AVIES' POV:
Bago pa man madala ng mga kasamahan ko ang walang kamalay-malay na si Savyrah. Gumawa na agad ako ng paraan para makuha ko siya nang hindi nila nalalaman kung sino dumakip sa kaniya.
"Sleep." Seryosong utos ko sa aking sarili habang nakatingin sa mga nagmamadali nang mga royalties at lalong-lalo na rin ang dalawa pa.
(Copy.)
Rinig kong sagot ng nasa isipan ko bago ko unti-unting makita ang pagbagsak ng mga ito. Napa-teleport pa ako sa punong hindi kalayuan sa akin at doon sumilip sa mga ito.
Nang sumapit ang isang minuto napag-isipan ko nang lumapit sa direksyon nila. Agaran kong kinuha ang katawan ni Savyrah na nasa kamay ni Prince Cooper at nang handa na sana akong umalis para ipagpatuloy ang aking misyon na pumunta sa templo na sinasabi ng mga tagapagbantay.
"S-sandali... S-saan mo dadalhin si Reilly?" Nauutal na tanong ni Vain nang mapansin ko siyang nagkamalay.
Kaya gan'on na lang ang paglaki ng aking mga mata at saka napalingon sa lahat. Pero halatang ang magkambal lamang ang may malay.
"P-paano?"
"H-hindi importante iyon. Sagutin mo ang tanong namin. Saan mo dadalhin si Reilly?" Sabat din nitong si Veil habang dahan-dahan na tumatayo sa kaniyang kinahihigaan.
Kaya napalabas na lang ako nang mahinang buntong hininga saka binigyan sila ng seryosong tingin.
"Kailangang madala si Reilly sa isang templo. Hindi ordinaryong karamdaman lang ang nangyayari kay Reilly. Pero sa templo ko na lang sasabihin ang lahat. Kaya tumayo na kayo r'yan at samahan ako. Subalit kailangan ninyong gumawa ng kopya ng sarili ninyo para hindi kayo mapagbintangan." Utos ko sa mga ito na agaran din nilang ginawa.
Ang aking kopya naman ay nasa hindi kalayuan sa kanila upang hindi sila magkaroon ng ideya na ako 'yun. May nilagay pa akong ability sa kopya ko upang malaman ko ang mga nangyayari sa paligid ko habang wala ako sa lugar na iyon. Kailangan ko pa ring mag-ingat sa royalties. Lalo na't hindi ako nagtitiwala sa kanila.
"Ready na kami." Nakangiting tugon ng dalawa bago maglakad sa aking kinaroroonan.
Napatango na lang ako sa mga ito at saka inilahad ang aking kaliwang braso. " Hawakan ninyo ang aking braso. Kailangan na nating magmadali dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ni Reilly. Pero nagtitiwala ako na lalabanan niya ang sarili niya."
"S-sige." Mahinang usal naman ni Vain at siya na rin ang naunang humawak sa aking braso na sinundan naman ni Veil na hanggang ngayon ay hindi pa rin na-po-proseso sa kaniyang utak ang lahat.
'Ganito ba talaga ang mga magkakapatid na ito? Hah! Nevermind!'
Muli kong ibinaling ang aking paningin sa mga royalties na walang malay. Saka ginamit din ang aking ability na kayang mag-scan kung nagtutulug-tulugan lang ba o wala talagang malay ang mga ito. Nang masigurado ko ng tulog sila, nag-teleport na ako upang pumunta kami sa Earth Kingdom.
(Earth Kingdom)
"Malayo pa ang ating lalakbayin. Kaya kailangan ninyong maging alerto sa mga paligid ninyo. Hindi kalaban ang makakasalubong natin kundi ang mga halimaw na naninirahan sa bawat kagubatan ng Earth Kingdom. Maliban na lang kung wala silang balak na gumawa ng masama ngayong naglalakad tayo sa teritoryo nila." Paalala ko sa mga ito habang binabagtas namin ang hindi gan'on kakipot na daan sa kagubatan.
Habang ang paligid ay kinaliligiran ng mga punong matataas na hindi makikita ang pinakadulo nito sapagkat abot ito hanggang kalangitan.
May mga nakikita pa kaming lumilipad na mga ibon na masyadong mahaba ang pakpak pero maliit ang kaniyang katawan. Ang tuka naman nito ay mahaba na kulay lila. Ang mga mata naman nito ay malaki at kulay dilaw pero ang dapat puti ay naging itim.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi lamang ba ang mga rebelde ang mga kalaban ng Monstreus World?" Nagtatakang ani Vain sa akin habang panay ang tingin sa kapatid niya na karga-karga ko.
Para ngang wala akong dala-dala dahil sa sobrang gaan ni Reilly. Naalala ko na gumagamit nga pala ako ng spell para hindi ako mahirapan. Bigla na lang kasing sumagi sa utak ko na mabigat nga pala ito.
Si Savyrah kaya? 'Yung tunay niya kayang katawan, magaan kaya hindi tulad ng kay Reilly? Pero bakit ko nga pala iniisip kung magaan ba siya o hindi? Tsk! The heck with you, Avies?!
Ipinagsawalang-bahala ko muna ang mga nasa isipan ko bago mapalingon sa kanilang direksyon.
" Pwede rin na kapwa mo ang magiging kalaban mo. Halimbawa, ang inyong mundo, hindi ba't kapwa mo rin ang nagiging kaaway mo?"
Napalingon naman ang dalawa sa isa't isa saka ibinaling muli ang tingin sa akin. "Huh? Paano mo nasabing taga ibang mundo kami?"
"Hindi ba ninyo naalala ang ating napag-usapan noong bago natin mahanap ang mahiwagang bato?" Pangtutukoy ko naman sa nakaraang usapan pero napataas lang ang mga kilay ng dalawa dahil hindi nila maintindihan ang aking ipinupunto.
Subalit wala pa sa isang minuto nang makita ko kung paano sila mapatigil sa kanilang paglalakad. Habang ako naman ay pinagpapatuloy lang ang paghakbang sa lupang ito na may iilan na lubak-lubak pa dahil sa natuyong putik.
Pero naramdaman ko ulit ang mga yapak nito palapit sa aking kinaroroonan.
"Naalala na namin. Hindi ba't nakita mo na si Savyrah, anong mukha niya? Sinabi sa amin ng aming ama na kapag napupunta raw sa ibang mundo ay iba ang magiging katauhan nito. Mabuti na lang hindi naging gan'on ang sitwasyon sa amin ng kambal ko. Si Savyrah ba? Ang pagkakatanda ko ay kulay berde rin ang kaniyang mga mata tulad namin. Sa pagdating namin sa lugar na ito, wala ni isa kaming nakita na kulay berde ang mga mata kaya iyon ang malaking palatandaan namin." Mahabang paliwanag ni Veil sa akin habang damang-dama ko sa kaniyang pananalita ang matinding pangungulila sa kaniyang kapatid.
"Tama si Veil, kung marami kang kilala na berde ang mga mata. May isa rin akong palatandaan, may tattoo siya sa kaniyang batok na hugis tao. Edad labing tatlo siya noon nang maisipan niyang ipa-tattoo ang imahe ng lalaking palagi niyang napapanaginipan simula bata pa lang siya. Iyon ba napansin mo?" Pananabat din ni Vain na pinag-isipan ko naman.
Kahit na hindi na ako magmuni-muni dahil iyong babae na hinahanap nila ay nasa tabi lang naman nila. Gusto ko mang sabihin na agad sa kanila ang katotohanan pero sa templo na lang, baka makita nila ang kaluluwa ni Savyrah kapag nakawala na siya sa katawan ni Reilly.
Ang ikinababahala ko lang ay ang sinasabi ni Vain na tattoo raw na meron si Savyrah. Hindi ko napansin iyon dito dahil mas pokus ako sa ugali na ipinapakita ni Savyrah sa akin.
"Hmm... she didn't used her real body but I can see what's inside of that person. Mapa-kaluluwa man o hindi. Saka 'yung mukha na ginagamit niya ay palagi kong nakikita sa ilog ng Monstreus World. Hindi nito ako maintindihan kahit anong sabihin ko. Pero sa hindi inaasahan napansin ko na lang na alam na nito ang mga pinagsasabi ko kaya ginamit ko ang kakayahan ko at napag-alaman kung sino ang gumagamit ng katawan ng babaeng iyon. Alam kong masyadong magulo ang aking salaysay pero huwag na muna ninyong isipin ang gan'on na bagay. Kailangan nating magmadali. Malapit na rin tayo sa daan na may isang mataba at mataas na puno ng Evora na iba't iba ang bunga na kayang magsalita. Ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa patibong niya." Babala ko sa mga ito nang mapansin na sa hindi kalayuan ang signage na nakasabit sa isang puno na malapit sa punong tinutukoy ko.
Nakalagay ro'n na mag-iingat sa kaniya dahil hindi basta-bastang patibong ang ginagawa ng mga ugat at sanga niya.
"We got it. Pakiingatan din si Reilly. Hindi namin mapapatawad ang aming sarili kapag napag-alaman ni Ama na hindi namin siya iniingatan." Paalala rin ni Vain sa akin na agaran ko rin namang ikinatango.
As if pababayaan ko ang katawan ni Savyrah. I'm not like others.
Pasimple pa akong napalingon kay Savyrah na ngayon ay nakangiwi na ang bibig nito habang ang kaniyang kamay ay nanatiling mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang dibdib.
'Huwag kang mag-alala, Savyrah. Kakayanin lahat ng ito.'