Kabanata 1

1824 Words
Sinipa-sipa ko ang kumot na nakabalot sa akin. Isang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin matanggal-tanggal sa isipan ko ang lalaking nakita ko sa fountain na ‘yon. I could still remember the details of his face. Kung siguro makakasalubong ko siya sa mga lugar ay agad ko itong makikilala pero wala, eh. Pakiramdam ko pinagkakait na sa akin ng tadhana. Hindi siguro tuloy kami meant to be. I’ve been longing to see him to the point na binabalik-balikan ko ang lugar. Maski ang mga batang nandoon ay tinanong ko na pero hindi na raw ito bumalik doon. It maybe sounds weird pero simula no’ng mameet ko siya, tila nabura lahat ng nararamdaman ko kay Janno. Nagtataka nga sa akin sila Bea at Ella kung bakit ang bilis kong naka-move on sa kanya. For some reason, alam ko rin naman na bawal so bakit ipu-push ko pa? Sa huli, ako rin naman ang masasaktan. “Nadine anak, handa na ang almusal mo.” Rinig kong sabi ni nanang mula sa labas ng aking kwarto. “Baka lumamig ‘yon, ikaw din.” Dagdag nito. Kahit nasa labas siya, na-iimagine ko ang mga mata niya behind that door na nakangiti na naman. Kahit hindi kami magkadugo ay palagi niya akong tinatawag na anak. Ang sarap lang sa tenga pakinggan and at the same time sa pakiramdam na parang may nanay. Siya ang nagparamdaman sa akin na hindi ako nag-iisa. Sa kanya ko lahat naramdaman na kahit wala ang mga magulang ko ay may nagmamahal pa rin sa akin. "Opo nanang!" nilakasan ko ang boses. Saludo ako sa mga kasambahay na hindi lang pag-aasikaso sa bahay ang inaatupag kundi pati pag-aalaga na rin sa miyembro ng pamilya. I was grateful na siya ang napili ng magulang ko na ngayon ay pumupunan ng mga pagkukulang nila. I was seven years old no’ng mamasukan siya sa amin tapos eighteen naman ako no’ng nalaman kong wala na siyang pamilya kaya sabi ni mama ay puwedeng sa amin na siya tumira para alagaan ako. Although sa amin na siya tumanda, hindi siya nagbago, sa akin man o sa magulang ko. May mga time pa nga na pinapayuhan niya ang parents ko sa pagkukulang nila. Ang ending nauuwi sa biruan kesyo kahit tumanda na ako, ako pa rin ang baby nila. “Huwag mong kalimutan ang harden sa labas, sabi mo ikaw ang didilig ng mga bulaklak doon. Magsuot ka ng maayos at mag-bra. Baka lumabas ka na namang walang bra, naku.” Natawa ako sa sinabi nito. “Nanang, masikip po ang bra. Hindi po makahinga sa lusog ng hinaharap ko.” Pabiro ko pang sagot. “Buti sana kung may lumalambitin tuwing gabi.” “Nadine, anak!” tuluyan na akong natawa ng malakas nang halos sumigaw ito. “Bumaba ka na riyan! Kung hahanapin mo ako, nasa likod lang ako ng bahay.” Pabibigay alam nito. “Bago ko makalimutan, may ipina-deliver ang mama mo. Makikita mo lang sa ibabaw ng lamesa.” “Opo, nanang. Salamat po.” Nakangiting wika ko at nag-inat nang maupo sa kama. Narinig ko ang talpak ng tsinelas niya senyalis na pababa na ito ng hagdan. For sure nakapag-almusal na iyon. Late na rin naman ako ng gising para hintayin pa niya. Usually, kapag maaga akong nagigising ay sabay kaming nag-aalmusal since kami lang dalawa rito sa bahay. I’ve always wanted to have a complete family to have breakfast with pero laging wala ang mga magulang ko dahil abala sila pareho sa kani-kanilang trabaho. Minsan naiisip ko, bakit nag-anak pa sila kung hindi naman mabibigyan ng atensyon? Nakakainis, nakakatampo at nakakagalit pero ano bang magagawa ko? Palagi nilang inirarason ay para sa kinabukasan ko na umay na akong marinig. Hindi ba puwedeng ipa-asikaso na lang sa mga tauhan nila at ako naman ang bigyang pansin? Hindi naman ako naghahangad ng sobra. Tao rin naman ako, gusto ng alaga, oras, atensyon at pagmamahal mula sa magulang. Mahirap na ba ‘yon sa kanila? Masyado pang maaga para masira ang araw ko ngayon. Mare-realize na lang siguro nila ang halaga ko kapag nawala na ako sa kanila na kay nanang na ako sumama in case na umalis siya rito. Sa totoo lang, mas mahal ko siya kesa sa tunay kong mga magulang. They can’t blame me though. I shook my head and stretched my back. Kaka-volleyball ko kahapon kaya ito masakit ang katawan ko. “Kailangan ko pa atang ituloy-tuloy ang laro para mawala, eh.” Bulong ko sa aking sarili. Lumaglag ang kumot mula sa hubad kong katawan nang tumayo ako. Hindi ko alam kung ako lang ba ang gumagawa nito pero palagi akong natutulog na nakahub4d. I find it comfortable though. No bra and p4nty at all. Literal na walang sapl0t. According to our family doctor, mas maganda raw iyong gano’n. As a masunuring bata, tinuloy-tuloy ko na rin. Proven naman dahil hindi ako nagkakaroon ng sleep paralysis plus ang himbing pa ng tulog ko. Habang nagtutupi ng kumot, nilingon ko ang balcony ng aking kwarto. Pakiramdam ko may tao ro’n. May narinig akong yabag, eh. Imposible namang si nanang. Paalam niya sa akin sa likod lang siya ng bahay. “May tao ba dyan?” inibabaw ko ang kumot aking unan. Tumahip ang dibdib ko nang makakita ng pigura ng isang tao. May naninilip ba? Natatabunan naman ng makapal na kurtina ang babasaging sliding door ng balkonahe. Baka may nagtatago lang? Nilakasan ko ang loob at tinungo ang balcony. “Kapag hindi ka pa umalis dyan, magsusumbong talaga ako.” Banta ko rito. Bahagya akong napaatras nang marinig ang mahinang tawa nito. “Coming from a naked girl huh?” Sh1t! Hubo’t-hubad pala ako, bwesit. Mabilis kong natakpan ang mayayaman kong dibdib at ang pinakaka-ingatan kong perlas ng silang anan. “What do you want?!” I yelled at him. “Sino ka? At anong ginagawa mo rito?!” Kabilaan ang balkohane sa kwarto ko, may nasa harap ng bahay, sa side ng katabing bahay na wala namang tao kaya kahit hub4d akong tumambay doon ay walang makakakita and lastly, sa likod din na ginawa kong paliguan kapag umuulan ng malakas. And this guy, nagtatago siya sa madalas kong tambayan. “Let me hide here for a while.” He said and coughed. Sa tono ng boses niya ay parang namimilipit sa sakit. Is he okay? “Can you dress? You’re distracting the hell out of me. Masyado mong binubusog ang mata ko.” The audacity! At ano raw? Binubusog? The heck! “Hoy lalaking akyat-bahay! Ang kapal ng mukha mong utusan ako! Eh ‘di bumaba ka kung ayaw mong makita—I mean, just leave, will you?!” I blurted out in annoyance. Mas lalo akong nainis nang marinig ang bungisngis nito. He’s making fun of me. “Alright then. Hm, malusog naman at matambok.” Namula ako sa sinabi niya. “Huwag ka nang magdamit at saka huwag mo na rin takpan. Nakita ko naman na ang pinakatatago mo." Sa inis ko, wala sa sariling hinila ko ang sliding door. Sunod-sunod ang mura nito pagkakita sa akin at nag-iwas ng tingin. “What the hell, babae?!” napahawak siya sa barandilya na tila handa ng umalis. Gulat na gulat ako sa itsura niya. Punong-puno ng dugo ang gilid ng ulo nito. Tumatagaktak