Light Beneath The Dark 33

2436 Words
SAVYRAH'S POV: "Daddy, anong nangyayari sa akin? A-ano ito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya pero pinapanatili ko ang aking sarili na kalmado lamang. Hindi dapat ako mataranta o matakot sa nangyayari sa akin. Kailangan kong mapanatag, hindi naman ako nasasaktan sa nangyayari sa akin. Wala namang nasisira sa loob ng opisina ni Daddy. "I already told you. Light is your power," tuwang-tuwa na saad nito sa akin na ikinataas ng aking kaliwang kilay. "Ako? May kapangyarihan ako?" paglilinaw ko naman sa kaniya. Baka mali lang pala siya ng sabi, mag-assume pa ako. "Uhmm... I mean, Reilly's power is light. Pero dahil nasa iyo ang kaniyang katawan, ikaw lang ang kinikilala ng kapangyarihan niya, kapag bumalik man si Reilly sa tunay na katawan niya, babalik ulit siya sa dati," pagpapaliwanag sa akin ni Daddy tungkol sa kapangyarihan na ito. Ngayon ay naiintindihan ko na. Kahit sandali lang, gusto kong maranasan na may kapangyarihan ako. Magagawa ko na ring matulungan si Prince Cooper sa kaniyang ninanais, lalo na ang kaniyang mga kaibigan. "Kaya ko ng mabago ang kapalaran ng mundong ito. Maaalis na rin namin ang sumpa sa Monstreus World." May determinadong sagot ko at ibinuka ang aking kanang kamay. Nag-concentrate lang ako, dinadamdam ang buong enerhiya na ito. Pinipilit na dalhin ang lahat ng liwanag sa aking palad. Napalaki ang aking ngiti sa labi nang unti-unti ngang nagsipuntahan ang lahat ng enerhiya sa aking palad, nagkaroon ng isang maliit na bilog sa aking gitna hanggang sa ito'y maging malaki na. 'Tell him to disappear by using Uiries.' Dinig kong bulong ng isang hangin sa aking kaliwa. Ang boses nito ay parang pambabae, na may pagkaboses ng isang lalaki. Hindi ko matukoy kung ano ba talaga. Kaso hindi ko alam kung sino ba talaga siya. Anong meron sa kaniya saka bakit parang may part sa akin na sundin siya? Isa ba siya sa mga namamahala sa mga kapangyarihan dito sa mundong ito? "Uiries." Mahinang turan ko sa bolang iyon. Ginawa ko talaga ang sinabi ng hangin sa akin. Baka isa itong way para mawala na ang bola na patuloy sa paglaki dahil sa napakaraming enerhiya na lumalabas sa aking katawan. Napanganga kaming pareho ni Daddy sa aming nasaksihan. Bigla na lang kasing sumabog ang bola sa aming harapan ngunit hindi siya 'yung tipo na madadamay ang buong paligid. Mahina lang ang pagsabog niya at saka gabutil din ang usok nito. Pero para sa aming dalawa ni Daddy ay isa itong hindi kapani-paniwalang pangyayari. Paano nalaman ng nilalang na bumulong sa akin kung ano ang tamang pag-alis ng light ball sa aking kamay? 'You will find out soon. I'm happy to help you, Savyrah.' Ayan na naman ang pagbulong nito sa aking kaliwang tenga. "H-how... How come?" Nauutal na tanong sa akin ni Daddy nang makabalik na rin siya sa kaniyang diwa. Napapailing-iling naman ako, hindi ko rin alam kung bakit at paano. Isang nilalang lang ang may gawa nito. " I-I don't know. Someone told me to say Uiries. Kaya ginawa ko ang sinabi niya, hindi ko naman inaakala na iyon talaga ang tamang pag-alis ng mga hindi ma-kontrol na bagay." Pagtatanggol ko naman sa aking sarili. Pailing-iling pa ako sa kaniyang harapan, nawala na rin pala ang liwanag sa aking katawan dahil sa paglagay ko nito sa aking palad, at bigla na lang itong pinasabog. "I-it can't be... H-hindi maaaring siya..." Histerikal na sambit niya sa kaniyang sarili. Napaupo na lang siya sa sahig kung kaya't mabilis akong tumakbo sa kaniyang direksyon na hindi natatabunan ng lamesa ang kaniyang sarili. Nakita ko si Daddy na nakayuko, nakahawak sa kaniyang ulo, at sinasabi pa rin ang mga katagang inilabas niya kani-kanina lang. Hindi ko na maintindihan si Daddy. Anong meron sa nilalang na 'yon kung bakit siya ganito? "D-Dad? Anong nangyayari sa iyo? Nag-aalala ako." Pagpapatahan ko rito pero gayon na lang ang pagkagulat ko nang hawakan niya ako sa aking dalawang balikat. Nakaluhod ako sa harapan niya habang siya ay nakaupo pa rin sa sahig. Seryoso ang mukha nito sa akin. "Mali ang pagdating mo sa lugar na ito, maling-mali ang lahat ng ito," "H-huh? A-ano, dad? A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Nakanganga ng kunti ang aking bibig, pakurap-kurap pa ang aking mga mata dahil sa kaniya. Napalingon pa ako sa ibang direksyon para hindi makita ang mukha nito na mababakasan ng takot. Lumalakas lalo ang aking pagtibok ng puso, hindi ko siya maintindihan. "W-wala... Masyado lang akong nag-over think sa mga nangyayari rito. Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo, anak. Ang mahalaga sa akin ngayon ay umiwas ka sa gulo. Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga nakapaligid sa iyo, bumalik ka na sa room ninyo. Hayaan mo na lang muna ang mga kapatid mo na hindi ka makilala, mas kukumplikado ang buhay mo rito kung ipapagsabi mo sa kanila ang totoo." Pagbabago niya ng usapan. Tumayo pa siya sa kaniyang pagkakaupo, inilahad niya rin ang kaniyang kaliwang kamay para makatayo rin ako sa pagkakaluhod. Hindi na ako nagsalungat pa sa daddy ko, halata sa kaniya na may tinatago siya. Tulad na lang ng pagtatago niya sa tunay na katauhan niya. Hindi ko nga rin alam kung may kapangyarihan din ba ako tulad sa kaniya? O sa mga kuya ko? Baka isa lamang akong normal na tao? "Okay, daddy. Ibabaon ko na lang sa aking utak na wala akong nakita o narinig. Papaniwalaan ko na lang ang ibang sarili ko na wala talagang problema sa iyo. Sige, alis na ako." Walang gana kong sabi rito at hindi ko na talaga nagawang pigilan na maging walang respeto na anak sa harapan niya. Hindi naman sa oras ay palagi na lang akong matatakot at maniniwala, parang hindi niya ako anak. Sinasabi niya sa akin na huwag magtiwala sa iba kasi para sa kapakanan ko rin naman 'yun. "A-anak..." Tawag nito sa akin nang nagsimula na nga akong maglakad para umalis sa opisina niya. "Huwag mo akong pigilan sa gusto kong gawin, daddy. Hindi ako si Savyrah kung hindi ako malapit sa gulo." Seryosong sagot ko rito at tuluyan na ngang nilisan ang opisina niya. Sinarado ko pa ang pintuan na ito nang malakas kaya napalingon sa aking direksyon ang mga studyante na naglalakad sa hallway na ito. Pero hindi ko sila pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad sa aking kanan para bumalik sa Eclipse Section. Miss ko na rin ang apat na studyante ro'n. Ilang araw kaming nawala sa school kaya alam kong nag-aalala na naman sila. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla na namang kumirot ito. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Hindi naman siya ganon kalala, pero nakaka-alarma pa rin, paano kung may brain tumor na pala ako dahil sa ginawa ko noong nakaraang linggo? Sa susunod naman sasanayin ko talaga ang katawan ni Reilly sa pakikipaglaban sa pisikalan. Parang ang nangyari ay chamba lang ako sa nakaraang pagsasanay namin ng mga royalties. Speaking of royalties... Bakit sila nandito? Sa pagkakaalam ko magkaiba ang room namin sa kanila, saka hindi rito ang direksyon ng silid-aralan nila kaya anong ginagawa nila sa lugar na ito? Akala ko rin ba ay nagpapahinga sila gaya ng utos ni Daddy? Pero teka—nasa'n sina Kuya Vain at Kuya Veil? "What are you doing here?" Taka kong tanong sa kanila nang