KLEI'S POV: Buong maghapon lang kami ni Jude sa Play Ground. Lahat ng mga booth na nakikita namin ay pinapasukan namin upang alamin kung gaano ba ka-thrilling ang mga ito o maganda ba sa pakiramdam. Ang mga booth naman para sa pagkain ay hindi rin namin pinalagpas. Habang nagsasaya kami, nakikita ko ang iba't ibang emosyon na lumalabas sa mukha ni Jude. Noong una naming engkwentro sa school, halata sa kaniya ang matinding kalungkutan, but now, I see the happiness on his eyes. Walang kahit anong bahid ng kapekean. At may parte rin kung saan may pinapahiwatig ang ilan sa mga ipinapakita niya. Kung ano man iyon, matinding problema ito. "Umm! Wow! Grabe, this is delicious!" Puring-puri na singhal ni Jude matapos matikman ang binili naming mango bread sa huling booth na pinuntahan namin. "

