“Sagutin ko lang ‘to sa labas,” paalam ni Stephen nang tumunog ang phone niya. “Mabilis lang ako—” Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. “Bakit kailangan lumabas kung puwede naman dito na lang? Malalim na ang gabi.” Matigas kong sabi na ikinatahimik ng mga kasama namin. Napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago sinagot ang tawag. “Hello, Nazz?” ah, si Nazz. Akala ko kung sino—akala ko si Nica na naman. “Doubtful ang juntis, eh. Wala nga ‘yan pakialam sa phone niya, puro laptop.” Parinig ni Kino na tinatapik-tapik ang balikat ni Stephen. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya kaso gabi na, baka mapahamak pa siya sa labas. “Saka alas-otso pa lang ng gabi, besty,” pagbibigay alam ni Ella na ikinairap ko. Bakit parang kay Stephen na sila kumakampi? “Hindi ‘yan mawawala, hindi titi

