang buong detalye. Sa ngayon, ang pangalan na lang ng katawang ginagamit ko ang tanging isinagot ko. Mauunawaan naman niya ata agad iyon. Bukas ay walang pasok, bago ako umalis sa room, nakasabayan ko pa si

