Nadine’s POV “Si nanang naman, eh. Sabing ako na po ang maghuhugas dyan!” sinilip ko ito nang marinig kong kumanlansing ang mga hugasin sa likod ng bahay. “Ako na anak! Kaya ko naman na! Malakas pa ako! Puwede pang kaldagan ng isang kano,” napanganga ako sa sinabi niya. “Saka buntis ka, huwag mong akuin lahat. Pasasaan pa’t magkasama tayo ‘di ba?” Napakamot na lang ako sa aking batok. Nandito kasi ako sa garden, dinidiligan ang mga bagong tanim kong bulaklak. Nagagawa kong makita mula rito sa harap ng bahay ang sinumang nasa likod dahil may daan sa gilid nitong bakod kung saan nakatayo ang ginawa kong mumunting harden para kahit papaano ay may ginagawa ako bukod sa gawaing bahay. Nagpatuloy ako sa ginagawa habang panay irap. Feeling ko kapag nainis ‘yon sa sakit ng tuhod niya, titilap