makalapit na silang lahat sa akin. Pinuntahan pa ako nitong si Prince Cooper at hinawakan ang aking ulo. Nagugulumihan ko naman siyang pinagmamasdan. Pero nasagutan na ang pagkatakhan ko nang may maramdaman na gaan at init na pumapasok sa aking loob ng ulo dala ng kaniyang hawak lang. Noong ginamot niya ako ay hindi ko naramdaman ang ganitong kakaibang gaan sa pakiramdam, naiinis kasi ako kapag nakikita si Kuya Veil. Ang lakas ng topak kapag nang-aasar. Ngayong pangalawa na niyang ginawa, napatunayan ko na mas masarap magpagamot sa may kapangyarihan na 'healing' kaysa sa kakilala lang nila Daddy. "I see pain in your eyes while holding your head. I use my healing power to lessen the pain." Paglilinaw niya agad sa ginagawa niya. Napatango-tango na lang ako. Napansin ko rin na medyo nawala na ang sakit pero hindi pa rin lahat. Hindi ko na lang ipapahalata sa kaniya, ayokong may pinag-aalala akong tao. May naramdaman din akong kakaiba sa aking dibdib. One beat of my heart until it continues. "Alam ko, napansin ko rin naman. Saka 'yung tanong ko nga pala, bakit nga ba kayo nandito?" Pagbabalik ko na naman sa sinabi ko kanina. Mukhang makakalimutan nila 'yon kapag hindi ko pinaalala. Napakamot-kamot naman sa ulo si Kaze habang ang katabi niya sa kaliwa na si Save ay napakibit balikat na lang. Sina Amiros at Kathy naman na magkahawak ang kamay ay itinuro pa si Prince Cooper. "Siya na lang ang magsasabi, tinatamad kami 'e," ani Kathy at ngumiti pa nang malawak sa akin. Napapailing-iling na lang ako dahil sa sagot nito. Hindi man lang nahiya kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon ang gusto ko sa kaniya. "Aba! Hindi kaya kami pwedeng makisali, saka ayoko lang pangunahan si Prince Cooper. Siya ang dapat magsabi sa iyo." Salungat din ni Amiros sabay turo pa kay Prince Cooper na parang wala lang sa kaniya ang naririnig. "Naghihintay ako ng sagot, ayos lang kahit na matagal." Nakangiti kong sabi rito na ikinataas lang ng kaniyang kaliwang kilay. Umismid pa siya bago alisin ang kaniyang kamay na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin pala sa aking ulo. Nakalimutan ko rin na may nakadampi pa pala. "May naramdaman kaming malakas na enerhiya na nanggagaling sa mismong opisina ni Headmaster Klein. We thought it's an enemy, so we rushed up. Pero ikaw pala ang nagpalabas nito, paano mo napalabas ang light power mo?" "Light power pala ang mayroon ako, akala ko effect lang 'yun. Saka big deal ba talaga sa inyo na malaman kung paano ko napalabas iyon?" Nagtataka kong tanong sa kanila at inisa-isa pa silang tiningnan. Napatango-tango naman silang lahat, sabay-sabay pa talaga. Nakangiti rin sila nang malawak sa akin na akala mo ay may magandang balita. 'Oo nga pala, magandang balita na malaman nila na 'yung tinuturuan nila ay lumabas na ang natatanging kapangyarihan na matagal ng inaasam. Sino bang hindi?' "Oo naman, sinong hindi? Saka congrats sa iyo, Reilly. Isa ka ng ganap na kasapi ng team namin. Masaya ang pagsasamahan namin, nadagdagan pa ng dalawa." Nakangiting turan ni Kaze sa akin sabay lahad pa ng kaniyang kanang kamay sa aking harapan. Malugod ko namang tinanggap iyon. Saka masama rin naman na hindi kunin, magiging kahiya-hiya siya sa harapan naming lahat. Pero napakalas ako ng aming paghahawakan ng kamay nang may maalala ako. Napalingon pa ako sa aking kanang direksyon. Nakita ko ang mga studyante na nakamasid sa amin habang nakikinig din sa aming pinag-uusapan. "Mali ata na dito sa lugar tayo mag-usap," pambibitin ko sa aking sinasabi saka muling sumulyap sa kanilang lahat. Nakuha naman nila ang ipinupunto ko kung kaya't napahawak kaming lahat sa isa't isa. Bago pa kami makaalis ay narinig namin ang sigaw na nanggagaling sa likuran namin ni Prince Cooper. Napaharap naman ako sa taong sumigaw na 'yon—este sa dalawang tao na magkasama. Kahit na magkalayo ang agwat nila ay naramdaman ko pa rin ang mga yapak nila na papalapit. Saka ang aking paningin ay mas lalong luminaw na pati ang kanilang kaloob-looban ay nakikita ko na. Napapansin ko rin na parang may kakaibang kulay ang bawat isa rito, hindi ko alam kung ano bang meaning ng asul, pula, berde, dilaw, at lila. May itim pa akong nakita na nasa loob ng isang room sa loob ng room sa mismong gawi namin. "Saglit! Pasama kami!" Malakas na hiyaw na naman nitong si Kuya Veil habang paismid-ismid na lang si Kuya Vain sa kaniyang paglalakad. "Mabuti nakaabot kayo, bakit ba ang tagal ninyo sa office ni Headmaster Klein? Pinagalitan ba niya kayo?" Tanong agad ni Kaze matapos makalapit ng dalawa sa aming direksyon. Nakisingit pa sina Kuya Vain at Kuya Veil sa gitna namin ni Prince Cooper kung kaya't si Kuya Veil ang hawak ko na ngayon. "Hindi niya kami pinagalitan, sinabihan niya lang kami na bantayan daw itong si Reilly sa ginagawa niya. Hindi raw siya marunong sumunod sa mga inuutos ng kung sino kaya kami na lang daw ang gumawa ng paraan para hindi siya mapunta sa kapahamakan." Pangunguna naman ni Kuya Vain nang mapansin na walang balak magsalita si Kuya Veil. Napapansin ko rin na kanina pa nakatingin sa akin si Kuya Veil, hindi ko alam kung ano ba ang pumapasok sa utak nito. May sinabi ba si Dad tungkol sa akin? Nalaman na ba nila na ako si Savyrah? "Nagiging kulot na ang buhok mo pero kulay blonde na ito, nagpakulot ka ba?" Nagtatakang tanong nito sa akin saka inalis ang pagkakahawak sa aking kaliwang kamay. Hinawakan niya pa ang buhok ko na sinasabihan niya na umiiba na raw ng kulay at kumukulot na rin daw. Nang ipakita niya sa akin ay doon talaga ako naniwala, ako naman ngayon ang humawak sa buhok ko na kakaiba na. "Paano nangyari ito? Magkakasama kaya tayo, saka wala namang may alam sa atin na magkulot-kulot, at wala rin akong alam kung paano baguhin ang aking buhok. Kaya paano?" Naguguluhan na rin ako. "It's just normal. And please, let's talk in our dorm, not here." Pagpapatigil naman ni Prince Cooper sa aming usapan kung kaya't hindi na lang din ako nagsalita pa. Sa tingin ko naman ay wala talaga itong problema, masaya na rin ako na magiging kulot na rin ang aking buhok. Nakaka-miss kaya ang kulot tapos blonde pa na buhok ko. Hindi 'yung ganito na itim na straight. Hindi ako komportable, mas masaya kasi na nasa iyo 'yung tunay na katauhan mo kaysa sa hiram lang saglit. Pero masaya rin naman na makatulong sa mga walang kayang gawin, kahit na wala na ang may-ari, iingatan ko ang katawan niya. Kapag may paraan para bumalik siya sa sariling katawan niya ay gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay mabago ang pananaw ng lahat sa kaniya. Ipapakita ko sa kanila na kahit ganito man siya, mahina man nila siyang nakilala. Magiging bayani siya sa paningin nila. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa mundong ito. Lahat naman ay may karapatan na bigyan ng second chances, sana lang sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanila. Huwag na nilang gawin pa ang hindi kanais-nais na pangyayari noon. 'Nakakaawa na makita ang mga inosenteng tao na namamatay dahil sa maling akala. Pati mga kabataan na hangad lang naman ay maging masaya sa buhay nila, napalitan ng sakit dahil sa propesiya na kung minsan ay mali naman din pala.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD