Light Beneath The Dark 38

1836 Words
SAVYRAH'S POV: "Wow! Ang astig naman dito. 'Yun na ba 'yung tinatawag nilang sagradong bato na kapag hinawakan mo ay mapupunta ka sa kinaroroonan ng mga bato na tinutukoy mo, Avies?" Sabay turo ko pa sa napakalaking bato na nasa aming harapan. Mapapatingala ka na lang dahil sa grabeng taas nito. Isang higanteng bato na akala mo ay normal lang pero sa totoo lang ay may misteryosong nagtatago rito. Nalaman ko lang sa libro. "Oo 'yan na nga 'yon. Paano mo nalaman ang mga ito, Reilly?" nagtatakang tanong ni Avies sa akin kahit na obvious na ang sagot. Wala naman nakakaalam sa mga bato at tanging ang mga ninuno lang namin o nakakaalam ang makakapagsabi tungkol dito. "Book is the key. Duh!" umirap pa ako matapos ko siyang balingan ng aking paningin at muling pinagmasdan ang aking harapan. "Psh. Hindi ko aakalain na—" "Tigil. Wala ba kayong nararamdaman?" Pagsisingit agad ni Save sa amin kaya napalingon ako sa kaniyang gawi. Akala ko ako lang ang nakakapansin. Hindi ko rin aakalain na mas lumalakas na ang pandinig ko sa paligid. Siguro ito na talaga ang panahon para mas lalong lumabas ang kapangyarihan na nagtatago kay Reilly. I hope I have too. Kaso ayoko rin. Maraming responsibilidad ang mga may kapangyarihan. "Meron kanina pa. Akala ko ako lang din ang nakapansin na may nagmamasid sa atin magmula pa kanina." Sagot ko agad dito at saka iginalaw ang aking mga mata para makita ang buong paligid. Kailangan kong malaman kung kaya ko rin bang makakita kahit dilim lang. " Sa tingin ninyo, nagbabantay ba sa sagradong lugar na ito? O…" hindi na naipatuloy ni Amiros ang kaniyang sasabihin nang unahan siya ni Kathy. "Mga kalaban na hangad din ay makuha ang mga nawawalang bato?" "Huwag kayong maingay. Nandito lang sila sa tabi-tabi. Talasan ninyo ang mga pandinig ninyo." Tugon din ni Kuya Vain. "Reilly, come to me. Hindi mo pa masyadong kabisado ang kapangyarihan mo kaya huwag na huwag kang lalayo sa akin." Pang-uutos naman ni Cooper or Prince Cooper sa akin habang ang mukha ay hindi pa rin maipinta. Kanina ko pa napapansin magmula ng makapasok kami sa lugar na ito. "Yes, Master." "Tsk. Don't joke around." "I'm not." "Wait, mamaya na 'yang lover's quarrel ninyo. Papalapit na sila." Pagsisingit agad ni Avies nang magsisimula na naman kami sa pag-aaway nitong prinsipe na ito. Sarap kasing asarin si Prince Cooper lalo na sa kalagayan niya na ganito. Kaso dahil may kalaban kami, kailangan naming magpokus doon at hindi saan man. "Magpabilog tayo. Huwag na huwag kayong lalayo sa bawat isa." suhestiyon agad ni Kuya Veil saka siya nauna na bumilog. Kaya nagsikilos na rin kami para sundin ang kaniyang sinasabi. "Okay!" "Mga rebelde. Nalintikan na!" "Pinalilibutan na talaga nila tayo!" "Grabeng buhay naman 'to!" "Damn!" "Sh*t! This is… exciting!" 'Sinasabi ko na nga ba. Iyon ang lalabas sa bunganga ng magkambal na ito. Ano pa bang aasahan ko sa kanila?' naiiling na aniko nang marinig ang mga sigawan ng mga kasamahan ko. Lalo na ang dalawang magkambal na ito. "Kyah!" Kaso bigla akong napatigil sa aking pag-iisip nang may maramdaman akong paparating. Mabilis ko itong inilagan kaya nakawala ako sa pabilog naming porma. Wala na akong pakealam pa sa porma na ito. "Ilag, Reilly!" 