Light Beneath The Dark 39

1216 Words
SAVYRAH's POV: Napapikit pa ako dahil sa sinag na nagmumula sa batong nasa harapan ko. Hindi ako dumilat hanggat may nararamdaman pa rin akong liwanag na nanggagaling dito. Even the lights faded in the surface, I never intended to open my eyes. I'm still not ready. What if there's something I don't wanna know inside the stone? What if there's a problem that put me into danger? Hindi ba? Kailangan kong mag-isip nang mabuti. Saka teka lang, bakit wala akong naririnig na mga yapak sa ibang mga kasamahan ko? Napunta ba sila sa ibang bersyon ng bato? But it's so weird if that's the case. Bruh! 'Open your eyes, Savyrah. It's not time to play around or think about the future problem that maybe will never gonna happen.' Usisa ng aking isipan bago ko unti-unting buksan ang aking mga mata. Gan'on na lang ang labis na aking paghakbang pabalik nang malaman na kung ano ang nasa aking harapan. "What on earth? Where the heck I am?" Mahinang usal ko saka dahan-dahan na inilibot ang aking sarili sa kapaligiran na hati pa sa dalawa. Ang kanan ay puro kadiliman ang makikita subalit nandoon naman ang mga planeta na iba't iba ang hugis, kulay, at laki. Wala akong nakita na itsura ng Earth. Bakit hindi nila isinama rito? Saka mayroon din na nag-iisang puno sa gitna ng mga planeta na iyon. Isang puno na iba't iba ang kulay subalit napakaganda naman niya kung masisinagan ng mga bituin sa bawat planeta. Ang dahon nito ay maliliit pero dikit-dikit, hindi ko ma-mu-westrahan ang kaniyang kaanyuan sapagkat ako ay malayo sa kaniyang direksyon. Pero kitang-kita ko naman sa sanga nito sa kaliwang part ng puno na may isang bato na kulay itim na lumiliwanag din dahil sa bituin sa kalangitan. "Pwede ko ba iyang mahawakan 'yang mga planeta na iyan? Hindi ba iyan wallpaper lang? Illusion spell lang ba ito?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili at saka napahawak pa ang aking kanang kamay sa aking ulo upang kamutin ito dahil sa labis na pagkagulumihan sa nangyayari sa aking paligid. Napadako naman ang aking mukha sa kabila kung saan puro liwanag naman ang aking makikita. Napabuntong hininga na lang ako sa aking sarili dahil hindi ko na talaga kaya ang mga ito. "Ano ba naman iyan? Pati ba ito may mga ganito ring wallpaper? Kung sino man ang gumagamit ng illusion spell, please lang! Pakitigilan na! Hay! Hindi ba ninyo alam na parehas kong gusto ang mga nakikita ko? Pasalamat na lang talaga dahil wala akong kahit anong modernong teknolohiya! Bakit ba walang cellphone sa mundong ito, hayst!" Naiinis na singhal ko habang pinagmamasdan ang mga nandito sa puting direksyon na ito. Ang mga makikita naman dito ay isang fountain na puti ang pintura na nakalagay sa gitna habang pinapalibutan sa ibaba ng mga bulaklak na iba't iba ang kulay. At sa bawat gilid ng fountain naman ay isang halaman din na gumagapang pero parang may isip ito sapagkat sa gilid lamang ito pumupunta at hindi sa mismong bunganga na ng fountain na hindi ko alam kung may tubig ba sa loob o sadyang wala talaga. Kaya rin nitong magkaroon ng bulaklak na maliliit na kulay pula ang kulay. Sa itaas naman ng fountain ay may nakalutang na bato rin na puti na lumiliwanag dahil sa kalangitan. Napalingon ulit ako sa iba pang mga nandito. May bench sa likuran ng fountain, pahaba ito at gawa rin sa kahoy. Pinalilibutan din ng mga halamang gumagapang na malalaki naman ang bulaklak at paiba-iba pa ng kulay. Sa likuran naman nito ay isang kabayo na napakataas, may sungay rin siya na kulay puti na patilos pa. Hindi ito gumagalaw pero halata rito ang matinding pagtitig sa aking direksyon. Kung kaya't nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na hindi ko alam kung maganda ba. Ang alam ko lang nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa nilalang na ito. Kaso gan'on din ang gulat at ang pagtalon ko sa aking kinaroroonan nang basta-basta na lamang may magpapakita sa akin sa mga oras na ito kung kailan nahihiwagaan pa rin ako sa paligid ko. "Magandang araw, binibini," bati ng dalawang kababaihan na suot ay itim at pula na bestida. Kumikinang ito dahil sa liwanag na nanggagaling sa kalangitan. Subalit hindi ito basta kikinang kung wala itong halong mahika. Ang kanilang buhok ay nakalugay pero may mga pang-ipit sila na iba-iba. Napakaganda. Ang ipit ng babae na nakaitim ay mga planeta na nasa kaniyang tabi at ang puti naman ay ang hayop na nandiyan at hugis bulaklak na pang-ipit na kumikinang-kinang din dahil sa crystal na nakapaloob din dito. Kapwa nakahawak ang mga kamay nito sa isa't isa na nakadikit naman sa kanilang mga tiyan. Mga nakangiti rin ang mga ito sa aking direksyon. Parang kakaiba ang ibinibigay nila sa aking mga ngiti. Hindi ko mawari kung ano. Pero isa lang ang pumapasok sa utak ko—kaligayahan. Subalit bakit? Anong dahilan nila at sobrang galak na galak naman sila sa pagdating ko? Marami pa akong katanungan sa aking isipan na nagpapagulo sa aking utak. Ang tanging makakasagot lamang nito ay ang mga nilalang na narito. "Sino kayo at bakit ako nandito?" Tanong ko rito pero gan'on din ang pagtapik ko sa aking noo nang maalala na pumasok nga pala ako sa malaking bato kaya natural na sa lugar na ito ako mapupunta. "Hindi. Bakit kayo nandito sa lugar na ito? Ano ang mga pakay ninyo at bakit sobra ang ngiti na inyong ibinibigay sa akin?" Pagbabago ko agad ng katanungan sa mga ito na naging dahilan naman upang mahinhin na napahagikhik ang dalawang kababaihan. Inilagay pa nila ang kanilang dalawang palad sa kanilang mga bibig upang itago ang kanilang pagtawa. Napakamahinhin naman ng mga ito. Ako nga ay hindi ko magawa ito sapagkat nakararamdam ako ng weird na sensasyon kapag ginagawa ko ito. Pero maiba tayo. Sino nga ba talaga ang mga ito? "Nakakatawa ka, Binibini. Subalit kami'y magseseryoso na dahil limitado lamang ang oras sa loob ng mahiwang bato na nakita ninyo. Hayaan mong ipakilala namin ang aming mga sarili. Maaari ba?" Wika ng babaeng nakaputing bestida. Sobrang lalim din ng mga binibitawan niyang salita na akin na lang ikinatango. Wala rin naman akong balak na tumanggi dahil mas gusto ko rin silang makilala. "Ako si Minvera, ang tagapangalaga ng puting bato. Ikinagagalak kong makilala ang babaeng matagal na naming hinihintay sa loob ng napakaraming taon." "Ah-eh... g-gan'on..." napapakamot pa ako sa aking batok dahil sa labis na hiya na aking nararamdaman sa dalawang ito. Actually I'm not really shy towards others. But this is weird. Absolutely abnormal one. Hindi ko alam pero may pumapasok sa aking isipan na kailangan silang respetuhin. "Ako naman si Dinvera, ang tagapangalaga naman ng itim na bato. At si Minvera ay ang aking kakambal. Malugod kitang makilala, Binibini. Subalit may tawag din sa amin ang mga nilalang na narito," napataas agad ang aking kaliwang kilay nang sambitin ni Dinvera ang huling mga katagang ito. Inalis ko pa sa aking batok ang aking kanang kamay at seryoso silang tiningnan. "A-ano?" Medyo napautal pa ako sa katanungan kong ito. Napalunok din ako ng sarili kong laway ng makita ko na lang ang pagbabago ng kanilang mga ekspresyon sa mukha. Hindi ko mabatid kung ano ito. "Kami ang 'Guardian of the Two Kingdom'."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD