SAVYRAH's POV:
"If that so, I mean, kung gan'on nga na kayo ang dalawang tagapagbantay ng kingdom. Anong mga kingdom naman iyon? Sa pakuwari ko kasi ay kasama ko ang mga anak ng mga hari't reyna ng kaharian dito. T-teka! Nasa'n nga pala ang iba pang mga kaibigan ko? Bakit hindi ko sila kasama rito?" Mabilis na pagbabago ko ng usapan at tinutukoy ko naman ang biglang pagkawala ng mga kasamahan ko.
"Hindi mo na kailangan pang malaman iyon, Binibini. At saka huwag kang mag-alala. Ang mahiwagang bato na iyon na hinawakan ninyo ay isa lamang portal papunta sa ibang dimension. Sa amin ring pagkakaalam, nakita na nila, at nakausap ang iba pang tagapagbantay ng mga kaharian. Gaya ng nangyayari sa iyo sa araw na ito. Binibini, ano nga pala ang iyong ngalan?" Tanong ng babaeng nakaitim. Hindi siya umaalis sa kaniyang kinaroroonan. Naalala ko na siya si Dinvera.
Maski rin pala ang babaeng nakaputi na ang pangalan naman ay Minvera. May barrier siguro sa gitna nilang dalawa. Subalit napaka-imposible rin naman sapagkat magkambal sila. Paano nila maaatim na hindi magyakapan? Even it makes no sense. Pwede rin namang hindi magkaroon ng physical affection ang mga magkakambal o magkakapatid. Duh!
Mas mainam pa nga iyon kaysa maamoy ang mga pawisan mong mga kapatid na ginagawang pang-asar sa iyo. Tsk!
"Reilly, ako si Reilly Weist. Isang normal na studyante lamang na napasama sa paglalakbay upang mahanap ang lugar na ito," pakilala ko naman sa aking sarili sa dalawang ito at dahan-dahan pang yumuko sa kanilang harapan upang ipakita sa kanila ang aking respeto.
Mukha lang akong walang respeto sa ibang tao pero iba sila. Parang may nag-uudyok sa akin na huwag na huwag silang gagawan ng masama dahil hindi ko sila kilala. Lalo na't napag-alaman ko na isa sila sa mga tagapagbantay ng mga kaharian.
Saka isa lamang kasinungalingan ang aking sinabi sapagkat ang mga Royalties ang sumama sa aming paglalakbay dahil akala ng mga ito na hindi totoo ang Five Stones. O isa lamang na kathang-isip sa kanilang isipan.
"Imposible! Hindi ako naniniwala sa iyong sinasabi, Binibini!" Malakas na sabi ni Dinvera.
Napalunok naman ako ng sariling laway at saka napatawa na lang ng mahina.
"P-pero iyon ang totoo." Mahinang usal ko naman dito na agaran naman nilang ikinailing sa akin.
"Tama si Dinvera," sang-ayon din ni Minvera sa kakambal habang kitang-kita sa kaniyang mga mata ang kaseryosohan. " Ramdam namin ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa iyong katawan. Subalit halata rin na pinipigilan mo itong ilabas. May napapansin din kami sa iyong mga mata na labis kang nababahala sa mangyayari sa iyong hinaharap. Tama ba ang aking hinuha, Reilly?" Matapos niyang sambitin ang mga katagang iyon binigyan niya pa ako nang isang matamis na ngiti na akin namang ikinabaling sa ibang direksyon.
Hindi ako nagsalita sa tanong niya. Para bang nahigit ang aking hininga sa narinig. Hindi maayos ang aking paghinga. Lumalakas ang t***k ng aking puso. Namamawis na rin ang aking noo dahil sa labis na pag-iisip.
Tama si Minvera. Tama nga siya sa kaniyang sinasabi. Magmula ng matapos ang labanan namin sa aming mga kalaban at ang pagdating ko sa loob ng batong ito na isa lamang palang portal sa ibang dimension.
Nababahala talaga ako sa lahat. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Hindi ko alam, pero may hint ako na hindi maganda ang kahaharapin ko kung magkataon na mapatunayan ko sa sarili ko na tama ang hinuha ko.
Buong buhay ko ang iniisip ko lang talaga na tao ako at patuloy akong pinupursige ng aking ina na maging isang mafia tulad niya. May mga kapatid ako na nasa larangan na ng organisasyon na iyon. At ama na lagi na lang high blood kapag nakikita kaming hindi ginagawa ang mga bagay na para sa mga katulad namin o kaedaran namin. Lalong-lalo na kung pinag-uusapan ay ang pag-aaral namin.
Because of that accident, I reincarnated into this d*mn world, and find out that my father is actually an elementalist. Like—what the f*ck is happening?! And later on, my brothers too.
Kung hindi lang talaga kailangan ang kapangyarihan sa lugar na ito, hindi ako magpupursigido na ipalabas ang kakayahan na meron si Reilly. Kung naging isang hayop na lang ba ako, wala akong poproblemahin kundi ang lumayo sa mga nakakatakot na nilalang sa mundong ito. Haist! What the heck I'm talking about right now?!
I shook my head because of annoyance before I took a glance to the guardian of the two kingdom. They're looking at me with an awe on their face.
"Hindi mo kailangang problemahin ang iyong hinaharap dahil nakikita namin na makakaya mo itong lagpasan. Ang kailangan mong isipin ngayon ay kung paano mo magagamit ang iyong kapangyarihan. Maaari ka naming tulungan ng aking kakambal. Subalit sa isang kondisyon," tumigil pa si Dinvera sa kaniyang pagsasalita at saka binigyan ako ng kakaibang ngiti sa kaniyang labi.
Napataas naman ang aking kaliwang kilay dahil dito. Napabaling pa ang aking paningin kay Minvera na ngayon ay patango-tango lang sa aking harapan.
Kung kaya't muli kong hinarap si Dinvera na parang naghihintay ang kaniyang mukha.
"Anong kondisyon ang iyong sinasabi?" Nagtataka kong tanong rito.
"Madali lang na kondisyon ito. Alam mo ba ang kwento ng dalawang magkambal din?" Pangtutukoy naman nito sa story ng kambal na sina Vash at Lei.
Napatango naman ako nang mabilis dahil sinabi iyon sa akin ni Prince Cooper. Nagkataon din na nag-confess ang dalawa naming kaibigan sa isa't isa.
"Oo, si Lei na pinatay dahil sa propesiya, at si Vash na kakambal niya na pinagtanggol siya pero namatay rin kalaunan. Si Vash rin ang nagsumpa sa mundong ito, tama ba?"
"Mabuti alam mo ang kanilang kwento, Reilly. Kaya sasabihin ko na rin ang kondisyon namin, pakisabi sa iyong mga kasamahan na huwag na huwag gagawin ang mga aksyon ng mga ninuno nila. Sapagkat kung mangyari man ang bagay na iyon sa panahon na ito, batid namin kung gaano hindi kaganda ang mangyayari sa mundong ito." Halata pa rito kay Dinvera ang matinding takot sa kaniyang mukha.
Gan'on ba talaga kasama ang kahaharapin ng Monstreus World kapag sa pangalawang pagkakataon ay mangyari ang nakaraan. Pero ang nakapagtataka lang sino naman ang babawian nila ng buhay?
Wala na ang dating namamahala sa buong Monstreus World. May sabi-sabi na wala na itong ibang lahi pa sapagkat may rumor na hindi na nagkaanak pa ang dating reyna. Even thought they didn't know where the Mondemoir Couple is. Walang nakakaalam kaya wala ring makapagsasabi kung totoo ba itong rumor na ito.
"Bakit ninyo sinabi ito sa akin? Saka baka hindi na mangyayari ang nakaraan dahil wala na rin naman ang magkambal. Lalo na ang mga Mondemoir." Mabilis naman ang pag-iling-iling ng dalawa sa aking sinabi. Masyadong mali ba ang aking mga sinasabi?
