Nataranta ako nang pagitnaan nila akong dalawa. Sisigaw na sana ako nang takpan ni Kino ang bibig ko. "Hmp!" I glared at him. Ano bang pakulo ng dalawang 'to? "Huwag kang sumigaw, Nadz. Palihim na nga lang 'tong ginawa namin." Nakangising wika niya. "Nagwawala ang bebeluvs mo." Lumukot ang noo ko. Kailan pa ako nagkaroon ng bebeluvs? Phew! Si Stephen ba ang tinutukoy niya? Hell no! Kinasusuklaman ko ang lalaking 'yon. Kung puwede lang nguyain, ginawa ko na. Talagang kinampihan pa niya ang babaeng 'yon when in fact siya 'yong nauna. Ugh, kainis! Nakakapang-init ng ulo! Huwag na huwag lang siya magpapakita sa'kin dahil hindi ako magdadalawang isip na patikimin siya ng mag-asawang samp4l lalo na 'yong babae na 'yon. Magsama sila! Mga piste! Isa pa, hanggang ngayon, nag-e-echo pa rin sa

