"Sus, hindi pa kasi i-kiss nang magka-alaman kung sino ang unang bibigay. Bagal mo, par!" ayaw talagang tumigil ni Kino. Gusto pa atang makatikim. "Ako ang padre rito! Ako ang masusunod! Ano na!? Kiss! Kiss the bride!" Palukot ng palukot ang noo ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay Stephen na hanggang ay nakasalag pa rin ako sa braso niya. Kung sinuman ang sumipa sa'kin, makukurot ko talaga. Hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasyon, nakaka-tense. Imbes na mainis at magalit, nailang ako. He got the chance and I know he's mad too. Kasasabi lang ng dalawa na nagwawala siya kanina..Oh, bakit hindi niya ako mabitaw-bitawan? "Paulan at kumukulog na, ano na? Magtititigan na lang ba kayo dyan?" palatak pa ni Kino. Minsan gusto kong takpan ng packing tape ang bibig niya. Ang ingay. Hi

