AVIES' POV:
Nakapasok na ang lima sa loob ng mahiwagang bato. Kung kaya't kaming mga natira ay nanatili lang sa labas. Nakaupo ako sa pabilog na bato na hindi gan'on kataas. Ang magkambal naman na sina Vain at Veil ay nagbabantay sa paligid dahil naniniguro sila kung wala na bang pupunta na mga kalaban.
Samantalang si Save naman ay napapakamot na lang sa kaniyang sarili. Nakatayo siya sa harapan ng bato at halata rin sa mukha nito na may iniisip siya na sobrang lalim. Ano naman kaya iyon?
Hanggang ngayon pa rin ba ay naiinis pa rin siya na hindi siya napasama sa pagpasok kahit na sinabi ko na ang dahilan ko? Hah! Whatever.
"Huwag ka ng magdamdam d'yan, Save." Suway ko sa lalaking ito na agaran akong binigyan ng masamang tingin at saka muling ibinaling ang atensyon sa kaniyang harapan.
"Wala ba kayong nararamdaman? Kahit kunting kaba lang?" Tanong nito sa amin sa mahinang boses.
Pero sapat lamang iyon sa dalawa na lumapit na sa aming direksyon matapos ma-secure na walang paparating na mga kalaban.
"Meron. Hindi ko alam subalit parang ang lakas ng pakiramdam ko na parang may hindi tama," saad din ni Veil habang seryoso ang kaniyang mukha na nakatingin sa mahiwagang bato.
"Maski rin ako." Sabay na sabat din namin ni Vain na naging dahilan para mapalingon kami sa isa't isa. Napailing-iling na lang kaming dalawa bago ituon din ang sarili sa harapan.
Pero nagbago ang aming ekspresyon sa mukha nang makita namin ang mga pumasok na lumalabas. Nauna si Prince Cooper sa kanila, inaabot ng isang minuto bago ang iba pang kasamahan niya.
Nasa kanilang mga kanang kamay ang mga bato na iba-iba ang kulay. Mga kapwa nakalutang ang mga ito sa kanila. Kung ano ang ni-re-representa mong kapangyarihan, iyon ang mapupunta sa iyo. Pero minsan hindi rin. I don't know. Hindi ko naman alam ang bagay na iyan, nabasa ko lang sa libro. Wala pa rin ako sa kalahatian ng librong iyon.
" Akala ko tatagal pa ako sa loob. Masyadong strikta ang lumitaw sa akin na tagapagbantay pala ng bato. Maganda sana ang background pero hindi ko gusto ang babae." Nakangusong pagkukwento ni Amiros sa amin na ikinatawa naman ng ibang kasamahan niya. Maliban kay Prince Cooper na tahimik lang habang nakatingin nang seryoso sa batong nasa kaniya.
"Hula ko may ginawa kang hindi maganda sa loob, ano?" Pagtatanong naman ni Kathy na mas lalong ikinanguso ng lalaking ito.
Napapailing-iling na lang ako sa kanila at saka ibinaling ang tingin sa mahiwagang bato na iyon.
"Bakit wala pa si Reilly?" Nagtatakang aniko sa kanila na agaran naman nilang ikinalingon sa akin at maski sa bato.
"Oo nga, hindi ba ninyo siya kasama?" Pagtatanong din ni Vain sa mga pumasok sa loob. Pero mga kapwa ito napailing.
"Isang portal lang ang mahiwagang bato na iyan papunta sa ibang dimension. Kaya lahat kami ay napunta sa lugar na hindi namin alam kung nasa'n ba kami. Sa bawat bato may mga tagapagbantay at susuriin ka nito nang mabuti hanggang sa ibigay nila sa iyo nang malugod ang iniingatan nilang bato." Mahabang salaysay ni Kaze sa amin na akin namang ikinabahala.
Ito ba... Ito ba 'yung nararamdaman kong kakaiba lalong-lalo na rin sila? H-huwag sana...
'Savyrah, don't give up.' taimtim na sabi ko sa aking sarili.
"Hintay pa tayo ng ilang minuto. Baka kinakausap pa ng tagapagbantay si Reilly kaya natatagalan siya. Kung hindi ko lang pinatigil sa pagsasalita ang napunta sa akin baka ganiyan din ako." Pagpapakalma naman sa amin ni Kathy pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib.
Napatayo agad ako sa aking pagkakaupo sa bato at saka naglakad para pumunta sa direksyon ng mahiwagang bato na iyon. Even it cost my life, wala akong pake. Ang mahalaga malaman ko na ayos lang si Savyrah.
Hindi makakapasok ang mga katulad kong isinumpa ng itim na mahikero sa ganitong mahiwagang bato. Either my life or I'll gonna be unconscious for years. Ang tagapagbantay lang ang makakasagot nito dahil sila mismo ang magpaparusa sa mga nilalang na isinumpa na papasok sa sagrado nilang tirahan.
Para sa kanila, isang banta kami, kahit na nawala na ang sumpa hindi pa rin nila masisigurado na walang kahit anong butil ng itim na nanalantay sa amin na magiging dahilan para matagpuan ng kalaban ang kanilang teritoryo.
It's too much complicated so I don't really know exactly their reason is.
"Don't." Malamig na tugon ni Prince Cooper sa akin at hinawakan pa ang aking kaliwang balikat pero tinabig ko lang ito.
"Huwag mo akong patitigilin sa aking gustong gawin. Hindi ko maaatim na maghintay na lang dito habang nag-iisip kung okay lang ba si Reilly sa loob o hindi." Seryosong sabi ko rin dito na agaran din ikinasang-ayon ng iba pang natira.
"Tama si Avies. Sasama kami!" Sabay na wika ng magkambal.
"Pero mas tama si Prince Cooper. Hindi tayo sigurado kung saan kayo mapupunta. Sa sinabi ko nga, portal lang ito. Imbis na isa lang ang nasa delikadong sitwasyon, mapaparami dahil iniisip ninyo agad na nasa hinding magandang sitwasyon si Reilly. Ang kailangan nating gawin ngayon ay maghintay at mag-isip nang magandang plano para mailigtas si Reilly kapag wala pa rin siya rito. Naiintindihan ninyo ba?" May halong inis sa tono ng boses na wika ni Kathy na aking ikinatahimik.
Maski rin ang kambal lalo na ang kapatid ni Kathy.
"But how? You told us it's just a portal. How can we get her out?" Muling tanong ko rito pero hindi siya nagsalita. Napaiwas pa siya ng tingin sa akin.
Naparolyo na lang ang aking mga mata sa nakita bago maglakad papalapit muli sa direksyon ng bato. Kaysa makasama ang mga taong iyon na puro salita lang pero halatang hindi nila alam ang kanilang gagawin.
Hindi ko gustong maghintay na lang habang nababahala sa mangyayari kay Savyrah sa loob. Pero hindi rin dapat ako basta-bastang gagawa ng hindi maganda para hindi ako mapunta sa delikadong sitwasyon.
"Give me the copy of the book." Mahinang usal ko sa aking sarili.
(Yes.)
Inilahad ko pa ang aking kanang kamay sa aking harapan. Nakita ko sa aking kamay ang pag-ultaw ng libro tungkol sa mahiwagang bato na ito.
Hindi ko pa nababasa ang kabuuan nito kaya wala akong alam sa iba pang detalye. Sana lang nandito ang sagot sa aking problema.
Pero bago ko pa man mabuksan ang libro, bigla na lang may lumitaw na puting babae na naka-dress. Ang puting bato naman ay nakasunod sa kaniya. Nasa kaniyang mga kamay naman ang kanina ko pang iniisip.
Mabilis kong pinawala sa aking harapan ang libro at saka marahas na tumakbo sa kanilang direksyon. Ang lakas din ng aking t***k ng puso habang pinagmamasdan ito.
"Reilly!" Malakas na sigaw ko sa babaeng iyon.
Sa babaeng walang kamalay-malay. Nakapikit pero kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang hawak nito sa dibdib. She's unconscious in the outside but she's conscious on the inside.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko agad sa babaeng ito na katulad ko ay hindi rin mapakali.
"H-hindi ko alam. M-matapos niyang makuha ang bato bigla na lang siyang nagkaganiyan." Nauutal na kwento niya sa akin pero halata sa mga mata nito na hindi niya kayang tumingin sa akin nang diretso noong pinaningkitan ko siya ng aking paningin.
Hindi ako naniniwala sa kaniyang sinasabi. Imposible na mahihimatay siya dahil sa bato na nag-re-resembla sa kaniyang kapangyarihan.
Gusto kong komprotahin ang tagapagbantay na ito subalit nandito na ang mga naghihikahos din na mga royalties at ang kambal na nag-aalala ang mukha sa kanilang nasaksihan. Mabilis pa ang kanilang pagpunta sa direksyon ni Savyrah.
Nanginginig pa ang mga kamay ni Vain nang kunin niya sa kamay ng babae ang katawan ni Savyrah na ngayon ay patuloy pa rin ang paghigpit sa kaniyang dibdib.
"R-Reilly, wake up! Hey, w-wake up!" Tinapik-tapik pa ni Veil si Savyrah sa mukha nito pero mahina lang kaso kahit anong gawin niya hinding-hindi niya magigising ito.
"She's unconscious but also not. We needed to go now and find the professional doctor." Utos ni Prince Cooper sa lahat na agarang ikinasang-ayon ng lahat.
Binuhat ni Vain si Savyrah nang pa-bridal style pero napansin ko rin ang pag-agaw ni Prince Cooper sa katawan ni Savyrah sa kamay ni Vain. Hindi na rin nagreklamo pa si Vain, hinayaan niya na ito ang bumuhat pero halata sa mukha nito na ayaw niyang ibigay.
Gusto kong ako ang hahawak kay Savyrah pero sila na muna ang bahala rito. Gusto kong ma-solo ang tagapagbantay para masagot ko ang katanungan ko.
Nang makita kong nakalabas na ang mga ito sa lugar ng mahiwagang bato. Mabilis ko nang tiningnan ang babaeng ito na napaatras pa sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang aking mukha.
"S-sino ka? A-at bakit ang l-lakas ng kapangyarihan na taglay mo?" Tanong nito sa akin habang namumutla ang kaniyang mukha.
'Hindi ko alam na lumalakas na pala ang inilalabas kong awra. Matagal ko na itong itinatago pero dahil sa nakita ko. Hindi ko maatim ito.'
"Wala ka na ro'n. Ang gusto kong malaman ay kung bakit gan'on ang nangyari kay Reilly? Alam kong nagsisinungaling ka. Kahit na alam kong ikaw ang isa sa tagapagbantay ng mga bato. Hinding-hindi ko pipigilan ang aking sarili na makipaglaban sa iyo upang ilabas lang ng bunganga mo ang katotohanan." Walang respetong babala ko sa babaeng ito na napalunok na lang ng sariling laway.
Nakita ko pa ang paggalaw ng kaniyang mga daliri na nakadikit sa bawat isa.
"A-alam kong h-hindi ka maniniwala at b-baka ipagsabi mo sa iba..."
"Isang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko at iyon ang babaeng karga-karga ng prinsipe."
Wala na ni isa pa akong inaasahan, pinagkakatiwalaan, at pinapahalagahan kundi si Savyrah lamang. Ang babaeng nagpaalis sa aking sumpa. At tinanggap ako despite of my true forms.
Napansin ko naman ang pagbuntong hininga niya at ang paglingon sa mahiwagang bato. Nakita ko ang isang babae na nakaitim na lumabas din dito. Nakayuko ito sa aming harapan, para bang sinisisi niya ang kaniyang sarili sa nangyari.
Kahit na hindi na nila sabihin ang totoo. Alam ko na agad ang kanilang gustong sabihin. Simula nang lumabas ang babaeng ito, na-realize ko na agad ang problema.
"Hindi namin alam ng kakambal ko kung bakit pumasok sa katawan ni Reilly ang itim na bato. Simula ng ipanganak kami at maging tagapagbantay ng mga bato wala pa sa aming mga kaso na nagkakaroon ng ganiyang sitwasyon. Ni isa wala pa. Lalong-lalo na sa magkambal na Vash at Lei. Tanging si Reilly lang ang nakaranas na mapasukan sa loob ng bato." Mahabang kwento ng nakaitim na babae at sa pagkakaalam ko ay siya si Dinvera. Si Minvera naman ang kakambal niya na tagapangalaga ng puting bato.
"Kaya aligaga kami at hindi namin alam ang gagawin. Nang makita naming nawalan ng malay si Reilly habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib, hindi na ako nagdalawang-isip pa kundi ang ilabas siya sa lugar namin. At dalhin sa inyo. Nagbabakasakali na magawan agad ng paraan. Pero..." Napatigil pa si Minvera sa kaniyang sasabihin at saka napalingon pa sa nilabasan ng aking mga kasamahan.
" Pero dahil puti ang kaniyang kapangyarihan at itim naman ang pumasok sa katawan niya. Maglalaban iyon. Kapag hindi nagawang kontrolin ni Reilly ang dalawang ito, baka humantong sa kaniyang kamatayan o baka ang itim ang magkokontrol sa kaniyang katawan. Tama ba?" Pagpapatuloy ko naman sa gusto nitong ipahiwatig sa akin.
Tanging tango naman ang isinagot nila. Kung kaya't napayukom ang aking mga kamao.
I also gritted my teeth because of anger. What should I gonna do? How can I help her?
"Kung ibang tao lang ang nasa loob ng katawan ni Reilly. Baka masalba pa siya dahil puti ang kapangyarihan ni Reilly at hindi natin alam kung ano naman ang kapangyarihan ng sumanib sa kaniya. Pero imposible rin sapagkat wala pa akong naririnig—" nang marinig ko sa bibig ni Dinvera ang mga katagang iyon mabilis akong lumapit sa kaniya at saka siya hinawakan sa kaniyang mga balikat.
Halata rito ang gulat kaya napatigil siya sa kaniyang pananalita. Kitang-kita pa sa kaniyang mukha ang pagkagulumihan sa aking ikinikilos.
"Anong sunod? Sabihin mo ang iba pang detalye!" Nakikiusap kong tugon sa kaniya.
Naalala ko na hindi kay Savyrah ang katawan na gamit niya. She's just reincarnated into this world and accidentally become Reilly who doesn't even understand me.
"Ah—eh... sa pagkakaalam ko kailangan mong dalhin si Reilly sa isang templo na kayang ipaghiwalay ang kaluluwa o ang katawan. Ang templo ay matatagpuan sa pinakaliblib na lugar sa Earth Kingdom. Ang tawag sa templo ay 'Soul Of The Nepathic', pero hindi ko—" bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay nagmadali na akong tumakbo papalayo sa kanilang direksyon.
"T-teka... Saglit!" Narinig ko pang sigawan nila.
Kinaway-kaway ko na lang ang aking kaliwang kamay upang magpaalam sa mga tagapagbantay. Kailangan ko ng kumilos.
'Ngayon, ako naman ang magliligtas sa iyo, Savyrah. Huwag kang bibitaw.'