'Nahuli ka na, Prince Cooper!' gusto kong sambitin iyon kaso hindi bale na muna. "F*ck. Naiinis na ako, huh!" Nanggigigil na aniko habang masama ang tingin sa mga nakapalibot sa akin. Ang plano na rin sanang hindi maghihiwalay sa isa't isa ay nawala dahil sa mga rebelde na napakarami. Wala silang suot na kahit ano sa pang-itaas at ang pang-ibaba nila ay isang bahag lamang na tela. May kung anong nakasulat sa kanilang katawan na mga letra na hindi ko maintindihan. Gawa sa pintura o pangkulay na meron sa mundong ito. Pero napabalik ako sa aking diwa nang may maramdaman na kung anong kakaibang kapangyarihan mula sa aking likuran. Isang kapangyarihan na hindi ko alam kung ano, nang ibaling ko ang paningin ko rito nagulat na lang ako nang makita ang isang maitim na bola na kapangyarihan. Malapit na ito sa akin at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa bagay na ito. Kaso kusang gumalaw ang aking mga kamay, lumapat sa aking palad ang malaking bola na iyon, hindi ito sumabog o kaya'y tumilapon ako sa ibang direksyon. Nakakagulat na nasa kamay ko lang ito at hindi gumagalaw. Wala rin akong nararamdaman na kahit ano. Napangisi na lang ako sa huli at ibalik ko sa kung sino ang may gawa nito. Nakita ko kung paano tumilapon ang may sala. Nawala rin ito sa aming direksyon. Kaya tatlo na lang ang natira sa aking mga kalaban. Napansin ko na wala ring nakakita sa aking ginawa. Mga kapwa busy sa kanilang kalaban ang mga royalties maski ang aking mga kapatid. Subalit may isa ang nakatingin sa akin nang seryoso. Si Avies. Nakita niya ata ang nangyari. Napailing-iling na lang ako sa naiisip ko. Sinimulan ko na ring seryosohin ang kalaban. Ibinuka ko ang aking kanang palad at nag-isip na lang ng katana. Napangiti ako nang mapalad nang makita sa aking kamay ang katana na lumiliwanag pa. Nasilaw ang mga kalaban sa katanang hawak ko, pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong kumilos patalikod sa kanilang tatlo, iginalaw ko ang aking dalawang palad pakaliwa sa mismong direksyon nila. Dahil sa lakas ng impact na aking ginawa, ang hangin na nanggagaling mismo sa katana ay dumiretso sa kabilang bahagi ng sagradong lugar na ito. Ang mga puno ay nagsibagsakan, ang ilan na mga kalaban ay nadag-anan. Narinig ko pa ang mga huni ng sakit dahil sa nangyari sa kanila bago muling tumahimik ang lugar. Nawala ang usok na nanggaling sa mga punong bumagsak. "Woah!" " Is that Legendary Sword? Only royal blood have this. Sigurado ka ba Reilly na hindi ka talaga anak ng isang hari at reyna?" Pagsisimula agad ng usapan ni Amiros. Hindi ko siya sinagot. Itinaas ko muli ang aking kanang palad, " Light Magic Rain!" Bigkas ko nang may marinig na naman akong bumulong sa aking tenga sa kung ano ang dapat na gagawin ko. Gulat na gulat ang lahat sa nangyari, maski ako ay gano'n din ang nam'westruhan sa aking mukha nang makita ang lumiliwanag na mga ulan pabagsak sa aming lugar. Ang mga natitirang kalaban ay kaniya-kaniya nang takbuhan para iwasan ang mga nagliliwanag na ulan, subalit kahit anong gawin nila, kahit saan sila pumunta, matatamaan at matatamaan sila ng ulan na aking ginawa. Pero nakakapagtaka talaga kung paano ko 'yon nagawa. Para bang ang matagal ng nakakubli sa aking dibdib na patuloy bumibilog dahil sa hindi paglisan rito, ay tuluyan na ngang naikalas o nailabas ang enerhiya na gustong maging malaya. Subalit hindi lahat. Hanggang ngayon may mabigat pa rin na pumapalibot sa aking dibdib na dumadaloy rin sa aking katawan. Unti-unti na naman na may namumuong bola rito na anytime gusto ng makawala. Pero ano? Ano ito? May iba pa ba akong dapat malaman sa babaeng ito? "Paano mo nagawa 'yon, Reilly?" nagtatakang tanong agad ni Kathy sa akin nang palibutan na nila ako at hindi pinatawad sa mga tanong. "Para kang professional na sa pag-cast ng spell. Alam mo bang ang mga light user ay nahihirapan na ipalabas 'yan nang matino. Saka malaking enerhiya ang nakakain niyan na nagiging silbi na magiging