Light Beneath The Dark 37

1212 Words
SAVYRAH'S POV: "Oo alam ko," pabitin pa na saad nito sa lahat na ikinalaki ng aking mga mata. 'Tang*na ka, Avies. Huwag na huwag mong sasabihin!' malutong na mura ang aking inilabas. Ginamit ko talaga ang telepathy na nabasa ko lang sa libro para marinig niya ang isinusumo ko. "Oo alam na alam ko talaga," 'F*ck off, Avies!' "Pero bakit ko naman sa inyo sasabihin kung nasa'n siya? Kayo ang maghanap sa taong nawawala. Bigla na lang tumakas 'yung babaeng tinutukoy ninyo dahil sa itsura ko. Sino bang gusto makakita ng tunay na anyo ko? Hindi naman ganon kalawak ang Monstreus World kaya makikilala ninyo agad 'yung babaeng hinahanap ninyo." Paliwanag niya sa mga ito na wala man lang ka-reak-reaksyon ang kaniyang mukha. Nagpalabas ako nang mahinang buntong hininga. Akala ko talaga ay ibubulgar na nitong lalaking ito kung sino ba talaga ako, masasapak ko talaga siya. 'As long as you accepted me as I am. Hinding-hindi ko sisirain ang pinangako ko sa iyo. Binalik mo ako sa normal na kaanyuan ko, kaya tatanawin ko ito ng malaking utang na loob sa iyo.' Sabi naman niya sa akin through telepathy. Napangiti na lang ako dahil doon. Muli akong napalingon sa harapan namin nang bigla na lang nahati sa dalawa ang punong matagal ko ng hindi nakikita. Naging isa itong daan papunta sa lugar kung saan sobrang dilim at ang lamig nito ay hindi ko gustong maramdaman. Sobrang nakakatindig balahibo ang paghampas ng mahinang hangin sa aming direksyon. Akala mo sa labas nito ay isang normal na kagubatan lang, pero kung papasok ka naman sa pintuan na ito, dadalhin ka niya sa ibang dimensyon. Dimensyon na hindi mo alam kung safe ba ang pagpunta o kapahamakan ang dala? "Huwag na muna nating isipin ang tungkol sa kapatid ninyo. We need to do what we really need in this Lost Forest." Seryosong pagpapatigil agad sa amin ni Prince Cooper. Lumapit na rin siya sa aming direksyon at muling pumunta sa aking tabi sa kanan. Trip niya kasi na lagi siya ro'n. "Pero talaga bang hahanapin ninyo ang limang bato na isa lamang alamat?" "Oo, napag-usapan na natin iyan, Avies. Ano pa bang gusto mong iparating?" Naiinis na turan naman ni Kuya Vain. Hindi pa rin siya siguro naka-ka-move on sa naging usapan nila kanina tungkol sa akin. Alam kong matagal na akong nami-miss ng mga kapatid ko, dahil sa nangyari noong nakaraang aksidente na akala nila ay hindi na ako mabubuhay pa. Subalit wala akong magagawa, kailangan kong gawin ito. Hindi muna ako magpapakilala hanggat hindi ko nagagawang mabago ang katayuan ni Reilly sa mundong ito. May paraan pa naman, 'di ba? Kung wala na, sa mundo na lang namin ako magpapaliwanag sa kanila. "Bago kayo pumasok diyan, dapat alam ninyo ang magiging resulta. Dapat nabasa ninyo ang Monstreus World History." "Ano namang konektado ng history sa pagpunta sa Lost Forest?" Nagtatakang tanong naman ni Kaze. Ngayon wala ng nakalagay na sandwich sa kaniyang bunganga. Panigurado na nasa bag niya ito na dala. Lahat silang mga royalties ay may dalang bag, kami lang talagang apat na hindi binalak magdala ng ganiyan kalaking bag. Magic pocket is the key. Humingi ako ng apat kay Tatay Hairo. At doon ko nilagay lahat ng mga pagkain, inumin, damit na gagamitin, at huli ay mga medicine kit kapag kailangan ko o namin. Hindi ko pa naibibigay kila Kuya Vain, Kuya Veil, at Avies ang para sa kanila. "Oo nga! Para saan ba 'yun?" Sabat din ni Save dahil hindi rin niya maintindihan ang pinupunto ni Avies. Habang ako naman ay napahawak na lang sa aking baba, iniisip nang mabuti ang mga katagang sinasabi ni Avies. Parang bigla ko na lang naalala ang magkambal na sina Vash at Lei. May alam din ba siya tungkol sa dalawang namatay dahil sa kagagawan din ng mamamayan dito? Sa tingin ko nga ay meron, hindi naman siya bago sa lugar na ito. Tanging kaming tatlo lamang magkakapatid ang napadpad sa Monstreus World. Pero ano namang koneksyon ng magkambal sa pagpunta namin sa Lost Forest? "Wala lang naisipan ko lang itanong. Saka kung ano man ang meron sa history na 'yon, sana hindi ninyo gawin ang nakaraan." Seryosong paalala nito sa limang royalties. Sila lamang ang may konektado sa dalawang namatay dahil anak sila ng mga hari't reyna, at modernong apo naman ng mga ninuno nila. "Seryoso ka talaga r'yan?" Pangongorek ulit ni Amiros sa lalaking ito na ngumiti naman nang malawak pero napailing din. "Pumasok na tayo. May oras lang na inilalaan ang punong ito kapag hindi natin pinasok ito ngayong araw, lalaan na naman tayo ng isang dekada para—woah!" "Ingay mo! Kung 'yan din pala ang sasabihin mo, di pumasok na lang tayo. Dami mo pang sinasabi. Kanina pa ako bagot na bagot." Inis na singhal ko sa Avies na ito noong hinila ko na siya papasok sa loob ng punong ito. 'Bakit pa pag-iisipan ang lahat kung pwede namang alamin sa loob ng Lost Forest na ito.' "Ta*na naman! Nanggugulat ka na lang, Reilly! Akala ko kung sinong pangit ang humila sa akin!" Reklamo nito nang makilala na niya kung sino ang humiklas sa kaniya. Sinamaan ko agad siya ng tingin bago ako lumingon sa aming likuran. Nagsipasukan na rin ang iba pa, habang si Prince Cooper naman ay hinila ako papalayo kay Avies na napataas na agad ang kilay. "Back off." Malamig na utos ni Prince Cooper nang hahawakan na ulit ako ni Avies sa aking kaliwang kamay. "Huh? Problema mo? Saka wala kang karapatan na pigilan ako sa gusto kong gawin, kaibigan din ako ni Reilly kaya—" " I said back off." Pang-uulit pa nito sa kaniyang sinabi at mas lalo pang lumamig ang tono ng kaniyang boses. "Hep! Hep! Hep! Walang away na magaganap dito huh? Kung si Reilly lang din naman ang pag-aawayan ninyo, sa amin na muna siya bago kayo. Akin na si Reilly, kung ayaw ninyong—" hindi rin nagawang makuha ni Kuya Veil ang kamay ko dahil mas lalong nilapit ako ni Prince Cooper sa tabi niya. 'So weird. Anong nangyayari sa lalaking ito?' nagtatakang tanong ng aking isipan habang ang akin namang dibdib ay tumitibok nang sobrang bilis at napakalakas. Hindi ordinaryong t***k lamang ito, kung ano man 'yon sana mali. Dahil ayoko pa... Hindi pa ako handa at ayokong magmahal ng hindi ko ka-mundo. "She's with me. Tsk! Focus on the mission and not with her." Utos nito na parang siya ang leader sa misyon na ito kung kaya't walang nagawa na rin ang lahat. Pero halata pa rin kay Avies na hindi niya gusto ang nakikita. Kaso wala siyang magagawa, napabuntong hininga na lang siya nang mahina. "Love can't resist." Bulong nito sa hangin na akala mo hindi ko maririnig. "Tanga! Anong love ka r'yan? Sapakin kita!" Banta ko rito na ikinaputla naman ng kaniyang mukha. Ngumiti pa siya sa akin nang alinlangan. "He he he! Joke lang naman!" "Walang joke, umayos ka at ipakita mo sa amin ang daan." "Oo na oo na! Galit ka na naman niyan!" Nakanguso niyang reklamo sabay dabog pa sa lupa at naglakad sa unahan para siya ang mag-guide sa amin. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may alam siya sa limang bato kung saan ito naka-pwesto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD