Napakurap ako ng isang beses nang kurutin niya ang pisngi ko. “Tinatanong pa ba ‘yan?” pareho kaming natawa sa naging sagot ko. “Puwede mo naman akong ligawan habang tayo ‘di ba?” Kumibot ang labi niya at naningkit ang mga mata sa lapad ng ngiti. “Nadine, stop.” What? Wala naman akong ginagawa, ah! Kinikilig ba siya? Cutie. Nakayuko siya ngayon. Napasuklay siya ng buhok bago ulit tumingin sa’kin. “Oh! Come on! Stop with your silly smile.” Nahampas ko siya sa balikat at humagalpak ng tawa. “Cute mo kiligin,” pang-aasar ko sa kanya. “Pero seryoso kasi, you can court me while we are in relationship.” Kinindatan ko pa siya at natawa ulit. “Nadine naman, seryoso kasi…” he buried his chin on my collarbone. Tuloy naamoy ko ang mabango niyang hininga at buhok. Parang nakaka-conscious na tumabi