mahina ang nag-cast ng spell na iyon." napakamot naman ako sa narinig kong mga kataga kay Amiros. Dapat na ba akong mahiya sa mga ito? O maipagmalaki ang meron ako? Kaso hindi ako iyon. "Pero habang nakikita ka namin na ganito, alam namin na hindi ka lang ordinaryong tao. Mas malakas ka pa sa aming mga royalties." biglang usal naman ni Save na ikinatango nilang lahat bilang sang-ayon sa kaniyang sinabi. "Kaya mong makipagkompetensiya sa amin gamit lang ang kapangyarihan na taglay mo. Congrats! Sa wakas nagawa mo na ring masanay ang nasa iyo." Sabay-sabay na sabi nila at pinagtatapik pa ang aking braso dahil sa labis na tuwa. Ako rin ay napangiti nang malawak dahil kanila. Pero may isa pa rin talaga ang eepal sa kasiyahan na nararamdaman ko. "Tsk. Parang 'yon lang ganiyan na kayo? Baka nakakalimutan ninyo ang pakay natin dito? Kailangan na nating makuha ang limang bato bago pa ito gumunaw..." "What?! Magugunaw ang lugar na ito? Paano mo nasabi?" Sabay-sabay na sigaw namin kay Avies nang banggitin niya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis lang sa nilalang na ito. Hindi na lang kasi sabihan nang diretso ang lahat ng mga nalalaman niya saka wala akong nabasa na kung ano sa libro patungkol sa sagradong lugar na ito. Ang tanging nabasa ko lang ay nagpapaliwanag lang ito tungkol sa mga bato. "Eh? Hindi ko ba nasabi?" Napakamot pa ito sa kaniyang batok habang nakangiti nang alanganin. Hindi rin ito tumitingin sa aking direksyon. Para bang iniiwasan niyang magtama ang mga paningin namin. Kung natatakot talaga siya sa akin, bakit ginawa niya pa rin? "No. And you're s*cks." Malamig na turan ni Prince Cooper kay Avies na ngayon ay nakataas na ang kaliwang kilay. "Malay ko ba na makakalimutin ako. Hindi bale, kapag nakuha na ninyo ang bato sa loob kailangan na nating gamitin ang ating teleportation para makaalis sa lugar na ito." Pagpapaliwanag agad niya nang hindi pa rin nawawala ang pagtataas ng kilay niya. "Gano'n ba? Ibig sabihin lima lang din ang papasok sa loob?" Paninigurado pa ni Kathy kay Avies na napairap na. "Anong sa tingin ninyo? Dahil anim kayo, ang matitira lang ay ang kapatid mo, Kathy." "Huh? Bakit ako pa? Hindi naman kami magkaparehas ni Kathy ng kapangyarihan, a'!" Gulat na gulat na singhal ni Save nang marinig ang sinabi ni Avies. "Wala rin naman akong sinabi na dahil sa kapangyarihan kaya sila papasok sa loob. Kailangan ng mga tauhan sa labas para kapag may naging problema sa loob, magagawan agad ng paraan. At dahil hangin ang kapangyarihan mo, kayang-kaya mo naman atang gumawa ng air tornadoes. Gets?" "Oo na! Oo na!" Pagsusuko agad ni Save nang maunawaan na rin ang tinutukoy ni Avies. Dahil na-settle na rin ang problema, dahan-dahan na rin kaming naglakad na lima papasok sa bato na iyon. Pero s'yempre kailangan muna naming ilapat ang aming mga palad sa bato. "Ready?" Pagsisimula ni Avies nang mapansin na walang umiimik sa amin. Nakita namin siya na nasa kanang direksyon habang nakamasid sa aming lima bago ibaling ang tingin sa akin. May ibinibigay na kung ano ang titig niya, mensahe na hindi ko maintindihan. Anong meron sa lalaking ito? "Yes." "Okay. Ilapat na ninyo ang inyong mga kanang palad sa bato," bilin niya sa amin na ikinatango naman namin at ibinaling ko na muli ang aking paningin sa unahan. Nanginginig ang aking kanang palad na lumapat sa bato. Para bang may gustong pumigil na gawin ko ito. Napasinghap ako nang todo-todo, napalaki pa ang aking mga singkit na mga mata, at bumilis ang t***k ng aking puso sa hindi malaman na dahilan. 'Ano 'to?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD