“Respito naman sa mga single dito,” parinig pa ni Kino na abala sa pagsubo. “Akala ko balak niyo pang bendesyunan ang talahiban. Hilig niyo.” Nagkatinginan kami ni Stephen at mahinang tumawa. “Kumain ka na lang, Kino. Walang maniniwala sa’yo dahil wala ka namang nakita.” Kunwareng sabi ko at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Habang hinihiwa ang karne, hindi ko maiwasang mapangiwi. Sa dami ng inilagay ni Stephen sa plato ko, ewan ko na lang kung maubos ko. Ano akala niya sa’kin balyena? Isang subuan? Napabuntong-hininga na lamang ako. Mukhang tataba ako nito ng wala sa oras, kaya minsan ayoko siyang makasabay kumain, panay lapag kesyo kailangan ko ng energy before and after s€x. “Wala akong nakita, oo, pero may narinig,” sunod-sunod pa siyang napamura bago napahilamos ng mukha. “Kailang

