Light Beneath The Dark 35

1175 Words
SAVYRAH'S POV: "HI!" Nakangiting Avies ang bumungad sa aming tatlo nang makarating kami sa labas ng gate na kinaroroonan ng bahay ni Avies. Hindi na namin tinahak ang loob sapagkat masyado pang tatagal ang biyahe kung maglalakad at babalik ulit kami sa lugar na ito. Kumaway pa ito sa akin saka mabilis na tumakbo para lang makalapit sa aking direksyon. Napangiwi na lang ang aking mukha dahil sa gagawin na naman niya ang kinaiinisan ko. 'N-no… P-please no…' hiling ko sa aking sarili habang hindi pa rin nawawala ang ngiwi sa aking mukha. "Na-miss kita, Reilly!" Mayayakap na sana ako ni Avies nang may pumagitna bigla na dalawa. Para silang si Flash na wala man lang paalam na lilitaw pala sa aking harapan. Mga naka-cross arm ang mga kamay nito pero hindi ko makita ang kanilang itsura dahil na rin sa matangkad sila sa akin. Lalo na ngayon na napunta ako sa hindi ganon katangkaran na babae. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa dalawang ito, nawala bigla ang lakas ng aking t***k ng puso dahil sa matinding kaba na aking nararamdaman kapag gagawin ni Avies na naman ang pagyakap sa akin. 'I hate hugs. Ayoko rin na may humahawak sa aking buhok nang wala man lang paalam ang isang tao.' "Hmmp! Bakit nandiyan kayo sa harapan niya? Yayakapin ko lang si Reilly, 'e!" Atungal nitong lalaking ito at pilit na nilalayo ang mga kapatid ko para makarating sa akin. Pero ako naman ay napaatras para lang makalayo sa direksyon nila. Hakbang lang ako nang hakbang paatras nang hindi sinasadyang mabunggo ako sa isang matigas na bagay. Muntikan din akong mawalan ng balanse sa pagkakabunggo nang may agaran na humawak sa aking kanang kamay at kaliwang beywang, at hinila niya ako palapit sa kaniyang katawan. Kung kaya napalaki ang aking mga mata, napakurap-kurap pa ako. Dinadamdam ang aking dibdib na patuloy sa pagtibok ng aking puso, hindi ito katulad ng kaba na aking nararamdaman kapag si Avies ang gustong yumakap sa akin. H-hindi ko alam… hindi ko mawari ang aking nararamdaman, ano ito? 'S-sino ito?' takang tanong ng aking isipan at hindi man lang magawang lumingon sa aking likuran. Hindi ko alam kung paano at may lakas ba akong humarap? "Tsk! Be careful next time." Malamig na paalala ng malalim ang tono ng boses. Iisang tao lang ang kilala ko na may ganitong tono kung siya man ay magsasalita. Wala pa naman akong nakikilalang ibang tao na kaparehas ng sa kaniya, saka ang kaniyang pabango… Iisa rin ang kilala ko na masyadong matapang ang pabango. At ang abnormal na t***k ng puso ko ay sa kaniya ko lang din naranasan. "Prince Cooper?" Biglang usal ko sa naalala kong tao. Napalayo pa ako para lang hindi ko malanghap ang kaniyang pabango. Hindi ko lang pinapahalata na ayoko sa ganiyang amoy, baka mawalan na naman ito ng gana sa akin. Nag-akto na lang ako na napakamot sa aking sarili at hanggang ngayon ay hindi pa rin nililingon ang aking paningin sa taong sumalo sa akin. Nakayuko lang ako habang nasa ulo ko pa rin ang aking kaliwang kamay. "Who do you think? Bakit ka ba naglalakad nang paatras? Are you nuts?" Nagawa pa akong laitin sa nakikita. Kung kaya napilitan na rin ang aking sarili na iangat ang aking mukha sa kaniya… Lalong-lalo na sa kanila na kasama niya na ngiting-ngiti pa nang malawak. 'Anong meron sa kanila?' "Yiee! Nakita namin 'yun, Reilly. Bagay na bagay kayo ni Prince Cooper," pagpipigil ni Kathy sa kaniyang sarili na tumili nang malakas. Habang ang kasintahan naman niya na si Amiros ay napapailing na lang, katulad ng ginagawa nina Kaze at Save. Napaangat ang aking dalawang palad sa ere habang nakanganga ang aking bibig, nakataas din ang aking kaliwang kilay dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto nila. "Huh?" Taka kong saad sa mga ito na napangiti na lang nang malawak. Akala mo ay nasisiyahan pa sila sa naging reaksyon ko. "It's your lose. Ang hindi makaintindi, manhid." Sabay-sabay na tugon nila sa akin na ikinabagsak ng aking dalawang balikat. Napababa na rin ang aking mga palad nang marinig ang mga katagang 'yon. "Nagtatanong lang naman nang maayos," napanguso na lang ako bago muling ibaling ang tingin sa lalaking napapailing na lang din sa kaniyang nakikita. "Huh? Paano naman ninyo nasabi? Parang ang labo naman!" Napalingon kaming lahat sa taong sumigaw na iyon at sumabat din sa aming pinag-uusapan. Nakatingin ito kay Prince Cooper na parang hindi niya gusto ang kaniyang nakikita, pinagmamasdan niya pa ang buong katawan nito hanggang sa mukha. Tinuro pa niya ang lalaking sinasabihan nila na bagay kami. "Huwag ka ngang epal d'yan, Avies. Binubuhay mo na naman ang pagka-bitter mo. Saka bulag ka ba, paanong malabo? Maganda tapos gwapo? Saan ka pa? Di maging sila na!" Singit din ni Kuya Veil saka niya siniko ang braso ni Avies na nakanguso ang mukha habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking katabi ko. "Pinagsasabi ninyo? Paano magiging kami ni Prince Cooper? Haist! Pero—t-teka nga lang... Bakit nga ba nandito kayo?" Pagbabago ko agad ng usapan. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Napapakamot na lang din ako sa aking ulo dahil sa matinding pagkadisgusto sa mga katagang nilalabas ng mga bunganga nila. "We decided to come with you too," pormal na ani Prince Cooper sa amin. Napalingon naman kaming apat sa isa't isa, s'yempre kasama na ro'n si Avies. Ang mga mata namin ay nag-uusap-usap. Hindi na kailangan pa ng salita na nanggagaling sa aming bibig. "Please take care of us." Sabat din ng iba pang royalties kaya muling napabaling ang aming paningin sa kanila. Mga kapwa nakayuko ang mga ito. Hindi naman gan'on kababa. "Sa tingin namin, kami dapat ang magsabi niyan. Pero kalimutan na natin iyan, magsimula na tayo sa ating paglalakbay." Tanging tango na lang ang naitugon naming lahat sa nagsisilbing leader namin na si Kuya Vain at saka na nga kami nagpatuloy pa sa aming misyon. Misyon upang mahanap ang limang bato na mahalaga sa mundo ng Monstreus World pero nagsisilbing isa na lamang na kathang-isip sa maraming tao. Ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit naging isa na lang itong paksa sa libro? At bakit kasama si Avies sa misyon na aming gagawin? Mas lalo na rin kung paano naging mag-close ang tatlo sa isa't isa? "Be careful!" Biglang singhal ng taong nasa kaliwang direksyon ko. May naramdaman din ako na isang kamay na pumulupot sa aking beywang at saka ako hinila papalapit sa kaniyang gawi. "Look where you're stepping in." Dagdag na sabi nito sa malamig na boses. Napalingon naman ako sa likuran ko na dinaanan namin at napansin ko na maling tapak ko lang ay mahuhulog na ako paibaba. Halata kung gaano kadilim na ang pinakailalim nito kaya nakaramdam ako nang kaunting kaba sa aking dibdib. Pero nang ibaling ko ang aking sarili sa harapan muli at ang braso na nakayapos sa akin, nawala ang emosyon na iyon, at napalitan naman ng sunod-sunod na pagtibok ng aking puso. "T-Thank you," I hesitantly said, then suddenly blush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD