Habang sumusubo ng pagkain, inabala ko ang isang kamay sa pagpeperma ng mga papeles. Sa kapal nito, hindi ko alam kung matatapos ko ngayon.
"Doon muna ako aking harden, anak." Paalam ni nanang na tinanguan ko.
Nabagot na ako kaya itinigil ko muna ang ginagawa at itinuon ang atensyon sa pagkain. Inubos ko muna ‘yon bago pinagpatuloy ang pagperma. Mamayang hapon pa naman ang punta ko sa store para i-submit ito.
May oras pa akong mag-aliw-aliw dito sa bahay at sa garden sa labas. Wala rin naman si nanang na sasawayin ako kung lumabas ako dyan ng walang bra. Ang sikip kaya no’n sa dibdib.
Isang oras ang ginugol ko sa pagpeperma bago natapos lahat. Isiniksik ko 'yon sa loob ng plastic folder at saka naglipit na rin ng pinagkainan. Pagkatapos kong maghugas, lumabas ako.
Bumaling ang tingin ko katabing bahay. Bakit pakiramdam ko may matang nakamasid sa akin from the second floor?
“Nadine, anak!” mabilis kong nilingon si nanang. Handa na sana ako sa sermon niya nang bigla nitong ihagis sa mukha ko ang dalang tuwalya. Nasambot ko ‘yon at ipinulupot sa aking leeg. “Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Sabing mag-bra ka, eh. Kita mo iyang ut0ng mo, bakat na bakat sa damit mo.” Anito habang naiiling.
Bumaba ang tingin ko sa aking hinaharap at hilaw na ngumiti. Hindi pa nga nababasa pero bumabakat na. “Okay lang ‘yan nanang, wala namang tao." Pagdadahilan ko saka kinuha ang hose sa sulok ng bakod.
Hinarap ko siya pagkatapos. Tinakpan ko ang hinaharap gamit ang tuwalya dahil ang sama pa rin ng tingin niya sa akin.
“Huwag na huwag mo ‘yang tatanggalin kundi kukurutin ko iyang singit mo. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Nasa likod lang ako ng bahay.” Aniya na tinanguan ko.
Tinalikuran niya ako at nagdere-deretsong pumasok ng bahay. Napangiti na lamang ako habang pinapanood itong naglalakad. Ang swerte ko na siya ang tumayong nanay at tatay ko. Hindi siya nagkulang sa pagmamahal, pag-aalaga, pagbibigay ng atensyon at oras sa akin kahit minsan ay pasaway ako.
Ika nga nila, kung sino pa ang hindi mo kadugo, siya pa iyong pumupunan sa lahat ng pagkukulang ng mga taong dapat sila ang gumagawa. That obviously my parents na puro pagpapayaman ang nasa isipan. Ni kumusta sa anak ay wala. Pasalamat sila kay nanang at na-guide pa ako nito kung hindi baka naligaw na ako ng landas.
Sa inis, wala sa sariling nabuksan ko ang hose. Napahataw ako nang bumuga ‘yon ng malakas na tubig. Hinagis ko ang tuwalya sa bakod at tuwang-tuwang diniligan ang mga halaman.
Pagkatapos ko sa mga halaman, hininaan ko ang buga ng tubig na nanggagaling sa hose at itinutok sa aking sarili. Sarap talaga maligo rito sa labas, ang presko sa pakiramdam.
Ipinikit ko ang mga mata at dahan-dahan pinaglandas ang kamay sa hinaharap ko. Nagawa ko iyon sapuin at pisilin bago ibinalik sa aking leeg. Mabuti na lang talaga wala rito si nanang kundi malalang sermon ang aabutin ko.
I immediately opened my eyes when I heard a loud thud coming from the other house. Tingin ko may nabasag na vase. May bago bang lipat doon? Mabilis kong tinakpan ang sarili at sinuri ang lugar pero mukhang wala namang tao.
I let out a relieved sigh when a soft meow reached my ears. Ah, pusa lang pala. Akala ko may tao na. Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa nakaramdam ako ng lamig.
Sa tapang ko, harapang hinub4d ko ang aking damit sa direksyon ng bahay na nagmistulang haunted house. Hindi ko na lang pinansin nang may mabasag na naman doon. Pusa siguro ulit. Nagme-meow, eh.
Mabilis kong kinuha ang nakasampay na tuwalya sa bakod at ibinalot ‘yon sa aking sarili. Pinat4y ko na rin ang gripo na naka-konekta sa hose. Bago pumasok ng bahay, tinapunan ko ng tingin ang bintana ng kabilang bahay sa may second floor. Kumunot ang noo ko nang gumalaw ang kurtina.
Pusa pa rin ba ‘yon? O hangin?
___
Habang tahimik na naglalakad papasok ng store, bahagya akong nagulat nang may pumagitna sa akin na dalawang lalaki. Tingin ko pinadala sila ni mommy as my bodyguard.
Hinayaan ko na lang at nagpatuloy. Pagpasok ko sa loob, mas malala pa ang bumungad sa akin. Napatigil ako at nailang sa mga nakahilerang empleyado na nakayuko sa magkabilang side ng hallway.
“Good afternoon and welcome to Grand Emporium, Miss Nadine.” Sabay-sabay nilang pagbati.
Hilaw akong napangiti at yumuko-yuko rin. Ang awkward. I didn’t know na ganito sila ka-formal dito. Anak lang naman ako ng boss nila.
“Thank you po.” Napakamot ako sa aking batok.
Nabaling ang tingin ko sa babae’ng naglalakad papunta sa direksyon ko. She must be Natasha, ang secretary ni mommy.
“Hello, Miss Nadine, I’m Natasha Co, your mom secretary. Nice to meet you. Masaya akong nakapunta ka.” She greeted me with a smile.
Hilaw ko siyang nginitian. Alam ko kung anong pinagkaibahan ng pekeng ngiti, pilit at pinaplastic ako. I don’t like her.
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit sa akin pinaperma ni mommy ang mga papeles. Hindi na niya ito pinagkakatiwalaan. Hindi rin maganda ang kutob ko sa kanya.
Mom told me to observe at kung sinuman ang hindi ko magustuhan, puwedeng-puwede kong patalsikin sa posisyon and this girl in front of me is the first potential. Magaling magtago ng katauhan ang isang ‘to pero hindi sa akin.
“Yeah, your boss’s daughter.” I fake a smile, just like hers, with a hint of an icy tone in my voice.
Pinagdiinan ko talaga iyong boss para alam niya kung saan siya lulugar.
Naglahad ito ng kamay pero hindi ko pinansin. Nilampasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mabait ako kanina, hindi na ngayon. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay pinaplastik ako.
“Gusto kong makausap ang general manager.” Maawtoridad kong sabi.
Naramdaman ko ang pagsunod sa akin lahat ng empleyado, maging ang sekretarya na mukhang napahiya dahil hindi ko tinanggap ang kamay nito.
Inangat ko ang clutch bag sa bandang kaliwa at palihim na napangiti nang maintindihan ng bodyguard ang ibig kong sabihin. Napangisi ako nang dalhin niya ‘yon.
“The general manager, Miss Coreen, is on her way, Miss Nadine.” Tinapunan ko ng tingin ang empleyadong tumabi sa akin. “I’m Tiffany Yu, the department manager.” Pakilala niya.
Mabilis niyang tinanggap ang kamay ko nang ilahad ko ‘yon sa kanya. “Nice to meet you, Tiffany. Saang department ka naka-assign?”
“Fashion and accessories, Miss Nadine.” Sagot nito na tinanguan ko.
“How are the sales so far?” nakataas ang kilay kong tanong nang ibaling ko ang atensyon sa kanya. Huwag siya kamo magkakamaling magsinungaling. Makakatikim siya sa akin.
Ngumiti siya ng malapad kahit bakas sa mukha nito ang kaba. Nakikita kong confident siya sa isasagot nito. “Gusto niyo po bang makita?” gano’n ang gusto kong marinig.
I gave her my sweetest smile. “No need. Sapat na sa akin ang sagot mo.”
Sa kaloob-looban ko ay gusto kong tumawa. Para siyang nahimasmasan sa sinabi ko. If I remember correctly, isa siya sa mga naging outstanding employee kaya na-promote sa department manager. I’m not good at remembering people’s name pero sa mukha, oo.
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may dumating dahilan upang matigil kami sa paglalakad. Dahan-dahan tumaas ang kilay ko nang pasadahan ko ito ng tingin. “And you are?” pagmamaldita ko.
Ang gulo ng buhok niya na para bang nakipagsabunutan. Maski ang butones ng pang itaas niya ay nakabukas.
“I’m sorry for being late, Miss Nadine. May nag-aaway po kasi kanina, nadiin ako.” Hilaw itong ngumiti saka inayos ang sarili. I just gave her a slight nod. “I’m Coreen Ledezma, the general manager of Grand Emporium.” Pakilala nito. Tinanggap ko kaagad ang kamay niya nang maglahad ito.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. “Tour me.” Humalukipkip kong saad.
“Masusunod po.” Magalang nitong sabi. Magkatabi sila ngayon ni Tiffany. Si Natasha ay nakasunod pa rin sa akin.
Habang naglalakad, pinagtitinginan kami ng mga tao. Ipapasara pa sana ni mama ang store dahil sa pagbisita ko pero ako na mismo ang tumanggi. Sayang ang sales ngayon hapon. Ang dami pa namang tao.
“How’s the current financial performance and profitability of the store? Overall?” tanong ko. Agad naman nitong ipinakita sa akin ang tablet nito.
“Sa fashion and accessories, tumaas po ng fifty percent ang sales. As for the home & lifestyle naman po ay twenty percent and the rest po nasa ten to fifteen percent.” Paliwanag nito. “Iyong kay Tiffany po talaga ang pinakamataas. Iyon po talaga ang dinudumog ng mga tao. Tungkol naman sa overall sales, ang mama niyo po ang nakakaalam. May lumalabas po kasing pera na hindi namin alam kung saan ginagamit.”
Umikot ang mata ko. Napitigil sila sa paglalakad nang tumigil ako. Hinarap ko si Natasha na tahimik lang sa likod ko na tila parang walang naririnig. “Sinabihan ka naman siguro ni mama na dalhin ang ibang records ‘di ba?” pagtataray ko sa babae.
Tumuwid siya ng tayo. Hindi ko talaga gusto ang timpla ng mukha niya. Nagpapaawa, bwesit.
“I’m sorry, Miss Nadine, pero hindi ko pa po tapos i-summary lahat.” That’s it, siya talaga ang naglalabas ng pera simula no’ng manatili si mama sa Canada. Ito rin kasi ang idinadahilan niya. Ang hindi matapos-tapos na summary.
Sabi ni mama, last last month pa niya iyon ipinapagawa sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatapos. Ano bang pinagagawa niya sa buhay? Pinagbakasyon ba niya ang pera ng store? Bwesit na babae’ng ‘to, sarap kalbuhin.
“Can you summary what fvck happened in the past four months that prevented you from finishing your task?” nanlaki ang mga mata niya. Tusukin ko kaya at baka sakaling matauhan? “You’re fired, Natasha Co!” nakarinig ako ng singhapan sa paligid. Sa lakas ba naman ng boses ko ay paniguradong rinig ng mga tao rito. “Pasalamat ka at hindi sa kulungan ang bagsak mo.”
“You can’t do this to me, Miss Nadine! Anak ka lang! Hindi ikaw ang boss ko!” tinangka nitong hawakan ang braso ko ngunit mabilis ko iyon binawi.
Sa inis, hinablot ko ang buhok niya. Mariin ko siyang hinawakan sa panga at inilapit ang aking mukha dito. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Iyon na nga, eh. Malas mo lang, ako ang anak ng boss mo.” Nginisihan ko siya. "I can kick out anyone if I know they're hiding something dirty, and you're one of them."
Duduruan sana niya ako nang maka-ilag ako. Muling napasinghap ang mga tao nang sapakin ko ang mukha niya. Malakas na nakakabingi.
“Escort her out!” napaupo siya sa sahig nang marahas ko siyang itulak.
“Mam4tay ka sana!” talagang sinasagad ng babae’ng ‘to ang pasensiya ko.
“Matagal mam4tay ang masamang damo.” Malamig na saad ko rito at nagkibit-balikat.
Nakarinig ako ng mahihinang tawa sa paligid. Oh, well, what a satisfying scene.
Kinaladkad siya ng isa sa mga bodyguard ko palabas. Huminga ako ng malalim bago humarap ulit.
Nginitian ko ang mga taong napapatingin sa akin. “Tapos na po ang eksena, enjoy niyo lang po ang pamimili.” Yumuko-yukong untag ko.
Hindi naman siguro masama kung mabawasan ng isa o dalawang percent ang sales ngayon ‘di ba?
“Oh, bago ko makalimutan, I’ll promote Miss Coreen as the new secretary and you Miss Tiffany as the new general manager, ikaw na bahala kung sino ang gusto mong i-promote sa team mo but make sure alam niya ang salitang sipag, efficient and effective, kuha mo? Puwede na kayong bumalik sa trabaho. May bodyguard naman ako. And oh, bago ko makalimutan, ito ang penermahan kong mga papeles.” Binigay ko ang folder kay Coreen. “Ako na lang ang tawagan mo kung may problema. Abala si mama kaya huwag na natin istorbohin.”
Sabay-sabay silang tumango. “Noted, Miss Nadine! Thank you for visiting the store! Balik po kayo ulit.” Masayang tugon nila.
Mukhang babalik-balik ako rito since wala pa si mama. Wala rin naman akong ginagawa sa bakasyon kaya ito na lang muna ang pagkaka-abalahan ko.
___
Gabi na no’ng makauwi ako. Pinauwi ko na rin si Xie na bodyguard ko kaya ito, ako ang nagdala ng sandamakmak na bags kaka-shopping kanina.
“Nanang!” tawag ko rito.
“Sandali lang, anak! Naghahanda ako ng makakain natin.” Sagot nito.
Inilapag ko ang mga dala sa bermuda grass at tinungo ang duyan malapit sa bakod. Humiga ako ro’n at pinakatitigan ang haunted house.
Napamura ako nang biglang may mag-meow. Kagulat, bwesit!
“Meow!” and heck I meow back. Akala mo talaga naitindihan, eh. Parang tanga lang.
Napabangon ako nang makakita ng anino sa second floor ng bahay. Gumalaw rin ang kurtina ng bintana.
Ano ‘yon? Pusa pa ba ‘yon o multo na? Akyatin ko kaya?