pa ang sariwang dugo sa pisngi niya habang naka-sideview ito sa akin. He was wearing a half mask katulad no’ng sa city hunter. Pinasadahan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil ang mata ko sa tagiliran niya. Tingin ko may sugat siya ro’n dahil hawak-hawak niya iyon. “A-Are you okay?” I managed to ask. “Bakit nandito ka instead na nasa ospital?” “Nahuli ako…” he trailed off. Dahan-dahan itong tumingin sa akin na mas lalong ikinalaki ng mata ko. Those eyes were familiar to me. “I’ll go, naked girl.” Nanlaki ang mga mata ko at napamura nang kumapit siya barandilya. Tila nagslowmo ang lahat nang ilukso niya ang katawan sa ere bago tumalon pababa. Ngayon ko lang napansin na nagkalat ang dugo niya sa sahig pero wala na akong pakialam doon, tinungo ko kaagad ang pinagtalunan niya. “Ayos ka lang?!” I exclaimed. Salubong ang kilay niya nang tingalain niya ako. Ang sama ng timpla ng mukha niya kahit hindi naman kita lahat. Is he an agent? What’s with the mask? Nailing siya pagkatapos niya akong titigan ng ilang minuto. Ni hindi man lang nito sinagot ang tanong ko. “Hoy! Okay ka lang ba?!” Lumukot ang noo niya. “Ang hirap umalis, bwesit.” Rinig kong bulong niya habang hinilot-hilot ang leeg. Nangalay na ata. Ngiti-ngiti ako nang muli itong tumingala. “Alam mo naman siguro ang sagot ko dyan ‘di ba?” his voice sounded so cold. “Sungit mo ah! Buti nga nag-aalala sa’yo iyong tao.” Nakataas ang kilay kong sagot. “Nangangarate ka ba?” it was an out of the blue question. Who knows na baka kaya siya nagkaroon ng maraming sugat ay dahil may naka-engkwentro siyang masasamang tao sa daan. Nahilot niya ang sentido. “Oo. Malapit na rin kitang karatehin sa kama kapag hindi ka pa nagbihis.” Naiiling-iling nitong saad bago nagsimulang maglakad paalis. Napalunok ako at napangisi sa ideyang nabuo sa isip ko. Hindi naman siguro siya babalik dito. “Balik ka ha? Subukan natin iyang sinasabi mo.” Pilyong sabi ko at dumila nang lingunin niya ako. “Good luck!” I flipped my hair as I went inside my room. Hinayaan kong nakabukas ang balkonahe. Uulan naman siguro kaya hindi ko na nilinis ang mga nagkalat na dugo sa sahig. Tinatamad ako at isa pa kumukulo na ang tyan ko sa gutom. “Nadine, anak! Bakit hindi ka pa nag-aalmusal?!” natampal ko ang noo. Nakabalik na si nanang pero ito ako hindi pa rin nakakapag-agahan. “Pababa na po, nanang!” balik sigaw ko rito. Kumaripas ako takbo patungo sa aking drawer at kung anu-ano na lang ang pinagdadampot ro'n na p4nty at loose shirt saka sinuot 'yon. Hindi na ako nag-abalang magbra pa. Wala rin namang dadaan sa labas ng bahay. Bago lumabas sa aking kwarto, dinala ko ang phone ko. Cheneck ko iyon at napabuntong hininga pagkakita sa message ni mama. Mukhang ma-e-extend pa ng isang taon ang pananatili nila sa Canada. Well, nothing’s new. Ano pa bang inaasahan ko? Tiningnan ko isa pa nitong message. Iyong pinadala pala ay mga pepermahang papelis sa store na pagmamay-ari niya na gusto pang ipa-visit sa akin. Ang ganda ng unang araw ng bakasyon ko, puro business. Akala ko ba kapag vacation ay magpapahinga? Kumunot ang noo ko sa isang unknown message. Binuksan ko ‘yon at napanganga sa nakita. It was a photo of—sinong nagsend nito? “Nadine!” oh no, galit na si nanang. I disregard the message and walked out of my room. Pero kanino galing iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD