Light Beneath The Dark 32

1366 Words
SAVYRAH'S POV: Nakabalik na kaming lahat sa eskwelahan na ito matapos naming magawa ang aming misyon sa City of the Ice. Kasa-kasama rin namin ang kakambal na hanggang ngayon ay wala pa ring clue na ako ang kapatid nilang si Savyrah. Kahit na gusto ko mang sabihin, ay hindi pwede sapagkat kailangan kong gawin ang aking pagsasanay nang hindi nila ako inaabala. Miss na miss ko man sila, ayos na rin sa akin na nandito sila sa tabi ko. Nakikita at minsan ay nakukulitan pa. Kapag nagawa ko na rin na baguhin si Reilly sa ibang tao, handa na akong umalis. Handa ko na rin itong iwan, alam kong hindi ako nararapat sa mundong ito lalong-lalo na kung ibang katawan naman ang gamit ko. " Nagagalak kong makita kayong lahat na magkakasama. Lalong-lalo na ang makita na nandito na ang dalawa kong anak. Subalit may isa ang gusto ko lang makausap, maaari ba ninyo kaming iwan muna. Magpahinga kayo at ako na lang muna ang bahala rito kay Reilly." Nakangiting turan ni Headmaster Klein nang mapansin na nagsipasukan na kaming lahat sa kaniyang opisina. "I'll stay," malamig na saad naman ni Prince Cooper sa lalaking nasa aming harapan. Napatigil naman sa pagtitingin sa aming lahat ang headmaster ng marinig ang sinabi nitong katabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa pala nito inaalis ang pagkakahawak sa aking kamay matapos naming mag-teleport papunta sa opisina ni Headmaster Klein. "Hindi ko naman sasaktan si Reilly, Prince Cooper. Saka ako ang Headmaster dito kaya may karapatan akong utusan kayo na lumabas." Seryosong paalala naman ni Headmaster Klein na ikinalunok ng aking sariling laway. Bigla kong napansin na biglang nagbago ang atmosphere sa loob ng opisina na ito, mas gusto ko na lang na lumabas para mawala ang masyadong init na nanggagaling sa dalawang tao na masama ang titigan sa isa't isa. Maski ang mga kasamahan namin sa loob ay aware din sa nangyayari kung kaya't napalayo sila sa amin. O sabihin na lang natin na lumabas na sila nang kusa sa opisina. Kaya kami na lang tatlo ang nandito. "Hey, Prince Cooper. Kaya ko na ito, mas nakakatakot pa ang mga halimaw kaysa kay Headmaster Klein kaya umalis ka na muna. Ayoko ng may away sa pagitan ninyo..." Pananambat ko naman sa kanilang dalawa at iniba na rin ang usapan para hindi na sila magkaroon pa ng issue sa isa't isa. Headmaster nga rito si Daddy, isa namang prinsipe ang kalaban niya kaya alam kong si Daddy ang dehado. Hanggat kaya ko silang awatin ay gagawin ko. Ang mahalaga ay mawala na ang tensyon sa dalawang ito. " Tsk. Call me if he scold you, I know him. I'm also warning you, Headmaster Klein. Don't touch her." Nagbabanta nitong sabi sa taong ito na napangiwi pa habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay. "I will never touch your Reilly. I just want to talk to her." Salungat naman ni Daddy sa naiisip nitong si Prince Cooper. "Tsk!" Napaismid pa itong prinsepe na ito sa daddy ko bago siya muling nag-teleport nang hindi man lang dumadaan sa pinto na sinarado na pala ng mga lumabas kanina lang. Kaso habang pinagmamasdan ko ang tarangkahan sa opisina nitong si Headmaster Klein, ay ang siya ko namang pagkaramdam na may kakaiba. Animo'y may tao sa likuran nito. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ko nararamdaman na 'yon? Bakit ko rin napapansin na parang mas lalong lumakas ang aking pandinig? O maski may isang mabigat na enerhiya sa aking dibdib na gustong kumawala ngunit hindi ko magawa. Hindi nga ba? "Vain and Veil. Gusto rin ba ninyong makatikim ng sermon?! Kapag nakita ko pa kayong nakikinig, hinding-hindi ko na kayo pababalikin sa mundo natin." Nagbabantang sigaw ni Headmaster Klein sa labas mismo ng pinto na kanina ko pa talaga napapansin na may nakikinig. 'Bakit ko ba nakalimutan na minsan ay may pagka-tsismoso rin ang dalawa?' Hanggang sa mawala na ang kanilang enerhiya na kanina lang ay malakas saoagkat nandito sila sa opisina at makikinig sana ng usapan. Magkambal talaga kahit kailan. "So, Reilly—or should I say, Savyrah. Hindi ba't may pinag-usapan na tayo noong nakaraang linggo lang?" Panimula ni Daddy sa akin nang wala na ang lahat ng maninira sa dapat namin pag-usapan. Napakamot na lang ako sa aking ulo bago mapayuko sa sobrang kaba na aking nararamdaman habang nandito ako sa harapan niya. Kanina ko pa rin napapansin na paiba-iba ako ng tawag dito sa kaharap ko. Hindi naman kasi ito ang pinaka-palayaw niya sa akin. Kaso wala akong magagawa, iba siya at lalong wala kami sa mundo namin kaya mahirap na basta-basta na lang akong tatawag ng ibang pangalan. Saka masyadong hindi marespeto ang pagdating nito sa ibang tao. "H-hindi ko naman sinasadya, saka gusto ko lang talagang makatulong sa kanila," salungat ko naman at muling ibinaling ang tingin sa kaniya. "Sinabi ko na sa iyong hindi mo alam ang pinapasok mo. Wala ka sa mundo natin na walang kapangyarihan, tanging mga ordinaryong sandata lang ang kanilang ginagamit, bakit ba hindi mo maintindihan ang bagay na iyon?" "Naiintindihan naman kita, Dad. Ang gusto ko lang naman ay makatulong, mailabas ang natatangi kong kapangyarihan. Ano bang mali sa pagsali? Oo na, alam ko ng hindi ako katulad nila, wala akong kapangyarihan tulad ng sa inyo. Minsan ay napapatanong ako kung sino ba talaga ako, ano ba talaga ako? May kapangyarihan ba ako? Katulad mo ba ako? O isa lamang akong ordinaryong tao tulad ni Mommy? Hayaan mo naman ako dad sa gusto kong gawin ngayon, kahit ngayong taon lang gusto ko lang ipagmalaki ang buhay ni Reilly sa iba. Alam kong hindi ako taga-rito, pero ipapakita ko sa iyo na kaya kong maging katulad nila sapagkat hawak ko ang katawan ng babaeng inaabuso nila," "Alam ko ang ipinupunto mo, anak. Pero hindi ka pa rin dapat nagdedesisyon ng ganito, paano na lang kung isang araw ay mapunta ka sa bingit ng kamatayan dahil sa pinaggagawa mo? Hindi mo alam kung gaano sa akin o sa amin kasakit na mawala ka na naman na akala namin ay hindi ka na namin makakasama nang tuluyan? Inaalala ko lang ang kapakanan mo," malumanay na anito sa akin. Napayuko pa siya sa aking harapan kung kaya't naglakad ako papunta rito. Nang makarating ako sa table niya, ay tinapik ko nang ilang beses ang kaniyang kaliwang balikat. "Nandiyan naman si Prince Cooper at ang iba pa para tulungan ako kung nasa panganib naman ako. Huwag ka ng mag-aalala sa akin, Dad. Kaya ko na talaga ang sarili ko," nakangiti kong saad para i-assure kay Daddy na hindi ako mawawala ulit sa buhay nila. Ngunit ganon na lang ang pagkagitla ko at ang pagkatigil ko sa pagtapik sa balikat ni Daddy nang tingnan ako nito nang may nanunuksong tingin. "What's between you and Prince Cooper? Bakit ganon na lang siya kalapit sa iyo? Huwag mong sabihin na boyfriend mo na siya? Bakit ka pa pumatol sa malamig na taong 'yun? Anong nakain mong bata ka? Aba't hindi mo ba sa akin sasabihin—" "Dad, he's not my boyfriend or what. Friends lang talaga kami ni Prince Cooper, saka alam mo ba na hindi pala siya suplado o malamig na tao. Ang cute nga niya 'e," pagtatanggol ko naman dito dahil mali ang naiisip namin sa prinsipe na iyon. Siya 'yung tipo ng lalaki na may pagkalambing at masayahin kapag naka-palagayan na niya ng loob ang isang tao. Ipinagdaupan ko pa ang aking dalawang palad sa isa't isa. Ipinikit ang aking mga mata habang dinadamdam ang bawat sandali nang maaalala ko ang nangyari noong nakaraang gabi. Sobrang saya at kinompleto ni Prince Cooper ang lungkot na nadadama ko. Hanggang sa may maramdaman akong kakaiba sa aking katawan na akala mo ay may lumabas o sumabog na lang ngunit hindi siya issng nakakabahalang bagay. Para bang lumuwag ang kanina'y sikip na sikip pa sa aking dibdib. " Savyrah, look at your body. Lumiliwanag ka, anak." Galak na galak na pagpapabalik sa akin ni Daddy sa aking tunay na diwa. Nagtataka naman ako sa sinabi nito kung kaya't iminulat ko ang akng mga mata pero muling ipinikit din sa sobrang gulat ng aking nakita. 'What the heck?! Bakit ako lumiliwanag?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD