SAVYRAH'S POV:
Napalingon muli ako sa direksyon ni Prince Cooper na nasa kanang bahagi ko. Inalis na rin niya ang pagkakahawak sa aking beywang nang mapansin kung gaano ako naiilang.
Hindi siya katulad noong kasa-kasama ko, masyadong malalim at masama ang awra niya. May napapansin din ako na pumapalibot na malamig at mahanging umiikot sa kaniyang katawan.
Of course he is an Ice Prince, anyway. Pero iba ito. Ano kayang dahilan?
"Wews! Lamig 'a," Iyon na lang ang naisabi ko at muling iginala ang sarili sa unahan.
May napansin naman akong kakaiba matapos naming makalayo sa Tribe Kingdom. Kumuha muna kami ng consents sa kanila bago namin suungin ang Lost Forest kung saan dito sa palasyo nila matatagpuan iyon.
Para makapunta lang sa palasyo na ito, kailangan naming dumaan muli sa ilog ng Monstreus World kung saan doon ako natagpuan ni Avies. Sabay lakad naman sa gitnang daan, at kapag nakita na namin ang mataas na puno na kumikinang sa kanan namin, iyon na ang daan papasok sa loob ng Tribe Kingdom.
Medyo madamo nga lang dahil gubat talaga ito. Natatangi lamang ang parang siyudad na lugar, karamihan sa Monstreus World ay puro kagubatan. Pinapalibutan pa ang bawat kingdom, lalo na ang tatlong daan.
'Hindi ko alam kung bakit? At para saan?'
"Nandito na tayo sa Lost Forest. Kailangan lang nating mag-ingat sa paligid." Mahinang usal ni Kuya Vain
" Woah! Tingnan mo may napapansin akong pangalan mo. 'Di ba?" Pagtataka kong tanong sa kaniya dahil kanina ko pa talaga napapansin na may kakaiba sa malaking puno na ito.
Lahat na lang na pupuntahan namin ay puro related ang mga puno. Pero iba naman ang kulay nito, kung ang pagpunta sa loob ng Tribe Kingdom ay kumikinang na puno. Ito naman ay maitim pero kulay puti ang ginamit na pang-ukit ng pangalan.
Kaso napansin ko rin na napaka-pamilyar ng puno na ito. Nakita ko na ba ito o sadyang nagmamalikmata lang talaga ako?
"Yeah, I know about that." Iyon na lang ang sinabi niya sa akin at lahat kami ay pumunta sa punong iyon upang pagmasdan pa nang mabuti.
Napansin ko na sa lahat ng puno na nakita ko ay ito lang ang makinis ang katawan. Mataba at mayabong ang kaniyang mga dahon. Ang dahon nito naman ay kulay pula na parang dugo, kung papatak man ang butil ng tubig, makikita kung gaano kapula ito.
"Inukit din pala niya ang kaniyang pangalan dito," biglang usal ni Kuya Vain habang seryosong-seryoso ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa puno.
'Nino naman?' nagtatakang tanong ng aking isipan.
"Hindi ba't may sabi-sabi na kung sino ang nakakita ng puno na ito sa ibang lugar mapa-Monstreus man o ibang mundo. At kapag nag-ukit ka ng pangalan mo sa puno na iyan. It's either na 'yung nag-ukit din diyan ay soulmates mo o siyang papatay sa iyo," komento rin ni Kathy sabay turo pa sa pangalan ni Prince Cooper at lalong-lalo na sa isang pangalan na hindi ko mabasa.
Nasa harapan ko na kasi sina Kuya Vain at Amiros. Tanging pangalan na lang ni Prince Cooper ang nakikita ko.
'Ang hirap talaga kapag pandak ka.' Nasabi na lang ng aking utak.
"Paano kung parehas pala silang babae? May soulmates din ba na ganon?" Sabat naman ni Kaze na kanina ko pa pansin na tahimik.
Tahimik dahil nagkakain siya ng sandwich na panigurado ay pinadala sa kaniya ng kaniyang ina.
"Depende sa gusto ng puno na iyan. Masyado raw maarte 'yang puno na 'yan. Kusa nitong inaalis ang iba pang kinurbang pangalan at pananatilihin ang dalawa lang na gusto niya na naka-ukit sa kaniyang katawan." Sagot agad ni Kathy na kinatango naman namin. Samantalang si Prince Cooper ay tamang kinig-kinig lang sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan niya.
"Maarte o may ibig sabihin lang talaga kaya nila inaalis ang iba pang mga naka-ukit na pangalan sa katawan nila? Pero bakit nila pinili ang kapatid namin at si Hume? Matagal ng patay ang kapatid namin kaya imposible na si Hume ang makakatuluyan niya."
'Huh? Anong pinagsasabi nitong si Kuya Veil? Bakit napasama naman ako? Alam kong ako ang tinutukoy nila dahil ako lang naman ang namatay na kapatid ng mga ito.'
Mabilis akong pumagitna sa dalawang tao na nasa harapan ko. Pake ko kung may mahalata sila sa akin, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit ako napasama.
Gayon na lang ang gulat ko nang makita na nga ang aking pangalan na nakaukit sa ibaba ng pangalan ni Prince Cooper. Bigla kong naalala ang puno na bigla na lang nag-appear sa bakuran namin. Hindi ko sinabi ang tungkol dito sa pamilya ko. Aliw na aliw ako sa puno at tanging ang puno lang na ito ang nakakakita sa mga pagsasanay ko sa likuran namin.
Hanggang sa maisipan kong iukit ang aking pangalan dito na hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa. Siguro gusto kong i-keep ang memorya ko sa puno na ito. Siya lang kasi ang naging kasangga ko, at lalong-lalo na ang tagapa-kinig ko sa bawat araw na nangungulila ako.
Kaya pala masyado itong pamilyar, lumaki na pala siya na noon ay kasing-tangkad ko pa lang siya.
"Patay na ba talaga o napunta lang sa ibang mundo tulad ninyo?" Turan ni Avies na ikinalingon naming lahat sa kaniya. Nasa pinakahulihan siya at kanina ko rin napapansin na hindi rin siya nagsasalita.
"Anong ibig mong sabihin, Avies? Alam mo ba kung nasa'n ang kapatid namin? Nandito rin ba siya sa mundo na ito?" Tanong ni Kuya Vain sa lalaking ito na puno ng pag-asa ang kaniyang tono.
Gusto kong pigilan si Avies, gusto kong sigawan siya, at sabihin na huwag na huwag niyang gagawin ang binabalak niyang pagsiwalat ng tungkol sa akin.
"Oo alam ko," pabitin pa na saad nito sa lahat na ikinalaki ng aking mga mata.
'Shuta ka, Avies. Huwag na huwag mong sasabihin!' malutong na mura ang aking inilabas. Ginamit ko talaga ang telepathy na nabasa ko lang sa libro para marinig niya ang isinusumo ko.
"Oo alam na alam ko talaga,"
'F*ck off, Avies!'