"Hindi. Huwag kang pasisiguro sa iyong sinasabi, Reilly. Sapagkat hindi natin alam kung may mag-asawa pala r'yan ang magkakaroon ng kambal na anak. Naalala namin na may palatandaan kung sino si Vash at Lei dahil magkamukhang-magkamukha talaga sila. Si Lei ay may balat na krus (†) sa kaniyang kaliwang pisngi samantalang si Vash naman ay ekis (×) sa kaniya namang kanang pisngi. Kaya kung may makita kang bata na hindi sadya at matagpuan sa mga pisngi nito ang palatandaan na iyon. Iiwas ninyo agad siya sa gulo kasama ang kakambal niya. Huwag na huwag ninyo silang hahayaan na mapunta sa kapahamakan. Naintindihan mo ba, Reilly?" May halong pagkaseryoso ang tono ng boses nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Kahit na hindi pa rin nag-pa-process sa aking utak ang lahat ng mga impormasyon na ibinibigay nito sa akin. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumango sa kanila pero napalingon naman ako sa mga bato. Bigla kong naalala kung ano ang pakay ko sa loob na ito at ang paalala ni Avies na gugunaw ang lugar namin.
Bakit bigla na lang nawala sa aking isipan ang mga iyon?
"Maiba po tayo..." Bago ko pa man masabi ang aking gusto sa mga ito mabilis naman nila akong pinatigil sa aking pagsasalita.
"Malugod naming ibibigay sa iyo ang mga bato na aming matagal ng binabantayaan!" Sabay nilang sabi na akin namang ikinakamot na naman sa aking ulo.
"Gan'on po ba. Huwag po kayong mag-alala, aalagaan po namin ito at hindi ibibigay sa masasama." Ngumiti pa ako nang malawak sa mga ito na agaran naman nilang ikinailing.
"Wala sa aming kaso iyon." Turan ni Minvera saka tumingin agad sa puting bato na ngayon ay dahan-dahan na umaalis sa kinaroroonan nito. Papunta ito sa aking direksyon. Samantalang ng ibaling ko naman ang aking atensyon sa itim na bato gan'on na lang ang gulat naming tatlo nang makita ito na marahas ang galaw.
"Hindi, tumigil ka!" Malakas na sigaw ni Dinvera sa bato na animo'y parang nakikipag-usap lang siya sa tao.
Pero dahil isa lamang itong bato. Hindi ito nakinig sa sinasabi niya. Habang ako naman ay napaatras na lang sa aking kinatatayuan. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil dito. Subalit dahil na rin sa bilis na kilos ng bato papunta sa aking direksyon. Isang kislap-mata rin ang pagkawala nito sa aming harapan.
Kaso napatihulog agad ako sa aking kinaroroonan at marahas na hinawakan ang aking dibdib. Sobrang lakas ng enerhiya. Hindi ko kaya. Sobrang taas ng nilalabas nito.
Nakakapanghina. Gusto na ring pumikit ng aking mga mata dahil sa batong hindi sinasadyang pumasok sa aking katawan. Nagsunod-sunod na rin ang aking paghinga.
'Bakit? Bakit sa akin ito pumasok? Anong nangyayari?' sunod-sunod na tanong ng aking isipan na walang makakasagot sapagkat maski ang dalawa sa aking harapan ay nagugulumihan din sa nangyayari.
Mabilis din ang pagpunta nila sa aking direksyon. Niyuyugyog ang aking katawan na ngayon ay unti-unting bumabagsak sa lupang aking kinatatayuan kanina.
"Magtigil ka, Reilly! Huwag kang susuko! Huwag na huwag kang pipikit! Gagawa kami ng paraan!" Hestirikal na saad ni Dinvera habang hinahaplos ang aking pisngi.
Napangiti naman ako sa aking nakikita. Hindi ko aakalain na ganito ang aking mararanasan. Ito na siguro ang oras sa aking kamatayan. Alam kong hindi dapat iyon ang aking iniisip.
Pero sino ba naman ako? Ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas na nanggagaling sa bato. Mas napansin din ako na naglalabanan sa loob ng aking katawan.
Ano bang aasahan kung magsama ang itim at puti?
"Nakakapanghina..."